Kabanata 30
6th day...
Nakatingin ako sa bintana, pinakikinggan yung mga huni ng ibon at yung simoy ng hangin. Bawat araw na dumadaan, nadaragdagan din yung bigat na nararamdaman ko—yung sakit na nararanasan ko. Nakaraang araw lang nung ipinaalam ko kilala mama yung resulta ng mga test ko at sinabi ng doctor saakin. Mahirap na din kasing itago sakanila lalo na't napaka-evident ng symptoms.
"Ma, I have terminal brain tumor... I only have days, week at kung suswertehen pa months and years ma.."
Nung sinabi ko kilala mama 'yon, hindi lang mundo ko ang gumuho—pati rin sakanila. Kuya Lyle immediately book a flight from Cebu to Manila para lang makita ako. Papa did the same thing, nagmadali siyang magbook ng flight from abroad just to be with me sa mga natitirang araw ko.
They never failed to take care of me. Also Sejun... Hanggang ngayon hindi niya pa alam ito, wala akong lakas ng loob na sabihin sakaniya. Ang alam lang din ni mama ay nagtatrabaho ako sakaniya at espesyal na tao sakin si Sejun. Tuwing gabi, tumatawag siya saakin para tanungin ang araw ko. Sa tuwing tinatanong niya kung kamusta ang araw ko at kung ano yung pinagkakaabalahan ko—syempre araw araw din akong nagsisinungaling sakaniya.
Palagi siyang nagrerequest ng video call saakin pero palagi ko ding tinatanggihan. Syempre naiiyak nalang ako kasi gustong gusto ko na siyang makita. Tuwing magkausap kami, sinusubukan kong maging maayos yung boses ko para hindi niya mahalata na nasasaktan ako. Minsan pa nga, habang magkausap kami eh inaatake ako, lumalabas ang dugo sa ilong ko pero pinipilit ko padin na maging okay dahil miss na miss ko na siya.
At gusto ko bukas, andoon ako sa mahalagang parte ng buhay niya. Gaya nang ipinangako ko...
Natigilan ako sa pagkatulala sa bintana ng biglang nagring yung phone ko. Kahit na nanghihina ay sinagot ko yung tawag na mula sakaniya...
"H-Hello?" simula ko. Hindi ko pa man naririnig yung boses niya ay nagsimula nang tumulo yung luha ko. Gustong-gusto ko na siyang mayakap... sobra...
"Kamusta ka? Anong ginagawa mo ngayon?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan yung hikbi ko. "A-Ayos lang... Ito tinutulungan si mama, marami kasing bisita kasi umuwi na si papa..." Sinungaling. Umuwi siya dahil saakin... "B-Bakit ka nga pala napatawag?"
"Ay oo nga pala! Naalala mo yung kantang ginagawa ko... Natapos ko na siya... Ipaparinig ko lang sayo yung chorus, okay lang ba?" bakas yung saya sa boses niya pagkasabi niya.
Yung saya at lungkot na nararamdaman ko ngayon dumoble dahil sa sinabi niya. Kakantahan niya ko ngayon... "O-Oo naman..."
Pagkatapos kong sumagot ay narinig ko na yung strums ng gitara niya sa kabilang linya.
"Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho...
Ngunit pag-ibig ko'y 'di nawala...At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito...
'Di man ako para sa 'yo, puso'y 'di magbabago...
Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa...
Pag-ibig ko'y sa 'yo,sa 'yo hanggang sa huli..."
Taksil yung mga luha na pinipigilan ko dahil nung nagsimula na siyang kumanta, sumabay din ang pagtulo nito. Bawat salita sa kantang 'yon ay tumatagos saakin.
"So how was it? Maganda ba?" aniya.
Marahan kong pinunasan yung luha ko kahit na nanghihina na ako. "Oo... Gusto kong mapakinggan 'yan bukas..."

BINABASA MO ANG
BE WITH SB19 SEJUN (Completed)
FanfictionUnexpected story, a roller coaster ride of emotion. A story of an idol who signed a contract that he wouldn't go into a relationship, but things got out of hand when he fall in love with his personal assistant.