Chapter 18
Nagpasya kaming bumalik na ni Lexus dun sa gym kung saan ginaganap ang aming graduation ball. Nakakatuwa talaga ang kakornihan nitong tao na yun. Di talaga ako makapaniwalang nagbago sya from snob to sweet.
Ang saya ng gabing ito. Nasorpresa nya talaga ako. Di ko tuloy mapigilang titigan ang aking pinakamamahal.
“Oh bakit mo ako tinititigan?”
“Wala lang masaya lang ako.” Sabi ko ng nakangiti.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon. Nasa may field na kami.
“Talaga?”
“Uhmmmmn’ sobra.” Huminto ako at pumunta sa harap nya, tumingala ako para ikiss sya. Isang real kiss. Automatic na napawrap around his neck ang kamay ko. Maging sya ay napahawak sa waist ko.
Madilim ang paligid. Pagbitaw namin sa isa’t isa ay naglakad na kami ulit. Medyo malayo-layo pa kami sa gym. Sa lawak ba naman nitong school eh.
“Oh bat bigla kang nanahimik? Anong meron?” tanong ko kay Lexus.
“Hmn, wala bigla lang sumama ang pakiramdam ko pero wala to.”
“Anong wala ka dyan gusto mo ba sa bahay nalang namin tayo? Dun ka nalang muna magpahinga pansamantala.” Ngumiti sya.
“Ayan ok na ulit ako. Oh mauna ka na muna sa loob pupunta ako sa washroom.”
“Sure ka huh? Ok ka lang talaga?”
“Yep-yep.” Tapos kiniss na nya ako sa forehead ko at naghiwalay na kami.
Pagpasok ko sa loob ay agad akong nilapitan ni Shin.
“Ate nasaan na ba si kuya Lexus? Kanina pa sya tinatawag sa stage.”
“Pumunta lang sya ng washroom saglit.”
After 15 mins. Ay wala pa din si Lexus. Saan na kaya nagsususuot yung kumag na yun? Ang tagal nya namang magbanyo. Nagpasya na akong sundan sya sa sa washroom. Pero bago pa ako makarating dun ay biglang nagvibrate ang cellphone ko este cellphone ni Lexus pala kasi nagchange kami ng phone TH(Tamang Hinala) kasi un eh.
****brrrrrrrt,brrrrrrrrt****
Calling Kimchi Girl…
“Hello, nasaan ka na ba? Kanina ka pa pinapatawag sa stage.”
“Sorry, Umuwi na ako ng bahay di na kita napuntahan kasi gusto ko maenjoy mo yung party. Masama talaga yung pakiramdam ko paki sabi nalang sa kanila.”
“Ano ka ba naman sa palagay mo ba maeenjoy ko pa ang party?”
“S relax ok? I’m fine now. Ienjoy mo nalang yung party. Don’t worry na ok?”
“Ehhhhhhhhhhh—nakakainis ka naman eh. Pupuntahan kita dyan ngayon.”
“S listen ok lang ako. Bukas magaling na ako babawi ako sayo bukas.”
“Lexus, di kasi ako mapapanatag hangga’t di kita naaalagaan.”
“Promise, bukas… okay?”
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???