Chapter 35 (Selos???)

127 1 0
                                    

Alden------------------------>

Chapter 35

            Pumasok ako ng walang tulog putek na yan  kaya nagsuot nalang ako ng shades feeling ko kasi sobrang laki ng  eyebags ko.

“Oh soul mataas ba ang araw?” Alden? Waaaaaaaah akala ko ba sa ibang bansa sya mag-aaral?

“Alden! Akala ko sa ibang bansa ka magcocollege?”

“Pwede ba naman yun? alangan naman iwan ko ang princessa ng bestfriend ko?”

“Ayy may ganun? Ano namang course mo?”

“Mass Communications.”

“Wow pareho tayo ng course,patingin nga ng A.S. mo?” inabot nya naman sa akin at pagtingin ko ay magkapareho kami.

“Magkablock tayo.” Ayos! May kasama na ako.

“Alam ko, oh ano tara na punta na tayo sa room natn?” nilahad nya ang kamay nya. at napatingin naman ako sa kamay nya.

            Ngumiti sya at babawiin n asana nya yung kamay nya kaya lang ngumiti ako at agad na hinawakan ang kamay nya, mukha namang nabigla sya dun.

            Bakit kaya ang weird ng tingin nila sa amin ni Alden? Nakow makatingin sila kala mo gusto nila akong tirisin. Hahaha’ akala siguro nila may something sa amin hahaha. Well kung pati kayo nagtataka, magkaibigan na din kasi kami ni Alden.

            Mga utak lang talaga ng mga tao masyadong advance. Buti nalang pala nakashades ako eh.

“Woi Alden magbitaw na nga tayo ng kamay mamaya lamunin pa ako ng mga fans mo eh.”

“Naku hayaan mo sila basta alam naman nating magkaibigan tayo okay na yun.”

“Anyway kamusta na nga pala si ikaw?” naku di ako ok Alden, kasalanan ni Aero ito! Wala akong tulog.

“Okay lang.”

“e bakit naka shades ka?”

“Ang laki kasi ng eyebags ko kaya ganun.”

“Bakit di ka ba pinapatulog ng kaluluwa ni Lexus?” agad ko syang binatukan ang amp nya eh.

“Sira ka talaga.” dumating na kami ng room namin atlast.

            Umupo na kami sa bakanteng upuan ni Alden. At maya-maya ay bigla yang humarap sa akin.

“Soul, punta tayong ATC.”

“Ngayon na ba? Di ba pwedeng umattend muna tayo ng class?”

            Akalain mo yun out of the blue magyayaya mag ATC kararating pa nga lang namin dito sa school? Adik din itog tao na ito eh nuh?

“Sira ayan masyado kang literal, sinabi ko bang ngayon? Syempre mamaya pagkatapos ng class.”

“Ayan di mo kasi pinapaliwanag ng maayos.”

“Ikaw kasi excited. Oh ano punta tayo ah?”

“OO ba basta ilibre mo ako ah?”

“Sure sagot ko. Naku kahit kailan naman kuriot ka e.”

“Ayos!”

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon