Chapter 37
Alden’s POV
Niyaya ko kanina si Soul na samahan ako magmall after class. Ramdam ko pa rin kasing namimis na ni Soul si pareng Lexus.
And after history class nga ni Soul ay lumabas na kami ng ASVU para pumuntang ATC kaya lang may nakita si Soul na kakilala na nakapang Race Gear. Nilapitan nya yun at kinausap.
Ang sama makatingin akala mo lalamunin nya ako anytime. Pinakilala nya ako dun sa Guy at inoffer ko ang kamay ko para makipagshake hands pero di nya pinansin ito.
Feeling ko talaga may gusto yung Aero na yun kay Soul. Ang obvious din naman kasi talagang sinundan nya kami kanina ni Soul sa ATC. Nakita ko sya di nga lang ako nagpahalata pero para maprove yun kailangan kong itesting.
Okay, okay, okay wala akong gusto kay Soul. ibinilin sya sa akin ng Bestfriend ko na si Lexus para bantayan sya. So kaibigan na din ang turing ko sa kanya. dapat talaga sa ibang bansa ako mag-aaral since yun ang gusto ng parents ko, kaya lang baka multuhin ako ni Lexus.
Nung nakita kong nakasunod si Aero sa amin ni Soul sa department store ay sinadya kong bumili ng t-shirt na unisex naman. Bumili ako ng dalawa para pareho kami ni Soul. After nun ay naghiwalay kami ni Soul para magbihis. Alam kong nakasunod pa rin sa amin si Aero. Paglabas ko nakita ko syang nagpalit din ng damit. hahaha’
After naming kumain ni Soul ay nagyaya sya dun daw sa The barracks kung saan daw tumutugtog sila at the same time nagmamanage ng bar na yun. akala ko nga nung una, yung bar na sinsabi nya eh yung mga pang-alam nyo na parausan kung tawagin like may mga prostitute, mga naghuhubad ganun eh di naman pala, music bar and resto sya.
After nila Soul magpractice dun sa private room para sa mga banda ay niyaya nya ako dun sa exclusive spot ng band nila.
“Guys meet Alden kaklase ko.” Ang gaganda nila lalo na yung Short haired. Ngumiti lang naman ako sa kanila.
“Pinsan ang bilis mo namang palitan ang natsugi mong Boyfriend.” Mukhang may tama na yung lalaki. Pinsan? So ngayon ko lang sya nakilala.
“Nam pakibatukan mo nga yang katabi mo.” At binatuka nya naman. Hahaha’ kawawang nilalang.
“Arraaaaay naman joke lang naman yun eh.”
“Anyway, Alden sya si Hiro ang makulit kong pinsan na syang lead vocalist namin sa kasamaang palad…”
“HOY Soul parang napipilitan ka lang ah?” tumawa naman silang lahat, ang cool naman nila.
“… si Harley ang pianist, si Aqi ang Lead guitarist…” ah so Aqi pala ang name nya. Now I know.
“… si Nam-u ang sa drums, Aigee ang band manager namin, at si Jhaimie ang sa Synth.” Naks ang astig iisa lang ang guy sa band nila.
Maya-maya ay nagserve ang waiter ng isang case ng alak. Don’t tell me kaya nilang ubusin lahat ng ito? Kumuha sila ng tig-iisa-isang bote at nilagok. Tinignan ko si Soul na sa pagkakaalam ko di naman umiinom ng alak. Pero I’m wrong, makalagok lang akala mo wala ng bukas.
“Hey, kelan ka pa natutong uminom?” tanong ko sa kanya pero bulong lang.
“Mula ng makilala ko sila.” Sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko.
“Pst’ hinay-hinay lang mamaya malasing ka eh.”
“Adik, di kasi kami tumutugtog ng di lasing.” Weiiiiiiird! Meron palang ganun?
“Aero, oh akala ko ba di ka makakapunta ngayon?” Napatingin kami ni Soul dun sa dumating. ang sama pa rin ng tingin nya sa akin. Selos talaga sya eh nuh?
Kawawang babae, at talagang kumuha pa sya ng babae para lang ihide na nagseselos sya noh? Well, technique na yan ng guy hahaha’ ginagawa ko rin yan minsan kapag pinapaselos ko ang girlfriend ko nun. Ngayon single ako eh.
“Tol’ ano yan Chicks?” tanong ni Hiro.
Si Soul naman ay parang wala lang di ko alam kung deadmalu lang or ewan kakaiba kasi itong babae na ito eh mahirap basahin ang takbo ng utak. Even Lexus nahihirapan nun basahin ang utak ni Soul. kasi naman di naman mind reader ang kaibigan ko. Ah basta parang walang pakialam.
“Pare, ipakilala mo naman yang chicks mo.” Sabi ni Hiro. Oo nga naman. Hahaha’ maganda kaya yung babae. Para syang model.
“Yuki.” Halatado mong ginagamit nya lang yung girl kasi yung babae makapulupot lang kay Aero akala mo wala ng bukas pero si Aero parang di pinapansin tapos panay ang tingin nya sa amin ni Soul.
Si Soul naman ay mukhang may tama na. ang kulit na nya eh.
“Woi Alden, baka mamaya mainlove ka sa akin ah?” tumawa naman ako nun. Malabong mangyari yun. hahaha’ di ako tumatalo ng girl ng bestfriend ko kahit na sa bihin mong patay na yung tao.
“LOL, di mangyayari yun noh.” Tumawa naman sya. Kami lang naman ang nakakarinig ng usapan namin eh. Magkatabi kasi kami.
“Hahahaha, defensive oh. Joke lang naman eh.” Hahaha’ wala ng pag-asa itong babae na ito. Lasing na ang kumag.
“Lasing ka na noh?” tanong ko sa kanya.
“Hindi noh.” Tapos sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko.
Yan pala ang hindi lasing ah? Tss, napatingin ako bigla dun sa side nila Aero. At kasalukuyan silang naghahalikan. Naks’ kasama ba yan sa plano nya? hahaha’ nakakatawa talaga kasi naman nakikipaghalikan sya pero sa amin ni Soul nakatingin. Di ko naman Makita ang reaction ni Soul kasi nga nakasandal sya sa balikat ko di ba?
“Yown oh PDA tol nakakaumay.” Sabi ni Hiro. Kinakantyawan na sya ng lahat pero parang wala syang pakialam.
“Hoy Aero nakakaumay ah.” Sabi ni Aqi.
Tinitigan ko lang sya si Soul naman ay wala lang ding pakialam siguro tulog na ito sayang di nya nakita yung eksena. Hahaha’
“Tara na guys tugtog na tayo ng magkaroon ng privacy ang lovers.” Sabi ni Harley.
Tinapik ko na si Soul at agad naman na syang tumayo, gegewang-gewang na silang umakyat sa stage. Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko kaya tumayo din ako papuntang CR.
Calling Daddy…
“Alden, nasaan ka na ba? Bakit wala ka pa dito sa bahay? Bakit ang ingay dyan”
“Hello Dad may inattendan lang akong party ng kaklase ko.” Liers go to hell. Hahaha’ wag nyo akong gayahin.
“Umuwi ka na ngayon din.”
“OK Dad.” Naku sayang naman di ko na mapapanuod sila Soul. lumabas na ako at umalis na.
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???