Chapter 16
Sa wakas ay nakarating na din kami sa aming munting tahanan. Nauna ng pumasok si Shin sa loob ng bahay habang si Lexus naman ay giniya muna akong umupo dun sa may gutter sa labas ng bahay.
Magkahawak pa rin kami ng kamay I don’t know bakit di ko pa rin binabawi ang kamay ko sa kanya. Kanina nya pa pinagtritripan yung kamay ko. Parang bata tititigan nya lang tapos ikikiss. Ganun lang ang ginawa nya sa 10 mins. Pero di kami nag-uusap tahimik lang kami.
“Hmn Sagtin mo na yung tanong ko kanina.” Napatingin naman ako sa kanya ng masama grabe di pa pala sya nakamove on dun.
“Wala ka na dun.” Sagot ko ng Sarcastic sa kanya. Binitawan na nya yung kamay ko.
“Okay pumasok ka na sa loob.” Nagbago na ang aura ng mukha nya. tumayo na sya at maglalakad na sana palayo.
“Wait lang.” Napahinto naman sya sa paglalakad pero di naman na sya humarap sa akin.
Gusto kong malaman, gusto kong malaman kung para saan pa tong relasyon daw namin kung di din naman sya magiging good sa akin? Pero paano ko naman sasabihin? Nahihiya ako. Hindi naman ako sanay ng sinasabi ang nararamdaman ko eh.
Pero ito na sana yung right time para linawin. Okay na sa akin ang lahat tutal wala na din namang magagawa yun na ang alam ng lahat. Na may kami pero bakit di kami magkasundo?
“hmn-----totoo bang may banda ka?” shit di ko talaga kayang magtanong.
Tumango lang sya at nagsimula na muling naglakad. Wow, ang tino talaga nyang kausap.
“Lexus, bakit di nalang natin subukang magkasundo?” mahina kong sabi, napayuko nalang ako dahil feeling ko nakakahiya yung sinabi ko.
Di ko namalayan nakalapit na pala sya sa akin at niyakap nya ako. Yung yakap na sana ganito nalang kami palagi. Di yung laging nagkokontrahan. Napakaunpredictable kasi ng mood nya.
“Promise… promise… sige na pumasok ka na sa loob malamig na.”
Kiniss nya ako sa forehead. Namula akong bigla. Di na ako nakapagsalita. Pero napangiti nya ako sa sinabi nya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Dating gawi kain- ligo- gawa ng homeworks- advance study tapos napagpasyahan kong pumunta sa kwarto ni Shin.
***knock, knock, knock***
“Bukas po yan.” Pagpasok ko ay kasalukuyan syang nagbabasa.
“Wow, love letters? Saan galing yan?”
“Sa locker ko ate.”
“Pabasa naman ako.” Pinabasa nya naman sa akin. Sabi ko sa inyo mahal ako ng kapatid ko eh.
Dear Sebastian,
Ang haba ng name mo. Di na ako magpapaligoy-ligoy pa, alam mo ang gwapo-gwapo mo hanga ako sa katalinuhan mo sana magkaroon ng chance na maging magkaibigan tayo.
Reira
Grabe ganun na ba talaga kapogi ang kapatid ko at babae na ang sumusulat sa lalaki ngayon?
Hello Sebastian,
2nd letter ko na sayo ito ngayong araw. Hmn alam kong wala kang balak na magresponse sa mga sulat ko. Pero di pa din ako nawawalan ng pag-asa na one time maisipan mo ding sumulat sa akin. Mag-iingat ka.
Reira
Binasa ko pa ang iba pang sulat pero syempre di ko na babanggitin sa inyo lahat kasi halos parepareho lang din ang mga pinagsasabi. Yun nga lang sa iba’t ibang girls galing. Dami noh?
Sa aking pagbabasa ay may isang letter na pumukaw sa akin.
Hi! Shin,
Thank you nga pala sa pakikinig mo sa mga tinuturo ko kanina sa English. Ikaw din ang galing-galing mo. Napakahyperactive mo. Galingan mo pa malay mo kasama na kitang nagtuturo next time. Aral maige. Ingat.
Aqi Medrano
“Wow, sushi boy seryoso ba ito? Sumulat yung Crush mo sayo?” umiling lang sya bilang sagot.
“Hmn, kinulit ko syang magsulat ate.”
“Shin, kelan pa kumapal ang face mo? Paano mo naman nagawa yun?”
“Kanina lang, Ganito kasi yan ate, sya ulit ang substitute dun sa computer teacher namin, nung nagtime na e nagpahuli ako para sabayan si Aqi na lumabas. Tapos nagvolunteer akong bitbitin yung mga hawak nya. sabi ko Crush ko sya tapos tinanung ko if pwede ba syang magsulat ng message sa akin then ayun pumayag naman sya.”
“Naks, ang lakas ng loob mo ah?” tae, may pagkaugali din sila ni Lexus eh nuh?
“Tapos hiningi ko yung number nya. kaya lang nahihiya akong itext sya ate.” Ginulo ko ang ulo nya este buhok nya.
“Naku itulog mo na nga lang yan. Antok lang yan. Gabi na ah! Good night na.” tapos kinis na nya ako sa cheeks nya then hug.
Bumalik na ako sa kwarto ko tamang-tama naman nagring yung phone ko.
***kriiiiiing***
“Hello sino to?”
“Lexus… akala ko nakatulog ka na kanina pa kasi ako tumatawag eh.”
Wow’ ano kayang nakain nito at ang bait-bait nya ngayon?
“Hmn tumambay kasi ako sa kwarto ni Shin. Naiwan ko itong cellphone ko dito sa kwarto ko.”
“Ahh ok. Matutulog ka na?”
“Sana.”
“Hmn, sige good night. Sunduin ko kayo bukas.”
“Wag na, magkita nalang tayo sa skul. Ok?”
“Sure ka?”
“yep-yep.”
“Ok. Sige. I love you.”
“Hmmmmn---…” di ko alam sasabihin ko eh. Inoff ko nalang. Hahahaha’
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???