Kabanata 22

451 29 17
                                    

Kabanata 22




“S-Sejun?”

Sa gulat ko, nabanggit ko ang pangalana niya. Halo halo yung nararamdaman ko eh, nanghihina, kinakabahan, masaya, malungkoy, nasasaktan... basta hindi ko maipaliwanag.

“S-Sino ka? bakit mo ako kilala?” tanong niya saakin. Hindi ako nakasagot agad dahil bigla siyang nagsalita. “T-Teka? Bakit ba ako andito? Nasaan tayo? Jah? Ken? Stell? Josh? Bakit ako andito?” takang taka niyang sagot.


Mukha siyang magwawala ngayon kaya sinubukan ko siyang lapitan pero nagitla at nagising ang buong pagkatao ko nung bigla siyang sumigaw. “Wag kang lalapit! Baka kung anong gawin mo saakin? Ni hindi ko nga alam kung anong ginagawa ko dito eh?!”

Nasaktan ako. Hindi dahil sa nasigawan ako kundi dahil, narinig ko na ulit yung boses niya, yung kasungitan niya pero sa maling panahon at pagkakataon.

Hindi makaimik ang head nurse dahil hindi niya maintindihan si Sejun dahil nagtatagalog ito.


Sinubukan siyang kausapin ni Justin. Sejun, naaksidente ka, andito tayo sa ibang bansa. Wala tayo sa pilipinas.”

Gulong-gulo ang itsura niya, para bang walang naiintindihan at parang batang walang alam. "Anong ginagawa ko dito? Bakit ako naaksidente—”

Nagsimula akong humakbang palapit sakaniya ngunit humarap ulit ito saakin at sinigawaan ako. Pangalawa na.

“—sinabi ko na diba?! Wag kang lalapit! O baka hindi mo naiintindihan? I said, stay away from me! I don't need you or your help!”

Sapagkakataon na iyon, di na ako gumalaw pa sa kinatatayuan ko. I remain myself meters away from him. At this moment, as his nurse, I feel so useless. Ni hindi ko.manlang siya mapakalma at malapitan. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya, natatakot akong magalit siya saakin at ayawan niya ako. Natatakot ako.

Pero hindi ngayon. Hindi dapat ako matakot sakaniya ngayon. Kailangan niya ako! Kailangan ka niya, Hazel!

Ilang segundo akong natigilan, pero nung nakita agad ako ng pagkakataon para makalapit ay agad ko siyang tinurukan ng pampakalma.

“S-Stop...” unti unting nanghina ang boses niya kasabay ang pagkalma niya. Nasasaktan ako kasi kung kailan nakita ko na siya ng maayos, gumagalaw at may malay eh ganito pa yung senaryo.

Unti-unting nawalan ng malay si Sejun na epekto ng gamot na itinurok. Tinitigan ko sila Stell, Ken, Josh at Justin. Even the staff, alam kong walang wala ang lungkot na nararamdaman ko sa lungkot nila ngayon.

Naalala man sila ni Sejun pero yung mga taon nilang magkakasama habang binubuo yung mga pangarap nila ay parang nawala nalang ng parang bula.

Kita ko ang nangingilid na luha sa mga mata ng mga staff at ng mga boys. Agad kong nilapitan si Stell na alam kong anytime ay maiiyak na.

Stell... He will be okay, wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para matulungan siya...” sabi ko kay Stell.

Hindi ko inaasahan ang mga susunod na nangyare, gulat ako. Nagulat ako dahil sa pagyakap ni Stell saakin. Hindi lang 'yon, ramdam ko yung hikbi niya. Hikbi ng hindi bilang isang ka-grupo lang—hikbi iyon ng isang kapatid at kapamilya.

Dahil nadin sa nararamdaman kong bigat, kusa na din bumagsak yung mga luha ko. Masakit pero kailangan kong tatagan para sakaniya.

Lumipas ang buong maghapon, umalis na ang mga boys kasama ng ibang staff. Pinapahinga muna nila ang apat dahil siguro nagulat din sa naging reaksyon ni Sejun kanina. Aminado ako maski ako, nasaktan talaga ako.

Hindi ako umalis sa tabi niya, chinicheck ko yung fluids and all sakaniya. Sinisigurado ko na okay lang talaga siya. Lumipas ang ilang mga araw, ganon yung naging sistema ko. Kada umaga bago ako pumasok sa ospital ay dumadaan muna ako sa isang flower shop at bumibili ng daisies. Sa isang buwan naming pagsasama, alam kong marami pa akong hindi alam sakaniya. Syempre, sino ba naman agad ang magkakaroon ng ganoong kabilis na attachment diba?

I still don't know what's his favorite flower so bumibili nalang ako ng white daisies. Daisies are good and can brighten someone's day. Kadalasan ding dinadala ito sa mga patient for their fast recovery. Pagkatapos kong bumili ng bulaklak eh agad kong pinapalitan yung mga bulaklak na nakalagay sa vase na kahapon ko nalang naman binili. I want the best care for him. Tuwing dadating ako or ichecheck ko siya ay tulog siya, I don't know if it's coincidence or what pero ayon nga. Hindi ko siya naabutan na gising. Inaayos ko yung ventilation ng kwarto niya. Sinisigurado ko na malinis yung room niya palagi.

Wala akong paki-alam kung magmukha akong katulong pero ang gusto ko lang ay umokay at gumaling na siya. Minsan nga nagpapahinga ako sa tabi niya, minsan sa tabi niya ako nahiga ng mga 5 minutes or minsan yung ulo ko lang yung nakaunan sa kama habang nakahawak sa kamay niya.

Dinadalaw ako ng antok pero mabilis din naman akong nagigising. Iniisip ko nga, kahit siguro hindi na niya ako maalala. Mas mabuti nga siguro iyon, para mawala na yung mga sakit na naramdaman at naranasan niya saakin. Willing naman akong palitan lahat ng iyon ng mga masasaya, basta ba gagaling siya...

BE WITH SB19 SEJUN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon