Kabanata 6

687 27 7
                                    

"Di ako nakain niyan eh." Pang-ilang beses na niyang sinabi saakin 'yan ngayong araw. It's been 5 days since I started working for him, mag-iisang linggo na pero wala manlang improvement. I promise na I'll take his thing as serious one. Kumabaga I'll treat this as a patient-nurse case so kailangan kong makitaan ng improvement ang isang patient para masabi kong successful ang isang case. At dito, normal naman 'tong taong 'to pero hirap na hirap ako. Tsaka I am doing thid for Hana, this week na ang birthday party niya yet hindi padin ako nakakagaw ang paraan para maimbitahan ang SB19 doon.

"Hey! 'di mo ginagalaw yung pagkain mo. Ikaw yung nagyaya saakin dito tas parang ayaw mo namang kumain." aniya. Andito kami ngayon sa isang isawan, wala na kasing bukas na kainan dahil ala una na ng madaling araw. Nagitla ako sa sinabi niya, napatingin ako sakaniya ng wala sa oras, doon ko narealize na sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

Tumikhim ako at umiwas sakaniya. "M-May iniisip lang ako pasensya na boss."

"Boss? Bago 'yun ah" nakangiti niyang sabi sabay kain doon sa laman na binili namin. "Madalas pinuno o Sejun lang tawag mo saakin. May problema ka noh?" tanong niya.

Umiling ako at umiwas nalang sakaniya. "Manong magkano po lahat?"

"50 pesos lang po ma'am." Sagot saakin nung manong. Kumuha ako sa bulsa ko ng pera at akmang i-aabot ko na kay kuya ng biglang hinarang niya yung kamay niya.

"T-Teka bakit ikaw magbabayad?" tanong niya. Napakunot noo ako, "Bakit hindi? Ako nagdala sayo dito eh. Atsaka may dala ka bang pera?"

Napatingin siya sa katawan niya. Siguro hinahanap niya kung may dala siyang wallet, hmp. Tumingin siya saakin na para bang hindi makapaniwala na nautakan ko siya. Hay nako pinuno, ang gwapo mo kaso ayaw mong magpatalo saakin, hmmn... All 1 na ata ang scoring ah. Hahahahahhaha! Tinabig ko ang kamay niya para i-abot ang bayad sa nagtitinda. "Ehem, kuya ito na po yung bayad naming dalawa. Keep the change nalang po."

Natulala si Sejun, parang ayaw niya pa ngang umalis doon eh kaya kinuha ko yung kamay niya at hinila siya. "Ano bang ginagawa mo doon! Mamaya may makakilala sayo doon eh, malagot pa tayo sa boss."

Kinakausap ko siya pero hindi siya nagsasalita, kaya naman tumigil ako. "Hoy! Sejun, okay ka lang ba? Parang ikaw ata yung hindi okay ah?"

Napakurap siya. Mukhang nakabalik na ata sa realidad ang isang 'to. "Ano ba? Na-poison ka ba doon sa kinain natin? T-Teka bakit ako hindi naman?!" Niyugyog ko siya, hindi kasi siya nagsasalita eh. Lumayo ako ng bahagya sakaniya at tinigna siya mula paa hanggang ulo. "Hoy! Magsalita ka nga, may masakit ba sayo? Huy!"

Pero hindi padin siya umiimik. Mas lalo akong nag-alala. Hinawakan ko yung noo niya, okay naman. Lalo tuloy akong kinabahan, hindi ko alam yung gagawin ko. Bumuntong hininga ako, akmang kukunin ko na ang phone ko para tawagan si ate Rappl pero bigla siyang nagsalita.

"S-Sinong kakausapin mo?" tanong niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, maluha-luha na ako kasi hindi siya nagsasalita kanina! Nakakainis.

Binaba ko ang cellphone ko at hinarap siya. "Ikaw! Kung may sama ka ng loob saakin, kung ayaw mo saakin sumama, kung ayaw mong ako magbayad, kung ayaw mong kumain! Magsabi ka, magsalita ka?! Hindi 'yung pinapakaba mo ako. Alam mo bang hindi ko na alam yung gagawin ko kanina?!" sigaw ko sakaniya. Hindi padin ako lumalapit, ayokong lumapit. Nagca-crack na yung boses ko kasi hindi ko na mapigilan yung damdamin ko. Kusa nang bumagsak yung luha ko. Sobra talaga akong nag-alala! Hindi ko alam kung bakit.

"H-Hazel..." aniya. Humakbang siya papalapit saakin at wala man lang akong nagawa. Nakatayo lang ako at hindi gumalaw. "S-Sorry na..."

"Sejun, alam mo ba kung gaano ako nag-alala! Nurse ako hindi ako psych para mahulaan yung nasa isip mo. Please lang, kung may gusto kang sabihin, sabihin mo hindi yung pinapahula mo ko." Naiinis kong sabi sakaniya. Tumingala ako at pinunasan yung luha ko, abnormal 'to!

At ang kapal pa ng apog, ngumiti pa talaga habang lumalapit saakin. "Sorry na... Hindi kasi ako sanay na may sumisiga-siga saakin eh."

 

Tinignan ko siya. "Talaga?! Sigaan mo mukha mo!" Inirapan ko siya at tumalikod na. "Gusto mo lang na inaasar akong abnormal ka! Halika na nga!" Inunahan ko na siyang maglakad. Pero... palihim akong ngumiti... kahit may sayad ka, gagawin ko padin lahat para magkasundo tayo.

 

"Oh? Bakit parang umiyak ka, ate Hazel?" tanong saakin ni Justin. These past few days ko sa company medyo nagiging kasundo ko nadin yung iba. Ngumiti ako sakaniya, sasagot na sana ako ng biglang sumulpot si Sejun galing sa likuran ko kaya naman napatingin si Justin doon.  "T-Teka? Magkasama kayo?"

"Hindi!" Umiling agad ako pero iba yung sinagot ni Sejun.

"Oo, jah." Sagot ng kupal na hotdog.

Napakamot ng ulo si Jah. Tumingin siya saamin dalawa ni Sejun, kaya naman tinignan ko na din yung kumag at ang loko talagang walang balak bawiin ang sinabi niya. Kaya naman ako na a ng nagpaliwanag kay Justin na mukhang gulong-gulo na sa mga nangyayari. "Ah! Kasi Jah, PA ako ni Sejun kaya magkasama kami. Tsaka may binili lang kami, nagutom kasi siya kaya sinamahan ko siyang bumili since P.A naman niya ako, diba?" tumingin ako kay Sejun na naka-ngisi at mukhang tuwa na tuwa pa na ako lang yung lumulusot kay Jah.

Tumango ang kumag. Kaya naman tumango din si Jah. "Ah ganun po ba ate? Sayang nagugutom pa naman ako, magpapasabay sana ako."

"Ay ganun ba? Ano bang papabili mo? Akin na lalabas nalang ako para—"

"Gabi na. Wala nang bukas na tindahan, Hazel.." sabi ni Sejun.

"Pero mero—" hindi ko na naman natapos yung sasabihin ko kasi sumabat na naman si Sejun.

"Justin, magpa-order ka nalang magpapractice na tayo. Ayokong wala si Hazel sa paningin ko...."

Natigilan ako. Ano daw? Kikiligin ba ako o hindi─

"....kasi uutusan ko pa mamaya yan si Hazel."

ABA! BASTOS 'TO!

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon