Kabanata 26

339 22 5
                                        

Kabanata 26

Kagaya ng sinabi niya, kinaumagan madali akong pumunta doon sa unit niya. Sinunod ko yung sinabi niya na huwag mag uniform kaya naman jeans at simple shirt lang yung suot ko. As in simple jeans and white shirt. Pinusod ko din yung buhok ko dahil nga mahaba na. Messy bun kumbaga. Tapos body bag lang, face mask at white sneakers. As in sobrang simple lang talaga.

Pag-pasok ko sa unit niya, nakita ko na nasa kusina siya at umiinom ng kape habang may hawak hawak na gitara. Naka-ayos nadin siya. Simpleng pantalon at white shirt lang din siya.

"Good morning Sejun, in fairness terno tayo ngayon." bati ko.

Dahil doon eh napatingin siya saakin. Ngumiti naman ako sakaniya na ganun din naman ginawa niya. Lumapit ako sa counter para ibaba yung mga dala kong agahan, his favorite, pancit. Inayos ko kaagad iyon at inilipat mula sa tupper ware papuntang plato.

2 servings ang prinipare ko bago inilagay ang tupper ware sa refrigerator. Kung ayaw niya naman edi ako nalang ang kakain, bahala siya.

"Kakain ka ba? Nagdala ako ng pancit." tanong ko.

"Oo ba, paborito ko 'yan eh." aniya. Tuwang-tuwa ang loko. Kinuha ko ang mga plato at inilapag sa lamesa na nasa pwesto niya. Umupo din ako doon sa silya sa harap niya.

"Teka? Naalala mo na favorite mo 'to?"

Natigilan siya. "H-Ha? Pati ito ba nakalimutan ko din?"

Napapikit ako. Umiling nalang dahil di din naman ako sure. "Nevermind, iilang years nga lang pala yung nawala sa 'yo?"

Nagsimula na akong kumain na sinabayan nang kaniyang pagtugtog. Umiinom din siya ng kape niya. Habang nakain ako eh pinakikinggan ko yung mga tunog na nagmumula doon sa gitara niya. Everything seems new to me. Kaya naman chumika na ako sakaniya.

"Bago 'to ah? New song?"

He nod. "Yup, ilang linggo din akong nawala eh. I want to produce new song after tilaluha. Yung maganda sana continuation."

Napatango ako. Tilaluha was one of my favorite song from them. Masakit itong kantang 'to at may kwento, kung dudugtungan man 'to sana masaya na.

"Tilaluha is a sad song, kung dudugtungan mo siya or kung ipagpapatuloy mo man 'to, I prefer kung happy ending na. Kagaya ng mga fairytales, papatok sa mga tao 'yon." I suggested.

Akala ko aagree siya sa sinabi ko dahil napangiti siya. But he answered otherwise, "No, hindi ko gusto na mamuhay lahat ng tao sa fairytales because in real life, not all stories are happy endings. We have to be realistic here, and I want to be realistic."

Nagulat ako kaya napatigil ako sa pagkain. "Wow wow wow, typical Sejun. Daming alam..." bulong ko. "Naririnig ko na sa melody mo na magiging mapanakit na naman 'tong isusulat mo."

He sigh. "I have no motivation right now, di ko alam saan magsisimula."

"Ano bang nafefeel dapat ng kanta?" tanong ko.

"Acceptance, na kahit hindi sila in the end ay masaya padin sila for each other." aniya.

Natigilan ako bigla. Parang 'yung nararamdaman ko sakaniya, kahit hindi man maging kami sa huli—masaya ako na nakilala ko siya.

I shrugged my shoulders. I'm not good at music. Hindi nga ako marunong at magaling gumawa niyan eh, gusto ko lang makinig. So habang nagigitara siya at gumagawa ng lyrics eh kumakain ako at pinapanood siya. 

Hindi ko na nga namalayan yung oras eh, basta nung tumutugtog siya parang tumigil yung orasan at bumagal yung pag-ikot ng mundo. Hays, ang drama Hazel ah. 

"Okay! Get up at may pupuntahan tayo?" aniya at biglang tayo. 

Kainis naman. Ni-rerecord ko pa yung ginagawa niya eh. Apaka talaga nito-ang hirap malaman yung tinatakbo ng isip niya kainis. Biglang tayo pa ang loko eh. 

"Aray. Ano ba? Saan tayo pupunta? Hapon na hapon oh tirik na tirik yung araw." inis na sabi ko. Saka ko lang narealize na ala una na at halos apat na oras na pala siyang nagsusulat ng kanta at halos apat na oras na din ako muntanga kakatingin sakaniya. 

"Ah basta. Dalian mo, kukunin ko lang susi ng sasakyan ko. Mag-ayos ka na ah!" sabi ni Sejun. 

Luh? Ito naman si Sejun, kung yayayain mo ako mag-date ngayon, pwede mo naman sabihin ng maayos eh. Charot HAHAHAHAHHAHHAHAHHA

Dali-dali akong tumakbo sa banyo nung pumasok siya sa kwarto niya. Nagpulbos ako at nagpahid ng liptint at konting cheek tint. Namumutla na pala ako at wala ng kulay. Ikaw ba naman halos apat na oras naka-upo eh. Super streched na yung muscles ko niyan sa gluteal. 

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon