EPILOGUE

424 23 23
                                        

EPILOGUE

Sejun's POV

It's been a year since the incident happened. And today is that day. Hindi padin ako makapaniwala. Hanggang ngayon hindi ko padin tanggap na wala na siya.

"Parang wala ng kwenta yung buhay ko, Hazel... A crippled like me means nothing to them anymore..."

After kong malaman na wala na si Hazel, nagpast out ako that triggers me and my brain resulted to trauma. I was coma for 6 months and no signs na mabubuhay pa. After 6 months of being coma, I was able to bring my life back pero wala na siya... Iniwan na ako ni Hazel. I was diagnosed with Functional Gait disorder means that there is abnormal movement of part of the body due to a malfunction in the nervous system.

"Sana hindi nalang ako nagising... Sana sumama nalang ako sa'yo diyan..."

Bumuntong-hininga ako habang pilit na nilalagay ang mga bulaklak sa puntod niya. Laking gulat ko ng may kumuha saakin nung bulaklak at tinulungan akong i-lapag iyon sa puntod niya.

"Hindi mo dapat sabihin 'yan..." aniya. Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino 'yon. Mama ni Hazel...

"Tita..."

Bumuntong hininga siya at hinarap ako. "Gustong-gusto ng anak ko na gumaling ka. Sinakripisyo niya ang sarili niyang kalusugan para mapagtuunan ka ng alaga kaya wag mong sasabihin n asana hindi ka nalang nagising ulit. Maraming nagmamahal sa'yo. Inaantay ka ng mga fans mo na mahal na mahal ka."

"Pero tita... hindi ko nasabi sakaniya na mahal ko siya... hindi manlang niya narinig..."

Umiling ito. "Huwag mong pasanin lahat ng lungkot at bigat sa pagkawala niya. Kagaya nga ng sinabi mo sa kanta mo, kung nasabi mo ba noon may magbabago ba? Wala... Kukunin at kukunin talaga siya satin. Hindi niya na kailangan marinig sa'yo na mahal mo siya dahil nararamdaman niya..."

Mas lalo akong nalungkot at naiyak sa sinabi niya. Tama siya...

Katahimikan ang nanaig samin nang bigla siyang may iabot saakin na isang box. Gulat akong tumingin sakaniya.

"A-Ano po ito?"

"Andyan lahat ng sulat at video records ni Hazel mula nung malaman niyang may taning siya. Lahat 'yan ay para sayo..." aniya at binigyan ako ng ngiti.

Akmang magsasalita ako ng bigla na siyang tumalikod siya at umalis na.

Nang makarating ako sa bahay ay isa isa kong binasa lahat ng sulat na andoon at pinanood lahat ng video record na andoon. Hanggang sa mapanood ko yung huling video niya

...siguro kung mapapanood mo 'to ay wala na ako, pero palagi kong babaunin kahit saan man ako magpunta lahat ng ala-ala nating dalawa. Bukas na yung concert ninyo at hindi ko alam kung makakapunta pa ako...

Kitang kita ko na nanghihina na siya. Namumutla at may mga dugo na tumutulo sa ilong niya. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang ingay na nagmumula sa paghikbi ko.

...pero wag kang mag-alala, susubukan ko talaga. Pero kahit man hindi mo ako... makita doon physically... tandaan mong andoon ang presensya ko sa kahit anong bagay na makita mo...

Saka lang pumasok sa isip ko yung putting paro-paro. Premonition na ata 'yon.

...Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, hindi mo man sabihin ay nararamdaman ko... Magkikita pa tayo... hindi nga lang diyan... pero sana... sana nasa maayos kang lagay ngayon...H-Hindi man na kita maalagaan, always remember na... na maraming gustong mag-alaga sayo at nagmamahal sayo h-ha...

Ang s-sakit makita na wala ako sa tabi niya nung mga panahon na kailangan niya nang lakas.

...hanggang dito nalang ha? H-Hindi ko na kaya.... Paalam na...







Paalam na....



BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon