Chapter 53.2
“Adik eh yan nga kasi ang gamut dyan. Oh sige na labas na ako mamaya pagsamantalahan mo pa ako eh..”
“Asa ka naman.”
“Ay sows kunwari ka pa, sige na.”
Lumabas na ako ng banyo..
Pumunta ako sa closet nya at kumuha ng mga damit nya para paglabas nya mamaya nakahanda na.
Lumabas ako ng kwarto nya at pumunta ng kusina para ikuha sya ng makakain..
Mukhang Malabo nanaman ata kaming makabalik ng kabihasnan nito ah?
Ang weak nya naman kasi..
Para yun lang nagkasakit na..
E ano naman kung nababad sya ng husto sa labas?
Hahahaha..
Ang evil ko talaga..
Ewan ko ba, gusto ko lang syang pagtripan..
Kaya lang ito ngayon parusa..
Hmn’ patay ako kila Aqi..
Ilang days na akong absent..
Tapos si Shin..
Haaaaaaist kamusta na kaya ang kapatid ko?
Nagtatampo pa rin kaya sya sa akin?
Di na kasi sya nagtetext eh..
Hmn matawagan ko nga muna si Aqi..
**Kriiiiing..kriiiiing**
“HELLO!!SOULNASAANGLUPALOKKANABANGPILIPINAS???!!!!”
Agad kong nilayo ang earpiece ng cellphone sa tenga ko..
Tae makasigaw lang wagas,..
Kawawa naman ang beloved eardrum ko..
Huhuhuhuhu..
“HOY…! SABRINA OLIVIA URSULA LOLITA FONTANILLA..!!”
Positive..
Galit na nga sila..
Kasalanan to ni Alden..
Ay hindi pala..
Ako nga pala ang salarin..
Teka, di ba ako ang bida dito sa storyang to?
So hindi ako ang salarin..
Bwhahaha..
“Teka nga muna kasi, wag kang sumigaw..”
**E’ zagu with pearls ka pala e! paanong di ako manggagalaiti sayo.. hello ilang araw ka ng di pumupunta ng GiG gusto mong masisante?**
“Grabe ka naman friend sisante agad? Di ba pwedeng isuspende muna??”
**Hindi! Tae mo.. saan ka ba kasi nagsususuot at di ka nagpapakita sa amin?**
“E saka ko na ipapaliwanag ang lahat Aqi, mahabang kwento eh..”
**Oo e kelan naman yang “Saka” thingy na yan huh Soul? Pati si Shin di ko nakikita kahit sa school.. yung totoo wanted kayo nuh?**
“Wanted agad? Di ba pwedeng nagbabakasyon lang?”
**Langya, ayos friend ah.. Makapagbakasyon ka akala mo di ka estudyante at wala kang obligasyon sa the barracks ah??**
Grrrr’ makapagsermon lang si Aqi eh nuh?
Ganun na ba nila ako kamiss?
Mawala lang ang presensya ko nag-aalboroto na sila?
Aish..
Click..
End call..
Hahahaha’
Wagas kasi eh..
Haist dadalhan ko pa nga pala ng pagkain ang bed ridden na si Alden..
Tapos na kaya sya?
Hmn..
Ewan..
Makabalik na nga lang sa kwarto nya..
Mamaya, nangisay na yun dun..
Hahahaha..
Ang bad ko e nuh?
Yaan nyo na, ako naman ang bida dito e..
Hmn’ si Aero kaya?
Ano na kayang nangyari dun?
Haaaaaaist bakit ko nanaman ba iniisip yung kumag na yun?
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???