Kabanata 10
"Asan mo ba ko dadalhin?" kulit niyang tanong saakin. Natawa nalang ako, para kasi syang bata na kala mo ililigaw.
"Alam mo, nakailang tanong ka na saakin niyan. Di ko na nga mabilang eh!" natatawa kong sagot. Inilabas niya yung phone niya at binuksan ang google maps. "Ano ka, si Dora na techy version? Bakit ka nagmamaps? HAHAHHAHAHA! Bababa na tayo." Sabi ko sakaniya. Then kinausap ko yung driver, "kuya diyan na lang po banda."
"Kanina pa kasi ako nagtatanong sa'yo tapos di ka sumasagot. Uuwi na ako, pag may nakakita sati—" ika niya pero di ko na siya pinatapos. Peke akong ngumiti sakaniya, tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Balot na balot ka, Sijon. Sa tingin mo may makakakilala sayo sa ayos mo? Atsaka secret nga eh." Sagot ko.
Bumaba na kami ng grab tsaka naglakad, kaunti lang naman ang tao tapos malapit na din naman. Actually, pupunta kaming peryahan, gusto ko nga sana sa amusement park siya dalhin kaso ang alam ko lang yung Enchanted Kingdom na malayo naman. Nakita ko 'tong peryahan na 'to nung dumaan ako habang papunta sakanila na may bitbit na hotdogs. Binilisan ko yung paglalakad ko sa pagaakalang bibilisan niya din—pero hindi, tumigil pa siya.
"Hoy! Ano na?"
Bumuntong hininga ito saka nagpatuloy maglakad—inantay ko siya syempre para sabay kami. Habang naglalakad kami, feeling ko ang bagal bagal ng oras. Sumusulyap ako sakaniya habang naglalakad, hindi padin ako makapaniwala na nakasama ko ang isang kagaya niya. Gusto ko siyang tanungin pero nahihiya akong mag-open up sakaniya.
"Kamusta nga pala yung online exam mo?" tanong niya, so siya na nag-open ng topic. Umiwas ako ng tingin sakaniya, tumingin ako sa daan habang nakangiti. Bigla ko kasi ulit naalala yung hotdog at 7/11 eh. "Oh? Ba't ka tumatawa diyan? Para kang sira."
I bit my lower lip para pigilan yung tawa ko. "Wala—okay naman yung exam ko. May iilan na mali pero konti lang naman."
"Nako! Yung mga konti na 'yan, marami talaga." Natatawa niyang sagot. So natawa na din ako, kasi yung totoo medyo marami nga 494/500 kasi yung nakuha ko. Medyo marami nga talaga. "Pero seryoso studies mo? Hindi naman ba ako nakakaabala masyado? Itong trabaho mo, hindi ba nakakaabala?"
Umiling ako. Pinasok ko yung kamay ko sa bulsa ng jacket na suot ko. Parehas kaming naka hoodie kaya talagang balot kami. Hindi ka kailan man naging abala... "Hindi, tsaka naka semestral break kami kaya okay lang." Hindi ko tanda kung alam niya bang isang buwan lang ako magtatrabaho sakaniya.Tumango siya. That time—nanahimik yung paligid namin, siguro naging awkward kasi first time niyang magtanong ng ganon sakin. Hindi kami medyo nag-dedeep talks kasi nga hindi naman siya masalita na tao—except pag music ang usapan.
"Oh! Andito na tayo." sabi ko. Nag-angat siya ng tingin. Yung madilim niyang mukha ay biglang nagliwanag dahil sa ilaw na dala ng perya. I saw something on his face, kita ko yung ningning sa mata niya at yung saya. "Ano? Papasok tayo o hindi?" masaya kong tanong.
Ngumiti siya saakin—at ako naman yung natigilan. Yung ngiti na gustong-gusto kong nakikita sakaniya, binigay niya muli saakin. Naglakad siya at nilagpasan ako, I am just staring at him as he walk pass by me. Wala sa sarili akong nalungkot na may halong sayo. "D5, Hazel. D5, you still have 4 days to make this week so memorable for you." bulong ko sa sarili ko.
"Hala naeexcite ako! Diyan tayo sa octopus!" parang bata niyang sabi. Sa totoo lang, nabibigla ako sa nakikita ko sakaniya ngayon. Para siyang bata talaga! So soft.
Pang apat na rides na namin 'to. Yung una yung parang space spaceship na umiikot. Pangalawa yung carousel, pangatlo yung flying fiesta tapos ito yung pang-apat yung octopus. Mabilis 'tong ride na 'to eh parang roller coaster din. "Oo nga! Kulit mo, nakapila na nga tayo oh. May ticket na oh, ayaw mo?"
"Gusto ngaaa! Acckkk!" aniya.
Natawa ako kasi may mga sound siyang crinicreate. Mukhang timang 'to! Ilang sandal lang ay nakasakay na kami. That was so fun! Sobra yung tili ko sa takot pero siya tawa lang tawa. Yung mukha ko para nang kulay bayolet.
"Oh? B-Bakit ganyan mukha mo? P-Para kang u-HAHAAHAHAHHAHA" sabi niya pa saakin.
"Aba'y sira ulo ka! Bakit ba kasi tayo sumakay doon!" inis kong sabi sakaniya. Hinihila ko yung buhok niya kasi sasabunutan ko siya. Talon ako ng talon para maabot ko yung hoodie niya kasi ang tangkad niya.
"Hoy—ano—Itigil mo 'yan! Pag—Hoy!" wala akong maintindihan sa sinasabi niya, basta gusto ko lang makabawi. Tinakasan ako ng dugo sa ride na 'yon. Pero dahil masyado siyang matangkad eh kiniliti ko nalang siya hanggang sa sumuko na siya at marinig ko na ang magic word na, "T-Tama na! S-Sige, libre na lang kitang pagkain."
I smirked, nadali din.
At ayon na nga, after naming doon sa octopus ay kumain na din kami. Bumili kami ng lomi batangas tapos tapsilog. Meron kasing night market sa gilid ng peryahan. Ang ganda talaga ng lugar na 'to kasi parang best place for date—pero di kami nagdadate ah.
"Alam mo ang dami mong kinakain pero ang liit-liit mo." Aniya.
Ngumiti ako ng pilit. "Nagsalita..." Inirapan ko siya at uminom ako ng tubig. "Alam mo ikaw, ang takaw taka mo kaya mataba ka."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Bigla tuloy niyang tinignan yung sarili niya. "Sinungaling ka, grabe! Hindi naman ako mataba eh. May abs kaya ako!"
"Abs? Saan? Ah! Monay."
He gritted his teeth. "Monay pala ah! Ikaw magbayad ng kinain mo ah."
Aba't—"Hoy! Anong ako? Bayaran mo 'yan. Sige ka di na kita ulit, yung apat nalang. Aalis na ako bahala ka—"
Hindi ko pa nga natatapos yung sinabi ko ng bigla siyang nagsalita at, "Tara na! Babayaran ko na 'yang kinain mo. Iikutin pa natin 'to at sasakay pa tayo ng Ferris Wheel."
"F-Ferris—WHAT?"
Oh no.

BINABASA MO ANG
BE WITH SB19 SEJUN (Completed)
FanfictionUnexpected story, a roller coaster ride of emotion. A story of an idol who signed a contract that he wouldn't go into a relationship, but things got out of hand when he fall in love with his personal assistant.