Kabanata 28

305 18 6
                                        

Kabanata 28

Hay, kainis. Ano bang klaseng panaginip 'yon? bulong ko sa isipan ko. Paano ba naman kasi super nakakapanindig balahibo. Ni minsan hindi pa ako nakakapanaginip ng ganon.

"Hays, bahala na nga. Kalimutan mo na 'yon Hazel!" kumbinsi ko sa sarili. Agad akong bumangon sa higaan ko at nagscan sa social media. Una akong sumilip sa twitter. Pagclick ko sa trending ay di na ako nagulat kung ano yung nasa top trends. Of course, yung grupo nila Sejun. Malakas yung fandom nila at super sisipag.

Pagkatapos ko doon ay agad akong pumunta sa instagram para sana sumilip ng mga stories. Nagulat ako sa nakita ko. Himala, may ig story si Sejun? Sa sobrang intriga ko ay klinick ko iyon.

Nanlaki yung mata ko sa nakita ko. Video clip 'yon kanina sa kinainan namin. Naghuhum siya ng tono nung sinusulat niyang kanta at nahagip ako sa camera. What the heck!

"Sejun nakakaasar ka! Bakit mo―aaaa! Pag talaga napansin yan nang mga fans niya ay ewan ko nalang talga." Inis na sabi ko sa hangin.

Sinubukan ko siyang tawagan pero di siya sumasagot. Nag-riring lang kaya naman minessage ko siya.

To: SEJUN

Yung ig story mo nahagip ako. Idelete mo 'yan. Mamaya ma-issue ka bahala ka diyan.

Hindi ko alam kung naseen niya ba or hindi pero since ilang oras din akong nag-aantay sa reply niya eh napagdesisyunan ko nalang mag-night bath na at magpahinga. Naalala ko kasi yung panaginip ko, baka dala lang din ng pagod iyon. Pero para makasigurado eh pupunta na din ako sa hospital para makapagpa-check up.

Maaga akong nagising hindi dahil sa alarm ko kundi sa pananakit ng ulo ko. Medyo napapadalas na siya. Nasusuka din ako tuwing umaga.

"Anak, mag-pacheck up ka na kaya para malaman kung ano 'yan?" ani mama. Pinunasan ko ang mga labi ko kahit wala naman akong gaano naisuka. "Hindi ka ba buntis anak?"

Umiling ako. "Ma! Malamang hindi!"

"Eh bakit nahihilo ka? Bakit napapadalas ang papanakit ng ulo mo at ang pagsusuka mo?" tanong niya. "Kung hindi ka buntis aba'y magpacheck up ka na ngayon at nag-aalala na ako saiyo ha. Isama mo si Ruth kung gusto mo. Gigisingin ko na!" aniya.

"Ma-Ma! Wag na. Maliligo na ako at magpapacheck up. May pasok si Ruth wag mo ng gisingin."

Kagaya ng sinabi ko. Nagpacheck up ako. Maraming test ang inundergo saakin kaya naman natagalan ako. Inabot ako ng alas dose doon kaya naman tinawagan na ako ni Sejun. Shit! Nakalimutan kong magpaalam.

"Hello?"

"Papasok ka ba ngayon o hindi? Diba sinabi ko may pupuntahan tayo ngayon?" medyo nahihimigan ko na ang inis sa boses niya.

"Uh, di ata ako makakapunta ngayon. Nasa Hospital ako may inaasikaso lang. Sorry talaga." ani ko. Nagpapaliwanag ako sakaniya ng bigla akong nawalan ng balance dahil nandilim ang paningin ko. Mabuti na nga lang at nakahawak ako ng mabilis sa bakal na railings sa gilid ko.

"Oh? Napano ka? Ano yung bumagsak?" Now his voice sound so concern.

Tinignan ko kung ano yung bumagsak. Yung bag ko... "Nothing. Pusa lang. Sige na, ibaba ko na at may aasikasuhin pa ko."

"Sure ka?"

"Yup!"

"Sige, kung hindi ka papasok ngayon. Send mo saakin kung saan kang hospital, susunduin kita mamaya, may pupuntahan tayo..." sabi niya.

Napabuntong hininga ako. Hinome ko ang call at shinare sakaniya ng location. "Ayan, I already shared it to you. Kindly check it nalang."

"Gotcha. Sige sige, sunduin kita diyan mamaya. See you!"

Wala na akong lakas magsalita kaya ibinaba ko yung tawag at napaupo ako sa isang bench na andoon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari saakin pero simula nung umuwi ako dito sa pilipinas parang mas lalong lumala ang naramdaman ko.

After hours and so many tests I did, tinawag na ako ng doctor for my result. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang anytime mahihimatay ako sa kaba eh.

"Good afternoon Doc."


"Good afternoon din Nurse Hazel." aniya. Ngumiti ako sakaniya pero sa totoo lang sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko.

Hawak-hawak ni Doc yung mga results ng test ko at pinapasadahan niya ng tingin lahat. She looks so serious kaya lalo akong kinabahan.

Nagsimula nang magsalita si Doc saakin. Ipinaliwanag niya kung ano yung mga sintomas ng nararamdaman ko. Marami siyang sinabi pero tila wala akong naririnig. Bukas ang mga mata ko pero ni isa hindi nagsisink in saakin.

Lahat di nag-sink in saakin... Lahat...

"Hoy! You look so pale. Bakit ka nasa hospital? Anong ginawa mo doon?"

"Ha?" wala sa sarili kong sagot. Wala ako sa sarili ko simula nung marinig ko yung sinabi nung doctor. Gusto kong maiyak pero walang luha ang lumalabas.

"You're spaced out. Ano bang nangyari?" ani Sejun.

Umiling ako. "N-Nothing..." Hindi mo na dapat malaman. " Saan nga pala tayo pupunta?"

Hinarap niya ako at inismidan habang nagmamaneho. "You'll see when we get there."

Nanahimik nalang ako sa buong byahe. Nagsuot ako ng earphones kahit wala namang music na nagpiplay para hindi niya ako maka-usap. I want peace of mind muna ngayon. Sumusulyap ako sakaniya habang nagmamaneho siya-it's just I want to treasure some moments with him.

Ang sakit naman nitong nararamdaman ko. Hindi lang masakit sa ulo, masakit din sa puso. Sobra...

Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami sa lugar na sinasabi niya. Hindi pa kami nakakababa ay napahagulgol na ako ng iyak. Inalis ko ang suot ko na earphones. Akmang lalabas na sana siya ng sasakyan ng mapansin niya ang pag-iyak ko.

Hindi ko na talaga kinaya yung pagpipigil ko ng emosyon kanina. Bumagsak na. Lalo na't nasa perya kami. Hindi lang basta-basta perya, ito yung peryahan na pinagdalhan ko sakaniya dati. Bumalik lahat ng ala-ala naming dito... Jusko bakit naman kasi ganito...

"Hindi ka ba masaya na dinala kita dito?" aniya. "Sabi kasi nila kapag malungkot daw yung tao, dalhin daw sa peryahan para sumaya eh."

Umiling ako. "Masaya. Pero kasi itong peryahan na 'to... it reminds me of someone special to me." Tinignan ko siya, gayun din siya saakin.

Ikaw yung taong 'yon. Pinigilan kong wag nang maiyak kaya kinagat ko yung ibabang labi ko. Masyado nang marami yung mga nararamdaman ko ngayon, baka di ko na kayanin pa.

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti bago siya bumaba. Bumaba na din ako para sundan siya. I think I need more memories with him.

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon