Kabanata 13

643 26 10
                                    

Kabanata 13

Damn.

Sariwa padin saakin lahat nung nangyari nung araw na 'yon. Today is my Day 2 until D-Day. Bale last 2 days ko nalang na makakasama siya tapos may pabigla pang ano si Sejun. Legit yung kilig ko, as in sobra. Napapikit ako habang inaalala yung yakap niya, yung amoy niya at yung sinabi niyang nagseselos siya. Oh my god! Kung makikita niyo lang kung gaano kalapad yung ngiti ko, siguro punit na yung mukha ko.

"Kuya Lyle, tignan mo si ate. Kahapon pa 'yan ganiyan simula nang may pinuntahan." ani Ruth. Pansamantala akong dumilat at inirapan si Ruth, itong batang 'to talaga sobrang nagiging epal na lately. Wala akong pasok ngayon sa SBT kasi practice day nila ngayon at sinabi saakin nung manager nila na okay lang daw na wag muna akong pumasok. Gustuhin ko man ay saktong may lakad din kami nila mama, kuya Lyle at Ruth—birthday kasi nung pinsan naming 1 year old ngayon. Kaya wala akong pasok ngayon at di ko makikita si Sejun.

Pero okay na din, mukhang mangingisay ako sa kilig pag nagkataon. "Ate siguro may boyfriend ka na no? Isusumbong kita kay papa, malandi ka na ah!" asar saakin ni Ruth. Aba'y gagu 'to.

Kinuha ko yung tissue sa bag ko at binato ko sakaniya. Tinignan ko si kuya Lyle at mukhang nagets niya kung bakit. "Yung bibig mo, Ruth ah. Ate mo 'yan." suway ni kuya Lyle.

"I-stastapler ko 'yan pag di ka tumahimik."I added. Kung alam mo lang Ruth baka lumipad ka sa inggit.

Napakamot siya ng batok. "Alam niyo yung salitang 'JOKE'! Mga walang humor sa katawan. Punta na nga ako kay mama!" aniya sabay tayo at alis sa table namin.

So naiwan kami ni kuya Lyle sa table, ang boring pa naman nito ni kuya—puro trabaho. Kahit ngayon dito dala padin niya yung trabaho niya, laging may kausap sa phone. Call center agent ka boi? Hmp!

Dahil nga buryong-buryo na ako. Kinuha ko na yung phone ko—nung una balak ko lang talaga mag-scan sa facebook pero nung may nareceive akong message mula sakaniya, parang nagimbal yung mundo ko.

From: Sejun

Good morning, bi. Kamusta araw mo? Sabi saakin ni manager may lakad daw kayo kasama ang fam mo? Kamusta?

W-Wait what? T-Tinawag niya akong 'Bi'. As in Baby? WHAT THE FOCK!

Napahawak ako sa dibdib ko, kailangan kong sumigaw, kailangan kong tumili. Oh my, kailangan kong tumili—mababaliw na ako.

"Oh? San ka pupunta?" tanong ni kuya Lyle. Pigil na pigil ako sa harap ni kuya. "Maglalabas lang ng utot—" ika ko sabay takbo sa likod ng bahay nila tita. Medyo kulob kasi 'yon

3...2...1....

"Oh my ghad! Tinawag niya akong 'bi'! HALAAA! Kinikilig ako. T-Teka anong irereply ko? Sagutin ko kaya siya ng Okay lang ako, bi tapos with heart. Omo! Hindi, ang baduy. Baka isipin niya na easy to get ako, no no! Dalagang pelepena ako!"

Halos mabaliw na ako, hindi ko alam kung saan sisidlan yung kilig na nararamdaman ko ngayon.

To: Sejun

Bakit may bi|


"Wag delete, ang pangit. Mukhang mataray ako!" bulong ko.


To: Sejun

Okay lang, ikaw p|

Hala seryoso, kinikilig talaga ako. Bakit kasi may 'bi' na kasama, nakakainis. Nakailang ulit ako ng itatype ko pero sa dulo eh napagdesisyunan ko din kung alin dapat ang karapatdapat.

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon