Kabanata 24
Ilang mga araw ang lumipas. Naging palagay yung loob saakin ni Sejun. Sa mga nakalipas na araw, palagi ko siyang iniikot sa ospital at madalas kaming dalawa ang magkasama.
Naisip ko nga, malayong malayo 'to nung una kaming nagkakilala. Para siyang anghel ngayon, well, andoon padin naman yung pagkaseryoso niya minsan at masungit pero ngayon—kitang kita ko yung maamo niyang side.
Madalas kaming tumambay sa parke ng ospital. Nagtatanong siya saakin tungkol sa grupo nila, ako naman sinasagot ko lang yung alam ko. Onti-onti lang yung mga alaalang binabalik ko sakaniya.
At dahil nga madalas naming ginagawa iyon, may mga tanong siya na hindi ko alam kung paano sasagutin... Kagaya nalang nung isang araw...
“Alam mo ba Hazel, nanaginip ako nung nakaraan. Meron daw babaeng minahal ko. Hindi ko kita ang itsura pero nasasaktan ako ng hindi ko alam... May napabalita bang may nakarelasyon ako?” tanong niya.
Bigla akong kinabahan. Syempre hindi na ako mag-iisip ng iba pa kung sino yung babaeng 'yon. Malinaw na malinaw naman. Pero mas lalo akong nagulat sa pahabol niyang tanong...
'May napabalita bang may nakarelasyon ako?'
Oo. Si Reese. Hati ang emosyon ko nung mga panahon na tinanong niya saakin yon. Di ko alam kung sasabihin ko o hindi eh. Gusto kong sabihin para matulungan siya, pero may parte saakin na ayaw ko kasi baka pag una niyang maalala si Reese eh mabalewala lahat ng alaala ko na binubuo kasama ako. Ayokong puro sakit lang yung maalala niya saakin.
Nung araw na 'yon, tuliro ako. Hindi ko siya sinagot non. Sinabi ko lang na baka hinahanap na siya sa kwarto niya.
Sa bawat araw na nagdaan, habang inaalagaan ko din si Sejun. May kakaiba akong napapansin sa sarili ko. Napapadalas kasi yung pagiging mahiluhin ko at kadalasang nawawalan ng malay. Hindi ko din sinasabi kila auntie at baka mag-alala pa sila ng malala.
Siguro dala lang ng pagod. Naka'y Sejun kasi ako nakatoon ngayon at sa pag-galing niya.
Ngayong araw din ang alis namin pabalik ng Pilipinas. Nakapag-paalam na ako kila auntie Edna kahapon—ayon, todo iyak silang dalawa. Wala akong magawa, trabaho ito eh...
Trabaho nga ba?
Pinaliwanag ko din kila auntie na oras nadin siguro para makasama ko sila mama, Ruth at kuya Lyle. Ilang taon na din kasi, namiss ko din sila.
Kasalukuyan akong nasa tabi ni Sejun at ng kaniyang assistant. Nauna na kasi ng ilang araw sila Stell at yung manager nila dahil may event daw silang kailangan attendan. Bale ngayon, kaming tatlo nalang nila Sejun ang magkakasama. Ako, siya, at yung assistant niya.
Nakatulala ako at kinakabahan. Alam ko kasi na pag bumalik sa Manila ay malaki ang chance na makaalala si Sejun dahil sa mga bagay na nakapaligid sakaniya.
Halos mahulog ang kaluluwa ko ng may biglang humawak sa kamay ko. Agad akong napatingin sa taong 'yon.
“You're nervous. Don't be. I'm with you.” aniya.
Natigalgal ako at natigilan. "S-Sejun...”
Mas lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko. Yung tono... Yung aura... Yung pakiramdam. Siyang siya! I mean yung typical na Sejun. Basta!

BINABASA MO ANG
BE WITH SB19 SEJUN (Completed)
FanfictionUnexpected story, a roller coaster ride of emotion. A story of an idol who signed a contract that he wouldn't go into a relationship, but things got out of hand when he fall in love with his personal assistant.