Kabanata 14
Today is the last day. Habang nakatingin ako sa salamin at inaayos ang aking sarili, hindi ko lubos maisip na huli na pala 'to? Hindi ko na siya makikita ng malapitan sa susunod, hindi ko na siya masasamahan, hindi ko na siya mapupuntahan sakanila dahil mapuputol na ang koneksyon na meron ako sakaniya. Hindi niya na ako isang P.A simula bukas.
"You better say goodbye to them in a nice way, Hazel." bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang phone ko na kanina pa umiilaw. Doon ko nakita yung mga texts and missed calls niya saakin. He's very soft and babie. Yung tipong hindi mo kayang makita siyang masaktan.Alam kong hindi sapat ang isang buwan para mahulog ka nang tuluyan sa isang tao. Maaring masabi mo na crush mo siya or may paghanga ka sakaniya pero sa sitwasyon naming, habang tumatagal pahulog ako ng pahulog sakaniya.
From: Sejun
Are you okay? You're not answering my phone calls.
Gusto kong magtipa na hindi ako okay at huling beses na makikita na kita. Kung iisipin eh makikita ko naman siya minsan sa liit ng pilipinas at sa sobrang sikat nila sa bansa talagang magkakatagpo kami pero..."Hazel, may balita ang school niyo..." bungad sakin ni mama.
Kaka-uwi ko lang galing sa trabaho na hindi padin nila alam eh mag-iisang buwan na. Bukas ay last day ko sa kompanya, medyo malungkot pero alam kong magkikita padin naman kami.
Lumapit saakin si mama sabay abot ng isang white envelope saakin. "Bat hindi mo 'to alam? Hindi ba alam ng professor mo ito?"
Kinakabahan ako sa tono ni mama. Baka nalaman niya nang hindi pa ako bayad sa internship ko! Yare! "M-Ma..."
Akmang magpapaliwanag na ako ng bigla akong yakapin ni mama ng sobrang higpit. "Anak... Hindi mo alam kung gaano kami kasaya ng makita at mabasa naming ito... Maraming Salamat anak..."
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni mama kaya naman nung unti-unting lumuwag ang yakap niya sakin eh binuksan ko na ang laman noon.
Standford Medical Center
Los Angeles, California U.S.A.
Re: Intership AcceptanceHazel Lopena
College of Allied Health, Philippines
Center of NursingThis letter is to confirm you that Ms. Hazel Lopena has been offered an internship with Stanford Medical Center, under the supervision of CAH-CON US based....
hindi ko na natapos pang basahin lahat dahil hindi na agad ako makapagreact sa unang statement pa lang. Halong saya at lungkot ang naramdaman ko...
"Ma... k-kailan 'to b-binigay?" tanong ko kay mama na wala sa sarili. I don't know how to react right now."Kanina lang anak..." sagot ni mama. Agad kong hinanap ang petsa na nakalakip sa sulat. Then, I saw....
I only need 2 weeks para maayos lahat ng kinakailangan...... and that's the saddest part that I've been thinking since last night. Paano ako makakapagpaalam sakaniya gayong mapuputol na ang communication namin.
Magsisimula na sana akong magreply sakaniya nang makareceive ako ng text message mula sa manager niya. Doon bigla akong kinabahan ng mabasa ito... bigla akong nanghina... h-hindi....
From: Manager
I know what's going between you and Sejun, Hazel. Let's talk.
I didn't waste so much time. Agad akong umalis ng bahay ng mabasa ko 'to. Its all about his career na, hindi pwedeng masira iyon ng dahil lang sa kung anong namumuo saamin.Tinext saakin ni manager yung lugar saan kami magmimeet and wala pang ilang oras ay nakarating na ako. Nakita ko kaagad doon ang manager kaya hindi na ako nagpatagal pa. Kahit kinakabahan ako ay wala akong ibang magawa kundi harapin ito.
"G-Good morning m-ma'am..." bungad ko.
Dinapuan agad niya ako ng tingin. "Have a seat first, Hazel..."
Tahimik at dahan-dahan akong umupo sa silya na nasa harapan niya. Palihim kong kinagat ang ibaba ng aking labi dahil sa tension na nararamdaman ko. I know this kind of feeling at sa lagay ng itsura niya mukhang hindi maganda ang mangyayari.
She stared at me from head to my body, as if naman makikita niya ang paa ko.
"Hazel..."
"Yes po." My adrenaline failed me to hold my response. Dahil nadin siguro sa tension na nararamdaman ko. She raised her brows.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." aniya. Kinuha niya ang bag niya at may nilabas na envelope na may makapal na laman. Inabot niya saakin ito at sinabing, "Ito na ang sahod mo. I know that you're aware that this is your last day in our company."
Dahil sa hindi ko pa kinukuha sakaniya ang pera ay kusa niya itong nilapag sa lamesa. I am shocked na mismong hindi nag-sisink in at di ako makapagreact sa sinasabi niya.
"Pero ma'am, p-papasok pa na-m-man po ako..."
"No need." She cut me. "Alam ng management na last day mo ngayon so sinabi nila saakin na wag ka na daw mag-abala pa." aniya sabay kuha ng iniinom niya.Nagbaba ako ng tingin dahil sa lungkot na naramdaman ko bigla. Hindi ko alam kung anong gagawin ko or paano ako magpapaalam sakanila. Tinignan ko muli si ma'am. "Ma'am baka pwede naman akong pumunta or kahit bumisita man lang po or kahit magpaala—"
Ibinaba niya ito at tinignan ako ng maigi. "Ms. Hazel Lopena, don't make this hard for both of us. I know what's going between you and Sejun."
Natigilan ako. "M-Ma'am..."
"Listen, Hazel. Kapag pinagpilitan mo na makipagkita kay Sejun at sabihin na aalis ka na sa kompanya, maaring magkagulo ang lahat at malaman ng lahat ang namamagitan sainyo. I'm doing you a favor her, Ms. Lopena, kung hindi mo nakikita I am trying to save the future of you and Sejun."
Napabuntong hininga ako. Hindi maaaring malaman kung ano man ang meron saaming dalawa. May punto siya pero gusto ko lang naman makapag-paalam...
"I know what you're thinking, Hazel. Hindi makakatulong kung magpapaalam ka sakaniya, just better leave and go! Wag ka nang magpapakita dahil baka ikaw ang maging dahilan ng pagkasira ng career na ilang taon niyang binuo."
And that's it. I lost in his life like I was nothing to him...

BINABASA MO ANG
BE WITH SB19 SEJUN (Completed)
FanfictionUnexpected story, a roller coaster ride of emotion. A story of an idol who signed a contract that he wouldn't go into a relationship, but things got out of hand when he fall in love with his personal assistant.