Chapter 70 (Anak ng tukneneng)

74 0 0
                                    

Madami ng nangyari mula ng umalis si Aqi dito sa bansa.

At sa sobrang bilis ng panahon 3 years old birthday na ng kambal ko.

At kami naman ni alden ay patuloy na nagiging matatag.

Wala na yata pa akong mahihiling sa kanya.

Grabe eh lahat nalang binibigay nya sa amin ng mga anak ko.

“Hi honey, masyadong busy ah?”

“Oo nga eh teka nasaan na yung kambal?”

“Pinagpapasa-pasahan na ng mga pinsan mo.”

“Kiss ko?Bakit late ka huh?”

“Nambabae kasi ako honey..”

Hahaha’ para lang kaming tropa nyan ni Alden..

Ang lakas ng saltik nya eh akala mo wala ng bukas.

“Amp’ dapat sinama mo ako para nakilala ko sya..”

“E’di pag sumama ka di ko na nalandi si Alden??”

Napalingon ako sa may veranda..

Nakita ko si AQI!!!!!

Bestfriend!!!!

“Kala ko di ka makakarating???”

“Adik ka, na missed ko na nga ang pagkapanganak mo sa kambal, pati ba naman sa birthday nila?”

Sinalubong ko sya ng isang masigabong hug..

Walangyang bakla!! Super namis ko sya..

“sinong kasama mo? Teka nakita ka na ba ni kuya Axl? Alam mo bang halos mabaliw yun nung nawala ka?”

“Wala akong kasama adik nakita mo naman di ba? Ayy nakita ko na ang kuya Axl mo pero deadmalu lang kami sa isa’t isa tsaka ano ka ba naman matagal ng panahon ang lahat.”

“Ehem honey, check ko muna ang mga kambal mukhang mahaba-haba ang usapan nyo akin na yang Hotdogs ako na ang maglalabas”

“Sorry honey, okay lang ba sayo?”

“OO naman noh..”

Lumapit sya sa akin at kinuha yung tray ng hotdogs at saka nya ako kiniss sa lips hahahaha..

“ehem may minor po dito..” basag naman ni Aqi..

“Ulul ka Aqi!!” sabay hagalpak ng tawa ni Alden...

“Tae mo umalis ka na nga istorbo ka sa pagkwekwentuhan naming ni Soul eh”

“AWWW oo na nga eh ito na ohh aalis na..”

Tuluyan ng nawala sa mundo si Alden este lumabas pala..

“OHH kamusta naman na kayo ni Alden?”

“okay na okay kami..masayang masaya ako sa kanya..”

“Ang tanong mahal mo ba?’

“Aqi ano ba naming klaseng tanong yan? Syempre naman noh hello magkasama na kay kami sa bahay obvious ba?”

“AHHH” sabay tango ni Aqi

Tignan mo tong gaga na to napakadi kapanipaniwalang sumasang-ayon ang itsura..

“Seryoso, mahal ko yung tao pero wala pang nagyayari sa amin ah?”

“Heck?! Nagsasama kayo sa iisang bubong tapos walang nagyayari? Ano kayo nagtititigan lang?”

“Adik, nirerespeto nya kasi ako sabi nya di nya ako gagalawin unless kasal na kaming dalawa..”

“Ohh eh kelan naman ba ang kasal nyong dalawa? Seryoso di man lang ba sya natetempt?”

“Hmn di pa ulit naming napag-uusapan ang tungkol  dyan masyado na kasi kaming nagfocus dun sa mga bata tapos busy pa kami sa work alam mo naman dapat nagtutulungan..at para sa tanong mo kung di ba sya natetempt, ahh ehh minsan nawawala kami sa sarili namin..nasa  isang kwarto lang kami noh ”

“So may nangyayari nga?”

“Adik nito wala na ahhmmn minsan nahahalf nya ako pero kapag humahantong na dun bigla syang matatauhan tapos ayun lalabas ng kwarto para umiwas.langya ka binabaliktad mo ang usapan e..dapat ikaw ang topic dito..”

"Age before beauty nga di ba??"

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon