Kabanata 4

817 26 7
                                        

"HOY! ANONG GINAGAWA MO?!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng cafeteria, mabuti nga lang at kaunti lang yung andoon kundi mapapahiya na naman ako. Agad ko siyang nilapitan at pumamewang sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo dito?! Bakit mo pinapake-alaman 'yung gamit ko?" masungit kong sabi sakaniya. Paano ba naman kasi prente siyang nakaupo sa harap ng laptop ko. Kala mo sakaniya, hindi naman.

"Are you stalking me?" he smirked. Ugh! This pinuno, he can be sexy and mayabang at the same time. Naka-plaster na sa mukha niya yung ngisi na mapang-asar.

"Honestly yes, wala nang lugar kapag idedeny ko pa. Now get up and stay away from my laptop!"

Pero imbes na umalis at sundin ang gusto ko. Tumawa lang siya at sinuklay ang buhok niya. Hot! I am supposed to be mad at him pero...argh! "If you wanna know something, my nurse, you can ask me directly, hindi lahat nang nasa internet tama."

D-Did he... M-My nurse... Gosh! "A-Ano bang pinagsasabi mo! A-Alis nga!"

Pero kagaya nga ng kanina, tinawanan lang ako ng kumag. "Sige, fine! Ako na mag-aadjust." I smiled fakely. "Since you're my boss and I am so grateful dahil sa trabaho, ako mag-aadjust, ako na aalis. Bwesit!"

Tinampal ko yung paa niyang nakade-quatro at nakaharang saakin. Sinarado ko yung laptop at kinuha 'yon. "See you tomorrow, John Paulo Nase! Di pa tayo tapos!"

But he remained his mapang-asar look. Bumalik akong stool at tinake-out yung pagkain ko. Pupunta nalang akong RDC, doon baka sakaling maging good vibes pa ako sa mga bata kesa sa damuhong 'yon. Habang nasa loob ako ng jeep, bigla –bigla nalang pumapasok sa isipan ko yung itsura niya, the way he talked, the way he brush his fingers to his hair. His aura screams for power and sexiness at the same time. Is that even possible? Yung ngiti niya sa pictures and even sa videos, lahat 'yon... I know that was all genuine. There is something about him...

Sa sobrang pag-iisip ko sakaniya eh hindi ko namalayan na andito na pala ako sa RDC. RDC is a home for children who were abandoned by their parents. Andito yung mga batang wala nang kinalakihan na magulang. Tuwing pumupunta ako dito, hindi ko maiwasan na hindi makisimpatya sakanila. Even though I grew up in a happy family, naawa padin ako sa mga bata na walang kinikilalang magulang kaya naman hanggang kaya ko ay tutulungan ko sila.

Bumaba ako sa jeep. Kumatok ako sa gate at agad naman akong pinagbuksan ni mang kanor ng gate. "Magandang umaga ho, ma'am Hazel!" aniya. Ngumiti ako sa matanda at agad naman siyang lumapit saakin. "Kamusta na po kayo mang kanor?"

"Mabuti naman na po ma'am. Salamat nga po pala sa gamot na binigay niyo po saakin nung nakaraan, hindi na po ako nahihilo tuwing natayo po ako, ma'am." sabi niya. Ngumiti ako muli sakaniya, "Wala ho iyon mang Kanor. Ferrous Sulfate lang po 'yon, mababa ho kasi yung dugo ninyo kaya po binigyan kop o kayo ng ganoon. Basta po kung may kailangan lang po kayo mang Kanor, kausapin niyo lang po ako ah."

"Sige po, ma'am. Tuloy na po kayo, paniguradong inaantay na po kayo ng mga bata at nila sister, matagal-tagal na din po kasi ang huli ninyong bisita dito sa center."

Tumango ako, tama si mang kanor. Matagal na simula ng makabalik ako dito, siguro mga tatlong linggo na di, naging busy kasi sa hospital eh. "Sige po, salamat kuya."

Dumiretso ako papuntang main center kung saan maraming mga bata. Kung titignan mo sila sa malayo, mukha silang masaya kahit alam kong hindi dahil alam kong naghahanap sila ng aruga mula sa ina at ama. Habang papalapit ako ng papalapit sakanila eh naririnig ko na ang mga bagay bagay na pinag-uusapan nila na sobrang ikinagulat ko.

"Sobrang galing ng SB19!!

"Sana bumisita din sila dito 'noh?"

"Nung nakaraan isang alam ko si kuya Sejun bumisita sa ganito din eh!"

Mga batang nagkukumpulan at parang narinig ko yung pangalang Sejun ah! Dahil sa curiousity ay lumapit ako sakanila at don ko nakita ang cellphone na pinakita ang mukha ni Sejun, yung boss ko tapos may mga kasama siya, siguro ayun yung mga kagrupo niya. Pati mga bata kilala sila, ganoon ba sila kasikat?

Tumikhim ako. "Hello mga bata!" masaya 'kong sabi dahilan para makuha ko yung atensyon nila. Kaya naman dahan-dahan silang napalingon saakin. Ipinakita ko sakanila yung paper bags na dala ko na may lamang mga pagkain at school supplies.

"Ate Hazel!" sabay-sabay nilang sabi. Agad silang kumaripas ng takbo papunta saakin at niyakap ako, tuwang tuwa sila at syempre ako din kasi sobrang tagal ko nang hindi nakakapunta dito at sobrang namiss ko din sila.

"Kamusta kayo mga bata? Asaan sila ma'am Cez? Sila sister asaan sila?" Hinanap ko agad sila ma'am Cez at sila sister, sila kasi yung mga taong naging ama at ina sa mga bata dito.

"Andoon po sa kusina, ate Hazel!" sagot ng mga bata. "Ate Hazel, ang puti at ang ganda mo na talagaaa!" masayang sabi nila saakin.

I made face. "Grabe naman kayo sa pumuti, hmp! Hindi naman ako maitim dati eh." biro ko sakanila. Nagsitawanan naman ang iba. "Kidding aside. Anyway may dala ako sainyo, sana magustuhan niyo!"

Isa-isa silang pumila saakin at inabutan ko silang lahat. Halo-halo yung saya na nakikita ko sa mga mukha nila. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi malungkot para sakanila, lumaki ako na malayo sa papa ko dahil kailangan niyang magtrabaho sa UK para saamin kaya alam ko din ang ganoong pakiramdam. Yung pilit mong pinapasaya yung sarili mo kahit na alam mong may kulang sa pagkatao mo. Kaya kahit simple lang na paraan gagawin ko para mapasaya 'tong mga bata na ito.

"Ate Hazel, okay ka lang po?" Lumapit saakin si Hana. Ngumiti ako sakaniya at tumango. Matagal na dito si Hana kaya sobrang malapit ako sa batang ito, naalala ko pa noon na sangol pa siya nung dinala dito tapos ngayon sobrang laki niya na. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako, lalo tuloy akong nakadama ng lungkot.

"Ate, sobrang happy ko kasi pumunta ka ulit dito ngayon na malapit na yung birthday ko." Bulong niya habang nakayapos padin saakin. Nagitla ako, hala! Oo nga pala, malapit na ang birthday ni Hana. Agad akong tumingin sa kalendaryo na nakasabit malapit sa orasan. Sa susunod na linggo na pala!

"Ano bang wish mo, Hana?" tanong ko sakainiya. Naramdaman ko ang pagngiti niya kahit nakayakap pa siya saakin. "Ate, alam mo naman na t'wing birthday ko winiwish ko na sana balikan ako ng mama ko dito, pero alam ko naman na kahit ganoon eh hindi na po mangyayari 'yon. Kaya ang hiling ko nalang ngayon ate eh maging masaya po ako."

Simpleng hiling lang ng bata pero ang laki ng epekto saakin. "A-Ano ba 'yun? G-Gusto mo bang magpaparty si ate dito?"

Umiling siya, unti-unti siyang kumalas mula sa pagkakayakap saakin at tiningala ako. "Kahit tulungan mo nalang akong gumawa ng paraan ate para makapunta po dito yung SB19 ate. Gusto ko pong makita sila ng personal lalo na po si kuya Sejun, kaso po mahabang proseso ate eh. Kahit ayun lang po sa birthday ko okay na po ako ate."

Natigilan ako bigla. G-Gusto niyang tulungan ko siya na papuntahin dito yung SB19? Yung grupo ni Sejun? Napalunok ako ng dahan-dahan. Wag mong sabihin na tatanggihan mo yung bata, Hazel?! No! Yes! Yes!

"Sige, si ate bahala." Bear with Sejun, first!

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon