Ilang araw na ang lumipas ngunit di pa din sya nagigising. Hindi din stable ang vital signs nya. Para na akong mababaliw sa nakikita ko. Ang daming nakakabit sa mahal ko. Bumagsak na din ang katawan nya mula sa pagiging hunk.Twice na din syang nirevived. Dumating na din sa point na tinanong kami ng doctor kung itutuloy pa ba ang pagrevive sa kanya or hindi na. Tanong na ayokong marinig. Tanong na ang hirap hirap sagutin. Tanong na nakakadurog ng puso. Ayokong maging selfish pero parang alin man dun ang maging sagot ko ay yun pa din ang kalalabasan.
"Soul, umuwi ka muna sa bahay at magpahinga ka muna, Anak."
"Dad, okay lang po ako. Gusto ko paggising nya ako ang una nyang makita." Nag-uunahan nanamang bumagsak ang aking mga luha.
Si Alden, na syang naging sandalan ko sa lahat ng bagay. Karamay sa lahat ng hirap.
Si Bree, na syang bumuo ng buhay ko. Nagparealize na dapat akong maging firm sa lahat ng decision na gagawin ko.
Si Rhee, na syang nagsilbing liwanag ng buhay ko. Nagparamdam na di ako dapat mawala sa paningin nya. Ngunit wala sya. Hindi ko man lang naibigay yung regalo ko sa kanyang pangarap nyang toy.
"SOUL!!!! SA ICU!!!" Alarmang sambit ni Aqi. Agad kaming napalingon ni Dad.
Hindi ko na nasagot pa si Aqi. Magkahalong emotion nanaman ang nararamdaman ko. Hindi ako magkamayaw sa paglalakad patungo kung saan naroon si Alden.
Pagkadating ko sa pintuan nasilayan kong muli ang mahal ko. Hinanghina pero mulat na ang mata ilang araw din. Ilang araw ko din syang nakitang walang malay. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam ang unang gagawin ko, parang nanlalambot ako na sa wakas gising na sya. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko palapit sa kanya. Hanggang sa maramdaman ko nalang, akay na ako ni Aqi palapit sa kinaroroonan ng mahal ko.
Luha! Luha ang unang nakita ko ng malapitan ko sya. Hindi sya makapagsalita dahil sa tubong nakakabit sa kanya diretso sa kanyang baga.
Hindi ko na napigilan pa. Niyakap ko sya ng pagkahigpit-higpit.
"I love you." Sambit ko, na sapagkakataong ito tanging sya lang.. sya lang ang taong nagparamdam sa akin ng ganito.
Wala man syang tugon sa mga salitang sinabi ko. Ngunit naramdaman ko ang mahigpit nyang paghawak sa aking kamay. Ang paligid ay sobrang tahimik.
Days have passed Alden is getting better. At sabi ng doctor susubukan na ding tanggalin yung tubo sa kanya kapag nagtuloy-tuloy ang improvement nya. Si Bree ay nagkamalay na din. Ang laking pasasalamat ko talaga sa Poong may kapal. Pero nadudurog pa din ang puso ko sa isiping wala na si Rhee. Ang baby ko!
Si Shin ay nahanap na din, may nakakita sa kanya malapit sa pinangyarihan ng insidente isang magkakahoy. Sa awa ng Diyos ay hindi ganun kagrabe ang nangyari sa kapatid ko.
Lately napapadalas din ang pagkahilo ko, stressed naman kasi ako this past few days pero ayoko kasing mawala sa paningin ng mga mahal ko.
"Soul, magpahinga ka muna. Kami na muna dito nila Hiro."
"Okay lang ako.."
"Anong okay ka dyan e nangangalumata ka na, tsaka tignan mo yang sarili mo naliligo ka pa ba?"
"Pakyu Aqi! Oo naman."
Bigla akong nakaramdam ng hilo. Nagpaalam na muna akong pupunta ng banyo. Para akong masusuka na ewan e.
Wala naman akong alam na kinain ko. Hanggang sa sinundan pala ako ni Aqi at ibinigay ang isang maliit na paper bag.
"Ano to?" Tanong ko kay Aqi.
"Tignan mo baka makatulong." Wow nice talk.
Agad kong tinignan ang laman at nakita ko ang isang pregnancy test kit. Jusko kilalang kilala talaga ako ng gagang to. Palibhasa bihasa ang hinayupak eh.
But anyway, napaisip din ako. Anong petsa na ba ngayon? 2 weeks delayed na pala ako sa usual menstrual cycle ko.
Agad kong ginamit ang laman ng pakete at naghintay. Kinakabahan ako at the same time naeexcite. Siguradong matutuwa si Alden nito. Magiging Daddy na sya! I mean oo daddy sya ng mga anak ko pero you know what I mean.
Sana two lines..
Sana two lines..
Sana..
Sana..
Two..
Lines..
One..
One line lang..
Punyeta bakit naman po ganun? Paasa naman po.
Tinignan kong muli yung result baka naman nagkamali lang ako.
Pero isa lang talaga e. Hinayupak.
Lumabas ako ng banyo. Binato ko kay Aqi yung paketeng binigay nya sakin.
Taena chineck ko yung box..
Expired na hayup!
"Putcha san mo ba nabili yan. Taena ka pinaasa mo ako!"
"Dyan lang sa tabi, eh yan lang yung pharmacy na nadaanan ko kanina e. Pasalamat ka pa nga binilhan kita."
"Wow, thank you sa effort ah?! Ang laking tulongng expired mong binigay"
"Sor'na, gaga ka nasa hospital na rin lang naman tayo e bat di ka pa magpatingin dito?"
"Ng alin?"
"Ng utak Soul, tanga lang?"
Ayy oo nga noh? Agad ko syang hinila at nakipila sa OPD. Let's just wait and see. At sana positive. Naeexcite na din ako.
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???