Kabanata 17

448 32 13
                                    

Kabanata 17


"Hala―H-Hazel?"

Natigilan ako nung makita ko kung sino iyon. "S-Stell?"

Oh no, si Stell andito? He's wearing a hoodie and mask pero kilalang kilala ko siya at hindi ako pwedeng magkamali. "A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya.

Hinarap niya ako muli at tinitigan ng maayos. "Ikaw na ba talaga yan Hazel? Hala, alam na ba ni Sejun na andito ka? N-Nagkita na ba kayo? A-"

"—no, hindi niya pwedeng malaman!" pinutol ko na kaagad ang mga sinasabi niya. Umiling ako.

"Bakit? Alam mo bang isang taon ka niyang hinanap? Tuliro si Sejun kasi hindi niya alam kung saan ka niya hahanapin! Muntikan nang mabulilyaso yung bagong single naming dahil hindi siya makapagconcentrate sa ginagawa niya. Tapos sasabihin mo na hindi niya pwedeng malaman?" ani Stell.

Napayuko ako... napayuko ako sa kahihiyan, hindi ko inaasahan na ganon ang maririnig ko sakaniya. Hinanap niya ako? Para saan pa? Wala. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko sa mga narinig ko mula kay Stell but I choose not to show any emotions in front of him.

Yung pakiramdam na gusto kong malaman yung mga detalye na talagang hinanap niya ako pero ayaw ko na ng gulo. Mas makakabuti siguro kung hahayaan ko nalang umusbong ang career niya na wala ako. Iniisip ko, dalawang taon akong nawala at dalawang taon din nagboom ang career nila. They made it internationally.

Tumikhim ako at tinignan si Stell sa mata. "I have to go, Stell. Nice meeting you and congratulations sa mga achievements ninyo..." pilit ang ngiti ko na sinabi sakaniya.

Tinulak ko yung cart ko pero napaharap ako sakaniya ng hilahin niya ang braso ko at iniharap ako sakaniya. "Aray! Ano ba, Stell!"

Nagtama ang mga mata namin at kitang-kita ko doon ang kakaibang awra mula sa mata niya. "Nasa labas si Sejun, may pagkakataon ka na kausapin at magpaliwanag sakaniya. Matapos mong magbigay ng motibo iiwan mo yung tao? Sana hindi mo nalang pinaranas na may nararamdaman ka sakaniya para hindi siya nasaktan."

Natahimik ako, hindi ko inaasahan na bubuhos ang luha ko. Lahat ng emosyon ko na pinipigilan ko kanina ay lumabas dahil sa sinabi niya. Iwinasiwas ko yung braso ko para mabitawan niya. "Wala kang alam sa pinagdaanan namin at sa kung anong meron samin dati! Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan ng iwan ko siya. Ginawa ko iyon para sa career niya/niyo. Stell, ayokong masira siya naiintindihan mo ba? Kaya umalis ako para di na lumalim pa yung nararamdaman naming kasi baka parehas lang kaming masaktan. Isang buwan lang iyon, pero para saakin sobra sobra na 'yon. Hindi nawala lahat ng nararamdaman ko sakaniya sa nakalipas na dalawang taon." Lahat ng gusto kong masabi dati ay nasabi ko sa harap ni Stell. Lahat ng sakit at regrets ay sinabi ko.

Walang kibo si Stell. Hinayaan niya lang akong umiyak. "Stell, miss na miss ko na siya... nasaktan din ako, patuloy na nasasaktan... pero... kinaya ko. Kaya wag mo akong sasabihan na para bang hindi ako nasaktan, dahil saming dalawa... ako yung pinakanasaktan..."

Tinalikuran ko si Stell at iniwan sa pwesto niya. Pinunasan ko yung luha ko at dali-daling nagpunta sa counter para magbayad. Binayaran ko lahat ng binili ko at umuwi na sa condo.

Pagkarating ko sa condo ko, doon na ako umiyak. Kinuha ko ang luma kong phone na naglalaman ng mga litrato namin ni Sejun. Mas lalo akong naging emosyonal habang tinitignan ko ito.

Yung mga ala-ala namin na magkasama, yung gumala kami sa isang amusement part. Yung nagcrave siya ng hotdogs tuwing gabi...

"Miss na kita Sejun..."

Yung sakit andito padin. Bakit kasi hindi nalang ako makamove-on eh, marami namang iba pero siya padin talaga. Sobra talaga yung sakit. Naalala ko yung sinabi niya dati sakin na pupunta kaming Baguio pero... pumunta siya doon at hindi ako ang kasama niya... si Reese.

Itutulog ko nalang yung sakit para mawala nalang ulit.

Nagising ako dahil sa isang tawag mula sa hospital. Marami daw patients ngayon sa ER and kaunti lang daw ang mga staff nurses na naandoon. For sure wala si Jeca dahil umattend iyon ng concert ngayon ng SB19. Buong araw akong nagfocus sa trabaho kahit si Sejun ang iniisip ko. Simula kagabi siya na yung iniisip ko.

Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya? Nakamove on na kaya siya saakin? Masaya kaya siya?

Alam kong mali yung ginawa kong pangiiwan pero ginawa ko iyon para sakaniya, sakanila ng grupo niya. Kahit masakit sakin eh ginawa ko. Para akong wala sa mundo ngayon dahil naalala ko siya. Marami akong sana pero mukhang wala naman nang pag-asa pa. Malayo ang estado naming dalawa, imposible pang magkatagpo pa kami... impossible...

"Emergency! Nurse! Nurse!" Merong sumigaw dahilan para magising ang aking ulirat. Dali-dali akong tumakbo doon sa pasyente na inililipat ng stretcher. Laking gulat ko ng makita ko kung sino iyon... hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Walang malay ang lalaki at duguan ito. Hindi ako makakibo

Hindi...hindi pwede 'to! Hindis siya ito... hindi!

Si Sejun, duguan.

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon