Kabanata 19

406 37 3
                                    

Kabanata 19

Natapos ang shift ko ng tulala at wala ako sa sarili. Agad akong nagpalit ng uniporme sa locker room at nagbihis ng casual para bisitahin si Sejun sa kwarto niya. Hindi ko alam kung gising siya o tulog ngayon dahil alas dos palang nang madaling araw.

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto niya eh napapaisip na agad ako kung ano ang mga magagawa ko para matulungan siyang bumalik ang mga ala-ala niya pero tuwing naaalala ko yung sinabi ni Josh kahapon, hindi ba parang ang selfish ko na naman?

Ipinikit ko ang mga mata ko at umiling. “Hindi. Tama na ang ilang taon na umalis at tumakas ka sakaniya. Kailangan ka niya, Hazel. Kailangan ka niya.” bulong ko sa sarili ko.

Room 838

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko nang makarating ako sa kwarto niya. May iilan na nakabantay sa labas ng kwarto, mga personal surveillance ata nila. Tinitigan ako ng isa sakanila, nakaramdam ata papasok ako. Mga amerikano sila.

“Uhm. I'm a nurse here and I know the patient. I just wanna visit him.” paalam ko.

Sinamaan ako ng tingin nung kausap kong bantay. “Sorry ma'am but no visitors allowed for now.” he said with his strong accent.

I shook my head, “Uhm. I'll be quick, I promise. I just want to see how is he and i-if he's okay...” paalam ko. Tinitigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa.

There, narealized ko kung ano ang mali. Maybe he's doubting if I am a nurse or a reporter.

“Okay! Here's my identification card, my license for proof that I am not lying. I'm a nurse here and a friend of the patient.” paliwanag ko sabay pakita nung ID and license ko.

Tinitigan siya nung kasama niya at tinanguan. “Let her in.” striktong pagkakasabi nung kasama niya.

Tumango din siya at hinarap ako. “Okay ma'am but we'll only give you 5 minutes.” ani nung bantay.

Ngumiti ako at tumango. “Yes, promise! I'll be quick. Thank youuuu!”

Pinihit ng guard ang doorknob at pinapasok ako. Walang pagsidlan yung saya ko nung papasukin ako ng mga guards. Pero agad din nawala ang ngiti ko ng makita ko siyang nag-iisa sa hospital bed.

Mahimbing siyang natutulog na parang isang sanggol. May benda sa ulo niya. Nilapitan ko siya kahit na kinakabahan ako dahil baka magising siya.

“D-Di ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon tayo magkikita, Sejun...” 

Pinipigilan ko na gumawa ng mga ingay na maari niyang ikagising. Marahan kong hinila ang silya upang maupuan. Holding back my emotions in front of him while reaching for his hands.

Nasasaktan ako dahil hindi ko inaasahan na ganito—ganito ang pagkikita namin. Unti-unti kong hinawakan ang kamay niya, magaan lang para hindi ko siya magising.

Halo-halo ang emosyon ko pero nangingibabaw ang lungkot at panghihinayang.

“Akala ko naging masaya ang buhay mo nung iniwan kita. Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari... I'm so sorry, Sejun...” may piyok kong sabi. Pinipigilan kong hindi maiyak sa tabi niya.

“Hindi ko alam na sobra ka palang nasaktan. I'm so sorry... Alam mo ba, walang araw na hindi kita naisip dito. Iniisip ko kung kamusta ka na? Kung sinong nag-aayos ng mga damit mo? Kung sinong inuutusan mo pag wala ka nang stock ng hotdogs? Kung pumupunta ka padin ba ng perya?”

Sumiriwa saakin lahat ng alaala naming dalawa noon. “Naalala mo ba nung tumatakas tayo tuwing gabi para lang makagala?”

Para namang sasagot siya, Hazel. Nakakatuwang maalala ang nakaraan pero yung kasama ko alam kong hindi na makakaalala.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya, iniangat ko ito at dinampian ng halik. “Please, magpagaling ka ha. Okay lang kahit di mo ako maalala kasi bubuo tayo ng mga alaala na masasaya.”

Ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan ay kusa nang bumagsak. “Please, tutulungan kita ngayon. Hindi na kita iiwan, gumaling ka lang ha?”

Akmang may sasabihin pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon agad ako. Bigla akong kinabahan nang makita ko kung sino iyon.

“Ma'am, you need to get out now. His manager is on his way.” ani nung guard.

Tumango ako. “Okay, I'll just say goodbye to him then I'll go out.”

Tumango ulit ito at sinarado muli ang pintuan. Hinarap ko muli si Sejun at pinunasan ang luha ko na tumulo kanina. Nginitian ko siya.

Paalam muna ha? Babalik din agad ako. Magpagaling ka ha? Mahal kita. Mahal padin kita...”

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon