Kabanata 29

312 22 13
                                        

KABANATA 29

We enjoyed every minutes we had here. Lahat ng rides nilibot at sinakyan naming kahit na takot na takot. Pero aminado ako, sa mga oras na 'yon nakalimutan ko yung problema na meron ako.

"Bakit mo nga pala ako dinala dito?" tanong ko sakaniya. Kasakuluyan kaming nakaupo sa isang bench malapit sa bilihan ng mga street foods pero inside the perya padin naman.

Ngumiti siya saakin. "May sasabihin sana ako sa'yo eh." aniya. Saka ko lang din naalala na may sasabihin nga pala ako sakaniya.

"Ako din may sasabihin sa'yo." sabi ko. Medyo nagulat siya sa sinabi ko. "Pero since you're the one who open this, ikaw na mauna."

Tumango siya at ngumiti. "Next week, babalik na ako sa pagpeperform sa mismong concert naming. May sasabihin ako doon at gusto kong andoon ka." aniya.

Natawa ako. "Bakit di pa ngayon? Andito din naman ako ah! Haahahahahaha!"

Umiling siya. "No. There's something special na kailangan doon sa araw na 'yon ko dapat sasabihin."

I nod, "uhm, 'kay."


"Ikaw, ano yung sasabihin mo?"

Biglang naalala ko na naman yung problema ko. "I hope you'll allow me for this one." panimula ko. Mabilis na nagbago yung mood niya. "One week sana akong magfifile ng leave. May kailangan lang akong asikasuhin na importante. Nagsend na ako ng email sa company..." mahina kong sabi. Nakatingin ako sa mukha niya na hindi ko mabasa. "...sana okay lang sayo..."


Ilang minutong nanatili ang katahimikan sa paligid namin. Hindi ko siya mabasa, hindi ko alam kung ano yung iniisip niya. "H-Huy! S-Sejun..."

Tinignan niya lang ako ng ilang minute bago siya napa-buntong hininga. "Importante ba talaga 'yan?"

Pilit akong ngumiti at tumango. "O-Oo... K-Kailangan kasing asikasuhin eh." Ngayon naaninag ko na yung lungkot sa mga mata niya. "Mamimiss mo ko no?" biro ko sakaniya sabay kiliti sa tagiliran niya.

Sa pagkakataon na 'yon ay ngumiti siya saakin, "Oo naman pero hindi naman kita dapat kontrolin dahil buhay mo 'yan. Isa pa, maayos at magaling naman na ako eh kaya sige..."


Napangiti ako sa sinabi niya kaya. Mamimiss din naman kita eh. Nakaramdam din tuloy ako ng lungkot. Kung kailan naman kasi okay na ang lahat saka naman mangyayari ang ganito. Hindi ba pwedeng maging masaya naman ako kahit papano?


Ngayon ay masayang nakatingin si Sejun sa mga batang masayang nakasaakay sa mga rides, samantalang ako ay nakatitig lang sakaniya. Lulubusin ko na 'to.

"Sejun..."

"Hmmn..."

"Okay lang ba kung humingi ako ng yakap sayo?"

Napabaling siya ng tingin saakin at natawa ng bahagya. "Ang weird mo ngayon..."


Inirapan ko siya at bumuntong hininga. "Edi wag! Yakap lang eh." Akmang tatayo na sana ako at aalis ng biglang niyang hinila ang palapulsuhan ko dahilan para mapa-upo ako sa lap niya. Nanlaki ang mata ko sa ganung posisyon. Naka-upo ako sa lap niya, yakap yakap ako at yung baba niya ay nasa kaliwang balikat ko. Sejun...


"Nararamdaman kong may mali pero ayokong isipin. Gusto ko lang sulitin yung meron ngayon. Ikaw... ako..." aniya, bumilis ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya. Malungkot ako pero ang saya sa feeling na kasama ko siya ngayon sa mga panahon na kailangan ko. "...tayong dalawa.."


At ayun na nga ang huli naming pagkikita...

A/N: Last two chapters, make sure to stream WHAT MV. Kapag naka 5M tayo saka ko ilalapag yung next chapter and the epilogue. 

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon