Kabanata 3

840 31 17
                                    

KABANATA 3

"G—Good morning po..."

Halos magkanda-utal-utal ako ngayon dito. Parang kanina lang isang tao lang yung kausap ko pero ngayon—as in ngayon, para akong nagdedefense. Hindi siya round table discussion eh, it is more likely na parang audition set up. Nakatayo ako ngayon sa gitna, kaharap ang mga taong wala akong kaide-ideya kung sino. Basta lima sila, yung isa-siya yung lalaking nag-alok saakin na magtrabaho dito. Yung isa naman ay yung kausap ko kanina, he's not antipatiko... Well more likely mas madedescribe ko siya as witty. Matalino siya, may sense kaya lang mukhang seryoso lagi sa buhay. Tapos yung tatlo ngayon , mga Koreans na sila eh. Isang babae then dalawang lalaki at feeling ko ito na yung bigbosses nila dito.

Feeling ko tuloy super special ko kasi naman mababa lang naman ang posisyon na sususbukan kong applyan yet their bosses are all present. Huwaw! You're the best, Hazel! Clap clap clap! Kudos!

"Well, good morning Ms. Lopena. Actually we have sir Robin , our boss, to see your performance for today. So what you'll be performing to us for today?" sabi nung babaeng koreana.

Nanlaki agad yung mata ko. W-Wait? Dali-dali akong tumingin doon sa lalaking sira ulo na nagdala saakin dito. Anong performance? Hindi ako mag-aaudition! Andito ako for interview. Hala wala akong talent sa pagsayaw! Alam ko lang kumanta pero minsan di pa tumatama sa nota yung kanta ko. Ayokong mapahiya, juice ko lord! Humanda saakin 'tong unggoy na 'to.

Tumingin ako doon sa lalaking nag-bigay saakin ng flyers last time, mukhang pati siya nagulat dahil hindi ito ang inasahan naming. Napabuntong-hininga nalang ako, mukhang ginagantihan ako ng mokong na'to ah.

"Sorry ma'am but I am actually here for an interview. By the way, I am Hazel Lopena, 22 years old, Nursing student from Makati University. I am actually looking for a part-time job then accidentally one of your staff saw me and asked me if I am willing to work here. So here I am po, I didn't come here for an audition, sorry..." paliwanag ko. Gulat ang reaksyon ng mga panel saakin. Agad kong tinignan yung lalaking nakita ko na naka-top less. Seryoso ang mukha niya yet may nagbabadyang ismid sa kaniyang mga labi. Sira ulo!

"Oh sorry miss Lopena, I thought you're here for an audition, Sejun told us that you were actually here to have a try." Sabi nung koreanang babae. Napatingin sila ngayon sa Sejun, yun pala yung name ng kumag na 'yon. Biglang naging maamo yung mukha niya, kanina mukhang ready na siyang mag-asar tapos nung lumingon yung mga bosses biglang naging maamong pusa. Pst! Arte mo oy!

"Sorry, I think it's just misunderstandings." aniya. Misunderstanding your face oy!

"Anyways, since you came here for an interview maybe we can disregard that. As peace offering, we want to hire you as Sejun's personal assistant starting today." Ani nung babaeng koreana.

"Assistant? Ng lalaking 'to? Ma'am baka po sa iba nalang!" singhal ko. Nako naman oh! Nagulat yung babae sa hinirit ko, Oops. Mukhang mali ako ah! "Kidding aside ma'am. Hehehe! Sige po..." Mukhang wala naman na akong magagawa eh!

Mukhang wala na talaga akong magagawa eh. Isang buwan lang naman 'to Hazel! Kaya mo 'yan. Isang buwan. Hindi mahirap basta mabuo mo lang yung 10 thousand na sana pambayad mo sa school. Think positive!

Nagsitayuan na yung mga panels na kaharap ko kanina. Mukhang aalis na sila eh, tumayo din yung kumag na si Sejun at syempre sinundan yung mga bosses. Dumaan pa nga 'to sa harapan ko eh, at ang kapal pa, bumulong pa mismo sa harapan ko.

"Hi miss, personal assistant na kita." aniya sabay kindat.

Dug. Oh my god! Yung dibdib ko! Agad akong napahawak sa dibdib ko kasi bilag lumakas yung tibok nito. Nako yung myocardium ko! I shook my head and gritted my teeth. May araw ka din saaking kumag ka. Sayang ang gwapo pa naman niya, mukhang mabait at gentleman... pero ika nga nila, don't judge a book by its cover baka mamaya mabait naman pala. Hays.

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon