Kabanata 15

422 27 4
                                    

Kabanata 15

It's been weeks. Ilang lingo na pala ang lumipas simula ng putulin ko ang komunikasyon ko sakaniya. Sobrang sakit sakin kasi hindi manlang ako nakapag-paalam. Sinubukan niya akong tawagan at i-text pero hindi ko sinasagot. Nagpalit na din ako ng number, sinigurado ko talaga na mapuputol yung ugnayan naming dahil ayaw ko siyang masira. Ayaw kong masira yung pinaghirapan niya ng ilang taon.

Naka-upo ako ngayon dito sa sala, tulala habang hawak-hawak ang phone at tinititigan ang kaniyang larawan. Hindi ko tuloy mapigilan yung sarili ko na hindi maluha. Tulog na si mama, kuya Lyle at Ruth. Ako andito sa sala at nanunuod ng mga fancams niya.

"Namiss ko na makita ka... Yung mga ngiti mo... yung yakap mo..." bulong ko. Bakit naman ganito?! Ang sakit naman masaktan sa ganitong paraan. Nakikita ko siya pero ako hindi niya ako nakikita. Ang saya ng ngiti niya pero hindi ko manlang magawang makita ito ng harapan. Ang sakit. Ang sakit talaga...

Ang mga kuha nalang sakaniya ang nagpapaalala saakin na itong lalaking ito ay minsan kong minahal at patuloy na minamahal. Naramdaman ko na may pumapatak na palang luha mula saakin. "Nakakainis naman, hindi ko pa nga naaamin sayo na gusto kita pero pinuputol na agad tayo ng tadhana..."

Sana manlang nasabi ko sayo na mahal at gusto din kita... kaso huli na.

Habang patuloy na bumubuhos ang luha ko eh kasabay naman na nakita ko ang isang balita tungkol sakaniya.

SB19 SEJUN SPOTTED IN A BAR WITH ACTRESS REESE

Kahit di maluwag sa loob ko ay binasa ko ang balitang iyon. Laman doon ang mga litrato nila na magkasama sa isang bar, magkalapit at mukhang masaya. Habang ako, durog na durog at hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

Dahil doon ay may naisipan akong gawin. Binuksan ko ang email na matagal ko nang hindi nagagamit. Tinype ko doon ang kaniyang personal email acc at naglabas ng saloobin. Alam ko naman na hindi niya ako matutunugan.

To:*******@gmail.com
Subject: Labing apat na liham ng aking pagmamahal (UNA)


Kamusta ka na? Isa mo nga pala akong taga-hanga. Matagal nadin simula ng huli akong nakapunta ng mga events ninyo. Meron nga pala akong tinatawag na Labing apat na liham ng aking pagmamahal para saiyo. Gusto ko lang kasi malaman mo na miss na miss na kita at kahit wala tayong masyadong interaction eh nagbabaka sakali padin ako na sana mabasa mo ito. Nga pala, estudyante palang ako at mag-aaral na sa ibang bansa...

Habang sinusulat ko ang mensahe ko eh kasabay ang pag-agos ng mga luha ko. Ang sakit! Ang sakit isipin na kailangan kong magpanggap na ibang tao para lang makausap siya.

... meron akong gustong lalaki pero nagkalayo kami ng landas. Gusto ko sanang sabihin sakaniya na gusto ko din siya kaso mukhang huli na. Nakatagpo na siya ng taong para sakaniya. Masakit pero kailangan ko maging malakas! Sana makita kita ulit... Mahal kita...

Walang ano- ano ay sinend ko ang liham ko. Gusto ko pa sanang dagdagan ito ngunit biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni mama at nilabas siya nito.

Pinunasan ko kaagad ang mata ko at hinarap si mama. "O-Oh ma? Bakit gising ka pa?"

"Inaayos ko lang ang gamit mo para sa susunod na araw na alis mo. Baka kasi may makalimutan ako..." aniya, "Teka? Umiiyak ka ba anak?"

Ngumiti ako at umiling. "Wala 'to ma, may nabasa lang akong mga message ng mga kaibigan ko... Naiyak ako HAHAHA, mamimiss daw nila ako..." sana mamiss mo ako...

Tumango si mama. "Sige, pupunta lang akong kwarto ni Ruth baka gising pa..." ani mama sabay tinalikuran ako.

Natulala ako. Lungkot dahil sa susunod na araw na pala ang alis ko. Nagpadespidida party si mama mamaya kaya lalo akong nakaramdam ng lungkot. Sana makita ko siya bukas... kahit bukas lang!

"Ate! Oh my gosh! Look!"

Nagising ako dahil sa malakas na ingay ni Ruth na may kasama pang pagyugyog saakin. Inihaharap niya yung phone niya saakin pero wala akong makita dahil medyo Malabo pa ang paningin ko.

"Ano ba Ruth... Pwede bang mamaya iyan..." suway ko sakaniya dahil sobrang inaantok pa ako. "Anong oras palang ba?"

"Ate alam kong maaga pa, five palang ng umaga pero..." ani Ruth.

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon