Chapter 29 (Welcome to my Life)

135 1 0
                                    

Harley------------------------------->

Chapter 29

“Hey Aero buti at nakarating ka. Halika dito ka.” Sino naman kaya ito? Parang pamilyar sya pero hindi ko matandaan.

            Well ang lakas ng dating nya ah. Ang pogi nya, tall-moreno-handsome. Ang hot ng dating nya. simpleng polo shirt na puti ang suot nya tapos nakapants sya. At sobrang bango nya. yung bango na hot ang dating hindi masakit sa ilong. Parang nakakaaddict nga eh.(Hoy Soul umayos ka!)

“Guys meet Aero my bro’s bestfriend.” Pakilala nung Harley.

“Hello.” Sabay ngiti ng nakakapatay hahaha’ di literal ah wala namang nakakamatay na ngiti eh. Nakakatunaw lang hahaha’ di din pervert ah? Killer smile daw hahaha’ ang labo.

            Ewan ko pero parang may kakaiba sa taong yun. Ant kung ano man yun hindi ko din alam.

“Woi pare ako nga pala si Hiro Future Husband ni Harley” binatukan nanaman ni Harley si Hiro. Hahaha kawawang nilalang buti di pa nagkakaroong ng brain hemorrhage ang kumag.

“Anung pinagsasabi mo dyan?” nagtawanan kaming lahat bagay kasi itong si Hiro at Harley eh parang mga sira ulo.

“Anyway, meet Aqi our lead guitarist, Hiro as Vocalist, Jaimie ang sa synth, Nam ang sa Drums, Aigee as our beloved manager. Tapos si Soul as our new bass guitarist, ako naman ang pianist.”

            Wow kumpletos recados na, ang galing. Hahaha. Ayun nagkayayaan na uminom. Langya ganito ba talaga ang trip nila? Iinom muna bago tumugtog?

            Pati ako napasubo. Napainom din tuloy ako. Actually di naman talaga ako umiinom eh ngayon lang kasi kailangan daw akong binyagan. Amp’ halos bumaliktad ang sikmura ko. Pero keri nalang for the sake of pakikisama!

Aero’s POV

            Mga 8:30pm na ako nakarating sa bar nila Harley panigurado madaming hot girls dun. Oh well pogi naman ako panigurado madaming maaakit sa akin. Hahaha’ ako na ang Naru!Sorry nalang sila pero Snob ako hahaha’.

            Pagpasok ko sa loob ay ang daming tao. May mga babae na panay ang tingin sa akin. Sabihin nyo nga sa akin madumi ba mukha ko?(Pahumble Effect???)

            May lumapit sa aking babae, she’s hot kaya lang di ko type ang pokpok ng dating eh. Sanay na ako dyan.

“Hi? Gusto mo ba sa tahimik na lugar?” shocks she’s Seducing me ba? Dumikit sya sa akin at napalunok ako ng laway bigla.

“No. sorry.” At agad lumayo sa kanya mahirap na baka magising nya ang tulog dumami pa lahi ko.

            Agad ko naman nakita sila Harley, wow ang daming hot girls. Lumapit naman na ako sa kanila.

“Hey Aero buti at nakarating ka. Halika dito ka.” Ah nakita pala ako ni Harley. Syempre ako naman nilabas ang aking powerful Killer smile.

“Guys meet Aero my bro’s bestfriend.” Pakilala nung Harley. Pakilala sa akin ni Harley.

            Tinignan ko isa-isa ang mga mukha nila. Wow’ ang ganda naman nung katabi ni Harley. Si Short-haired. Ang yummy ng dating nya.

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon