"Ate Rappl, may schedule po ba ang SB19 sa linggo?"
Naglakas na ako ng loob na magtanong kay ate Rappl. Pero bulong lang yung ginawa ko kasi baka marinig ako ng ibang staff eh. Hanggang ngayon kasi di ko alam kung meron silang gagawin sa linggo. Birthday na kasi ni Hana 'yon eh. Syempre gusto kong mapasaya yung bata, ayun lang yung wish niya saakin eh.
"Bakit, Hazel? May lakad ba dapat si Sejun non?" tanong ni ate.
Ngumiti ako. "Wala naman po ate, naitanong ko lang po."
"Ang alam ko kasi tuwing Sunday, day-off nila." Sagot ni ate Rappl. Bigla tuloy akong nalungkot. Mukhang impossible na ata yung gusto ko ah.
Natahimik nalang ako at nagpatuloy sa panonood sakanila na kasalukuyang nagpeperform sa harapan. Hays, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko para lang mapasaya si Hana. Sa linggo na 'yung birthday niya pero mukhang hindi ko na ata matutupad pa yung hiling nung bata.
Iginala ko yung paningin ko. Nasa likuran kami ng stage at kitang-kita ko kung gaano kaganda yung Blue ocean nila. Talagang sobrang sikat nga nila. Bakit kaya di ko sila nakilala nung una? Siguro kung nakilala ko kaagad sila hindi mangyayari yung kamalasan ko nung concert na'yon.
"Kamusta kayo A'TIN?!" sigaw ni Stell. Sa angulo ko, kitang-kita ko sila. Siguro kung fan nila ako, baka nangisay na ako dito. Imaginin mo na nakikita mo ng ganito kalapit yung mga idols mo, hnnng! Nako.
Sumagot yung crowd sa tanong ni Stell ng 'Okay lang!' tas sinundan ng hiyawan.
"Balita namin, meron nang nakapila sa labas ng ala-una ng umaga! Kayo ba kumain na?" dagdag ni Stell.
'Hindi pa!!!!!' sigaw nung mga A'TIN. Nagulat ako kasi dunadagungdong yung buong mall. Paano pa kaya pag-nagconcert 'tong mga 'to.
"Ganun ba? Wag kayong mag-alala may hinanda kaming sorpresa para sa mga mahal naming, A'TIN!!!!" sigaw ni Josh na lalong nagpadagundong sa buong mall.
Lumayo ako ng konti mula sa pwesto ko kasi yung bakal na nakatayo doon parang unti-unting gumagalaw.
Nagsimula na namang magperform ang SB19. Buong performance nanuod lang ako sakanila, there, I found out the reason why they are trending. Sobrang talented nila and worth to stan!
Last performance na nila, kaya naman bumalik na ako sa tent nila at inasikaso ko na yung gamit ni Sejun. Nakakapagtaka nga kasi si Sejun lang at si Josh ang may P.A. Pero yung personal assistant ni Josh masyadong mailap eh, halos ayaw makipagsocialize. Sinimulan ko nang ligpitin yung gamit ni Sejun ng biglang nalaglag yung wrist watch ni Sejun sa ilalim ng table kaya sumuot ako doon at kinuha 'yon. Kaso naramdaman kong pumasok bigla yung personal assistant ni Josh.
Napatingin ako sakaniya. Halos lumuwa yung mata ko nung nakita ko 'yung babae. Hindi niya ako napansin kaya tinanggal nung p.a ni Josh yung cap at suot nitong mask.
Kinuha ng babae yung phone niya at may di-nial saka kinausap ang nasa kabilang linya. Humarap yung babae sa salamin, samantalang ako, nakatago padin sa ilalim ng table.
"Jas... hindi ko na kaya 'to. Di ko na kaya yung harap harapan niyang ginagawa saakin... Kahit ipagpilitan ko na di ko na siya mahal, iba padin yung sinasabi ng puso ko. Pagod na akong habulin siya, masakit.... Oo, Jas alam kong kasalanan ko lahat kung bakit nangyayari 'to pero di ako martyr. Hindi ako 'to, Jas... Siguro oras na para bitawan ko na si Josh. Tama na sigurong kabayaran lahat ng ginawa ko... After all sikat na siya, may sariling pangalan at marami nang nagkakagusto sakaniya... Jas, booked me a flight to Canada. Salamat!"
Hindi ako nakapagsalita, hindi ako kumibo. Maski hininga ko ilang segundo ko din pinigilan. Yung hikbi ng babae at yung sakit doon sa mga linyang binibitawan niya, alam mo talagang nahihirapan na siya. Natulala ako ng ilang minuto... Ano ba 'yung narinig ko! Kaasar.
"HOY!"
"AY BUTIKI NI PALAKA—ARAY!" Putek. Ang sakit! Tumama yung ulo ko sa lamesa. Sinamaan ko kaagad ng tingin 'yung tumawag saakin and there, I realized na si Sejun pala 'yon. Unti-unti akong luminga sa paligid at napansin kong wala na yung personal assistant ni Josh. Andoon na din pala sila Sejun sa loob.
"Ano ba kasing ginagawa mo d'yan?! Feeling bata ka ba at naisipan mong maglaro ng tagu-taguan diyan?" inis na sabi ni Sejun.
Kumunot noo ko habang kinakapa kung may bukol ba yung parteng tumama.
"Wala ka na don! Napaka-pakelamero mo no?" sagot ko.
Hindi na siya nagsalita. Tinignan niya na lang ako ng masama. Itong si Sejun, gwapo talaga 'to eh. Bugnutin nga lang talaga.
Tumikhim ako. Naalala ko yung ganap sa linggo, kung sabihin ko nalang kaya sakaniya? Ay wag. Baka mamaya awayin pa ako nito sabihin na demanding pa ako. Eh kung tanungin ko nalang kaya siya? Tapos itanong ko kung may gagawin siya—tama! Bright idea ka diyan, Hazel.
"Oh? Bat ka tulala diyan?!" masungit niyang tanong. Actually di naman ganon ka sungit, mataas lang talaga tono niya palagi. Kala mo laging may kaaway eh skksks.
"Hoy, Jampawlo!"
"Ano?—T-Teka! Bakit ganon tawag mo sakin?"
Inirapan ko siya. "Basta. Nga pala may pupuntahan ka ba sa Linggo?" diretsong tanong ko na. Para kapag sinabi niyang wala, edi yayayain ko siya doon sa RRDC. Tapos kapag meron naman, edi okay? Magpapaliwanag nalang ako kay Hana.
"Day off namin yon. Kaso may lakad ako sa linggo." aniya.
Unti-unti niyang inaalis yung mga accessories na nakakabit sakaniya.
Ano ba 'yan. Mukhang ekis na talaga yung promise ko kay Hana ah. "Kahit hapon?"
"Tumalikod ka muna." aniya. Napataas ako ng kilay.
"Ha?" Bakit ako tatalikod? Nag-uusap kami ah. Bastos na bat—
"Ano gusto mong maghubad ako sa harapan mo? Magtatanggal ako ng shirt, magpapalit ako tas nakaharap ka? Ano ka sinuswerte! Obra maestra 'tong katawan ko di pupwede sayo—"
"Oo na! Dami pang satsat eh. Tatalikod na!" Kaines. Pero kahit nakatalikod ako eh nagtatanong padin ako sakaniya. "So ano? Kahit hapon bawal ka?"
"Sa umaga aattend kami ng samba, sa hapon naman yung lakad ko." aniya.
Hindi padin ako humarap kaya di ko padin nakikita yung ekspresyob ng mukha niya pero sa boses pa lang alam kong naiirita na siya.
"Bakit ba? May gagawin ba dapat ako sa linggo?"
Meron sana—"Wala naman."
"Akala ko meron. Harap na, antayin natin sila Josh dito para makauwi na tayo." aniya.
Napaharap ako sa gamit niya at inayos lahat kasabay ang pag buntong hininga na malalim. Mukhang ekis talaga siya sa birthday ni Hana.
———————
Note: Sorry late updates. Chinecheck ko kasi paulit ulit para iwas pulis. Pero lahat 'to ay pure fiction lang. Wag mamulis.

BINABASA MO ANG
BE WITH SB19 SEJUN (Completed)
FanfictionUnexpected story, a roller coaster ride of emotion. A story of an idol who signed a contract that he wouldn't go into a relationship, but things got out of hand when he fall in love with his personal assistant.