Kabanata 23

359 23 2
                                        

Author's note: Please do not expect fast updates 'coz I have a lot of loads as a student po. And also like I've said po last time, I'm finishing it na para isang bagsakan nalang ng mga chapters but since maraming nag-aantay sainyo ng next chapter. Nag-update na po ako ng isa, but still, don't expect too much po. Salamat! Happy 1st Anniv, A'TIN!






Kabanata 23

at ayon na nga, dumating na yung araw... araw na nagising siya, na andoon ako sa tabi niya...

“S-Sir, good morning.” bati ko sakaniya. Kakarating ko lang din at may bitbit na mga daisies. Hindi ko nga alam kung paano na ako makakagalaw ngayon.

Matindi ang titig niya saakin na parang kinikilatis ako simula ulo hanggang paa. Nanatili akong nakatayo sa may pintuan, ni hindi ko manlang magawang ihakbang ang mga paa ko hangga't wala siyang nagiging imik. Natatakot kasi ako sa pwede niyang maging reaksyon—kagaya nung nakaraan.

“S-Sir, good morning po ulit...” ulit ko. Pero hayon, wala padin siyang imik. Nakatitig siya saakin habang may hawak siyang libro, mukhang binabasa niya ito kanina. Pigil ang bawat segundo ng paghinga ko dahil sakaniya. Kaya naman nung ibinalik niya yung tingin niya sa binabasa niya ay saka ko na inihakbang yung mga paa ko papalapit sakaniya.


Agad akong lumapit sa side table kung saan nakalagay yung vase at mga bulaklak na araw araw kong pinapalitan. Ang tahimik... Rinig na rinig mo ang tunog ng aircon at iba pang aparato sa loob ng kwarto. Maluwag naman ang kwarto pero parang ang sikip nito saaming dalawa.

Habang ipinagpapatuloy ko yung pag-aayos ng mga binili kong bulaklak sa paso ay halos mapalundag ako sa gulat ng magsalita siya. Dios mio!

“You speak Filipino, right?” tanong niya saakin.

Parang namagnet ang mga mata ko sakaniya at dali daling napatingin. Gulat, kaba at saya ang nararamdaman ko kaya naman hindi agad ako makaimik at makapagsalita. Tumango nalang ako bilang tugon.

Halos lumuwa yung mata ko nung makita kong umangat kaunti ang labi niya. Para siyang nag-smile pero yung hindi halata.

'Hindi... Hindi baka namamalikmata lang ako. Impossible namang ngingiti si Sejun.' bulong ko sa sarili ko. Umiling ako nang marahan saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Bahala ka diyan, nadidistract ako.

A'TIN ka din ba?” tanong niya. Napalingon agad ako sakaniya at doon ko nakita na nagbabasa padin siya habang nagtatanong. Ayokong mag-assume pero feel ko ako 'yon pfft.


“A-Ako p-po?” tanong ko. Okay, mas okay pag sigurado.


“May iba pa ba tayong kasama bukod sa tayong dalawa?" aniya.

Tayong dalawa...

Tayong dalawa...

Tayong dalawa...


“Ay s-sir! Before I went here sir, pero n-nung nagwork na po ako dito medyo wala na po akong balita.” Sinungaling. Ako. Simula nung umalis ako sa Pilipinas, lahat ng balita sakanila sinigurado kong masasagap ko.


Mahirap kasi. Yung pakiramdam na gusto ko nang maging outdated, gusto ko na silang talikuran at iwan ang lahat—pero kasi di ko magawa eh.

Hindi siya nagsalita. Iniwasan niya ako ng tingin at bumuntong hininga. Ramdam ko yung disappointed niya sa naging sagot ko. Typical na Sejun, mabilis magchange ng mood. Dahil sa nangyare, nakaramdam ako ng guilt. Feeling ko dahil saakin kung bakit siya naging malungkot at dismayado—I mean dahil sa sagot ko.

“B-Bakit sir? May g-gusto po ba kayong malaman?” tanong ko. Ako na nagkusa at nag-tanong. Baka kasi may gusto pala siyang malaman.

Pagkasabi ko non, agad siyang nag-angat nang tingin at nginitian ako ng apakagkalawak. Yung signature smile ng isang John Paulo Nase. Kitang kita yung brase niya at pagliit ng mata.

I feel soft at that moment. Para bang bumalik yung saya niya at saya ko—yung saya nung kaming dalawa yung magkasama at naalala pa ang lahat.

“Gusto ko sanang malaman kung ano yung naging journey namin. Paano kami sumikat nang ganito. Ang bilis kasi ng mga pangyayari, ilang taon yung nawala sa alalaala ko tapos ganito na kami sumikat agad.” tanong niya.

Habang nagsasalita siya di ko maiwasan na hindi mapatitig sakaniya. Ramdam ko yung excitement niya na malaman lahat lahat. Unti-unting nagtama yung mata. Nalungkot ako bigla, hindi ko manlang alam kung paano sila umusbong bigla dahil wala ako sa tabi niya noon. Si Reese yung kasama niya—hindi ako.

“M-May nasabi ba ako? Bat natahimik ka diyan?” tanong niya.

Pilit akong ngumiti at umiling. “Ah wala wala po sir. May naalala lang po ako.” sagot ko. Nakita kong nagtaas yung kilay niya senyales na balak niyang magtanong kaya naman dinugtungan ko kaagad yung sinasabi ko. “Ah sir, pasensya na di ko din po alam yung sagot sa tanong niyo.”

Mabilis pa sa takbo ng segundo ang pag-litaw nung lungkot sa mukha niya. Hays, Hazel. Kaya naman para di siya malungkot, may naisip akong isang paraan.

“Sir, gusto niyo pong igala ko kayo at ilabas ng kwarto niyo?” nakangiti kong tanong.

Walang pagdadalawang isip na sumagot siya ng 'oo ba'. Ngayon... Ngayon ko sisimulan bumuo ng panibagong kwento kasama mo.

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon