Chapter 22 (Unexpected News)

136 2 0
                                    

Chapter 22

            Natapos ang 3 weeks na bakasyon at balik na ulit kami sa aming munting bahay si Hiro ay sa amin na muna tumuloy since wala pa syang bahay na sarili. Okay lang para masaya.

            Balik nanaman sa normal na Soul. haaaaaaaist’.

“Soul, may pumunta ditong lalaki at ibinigay ito.” Inabot ni manang ang isang papel.

“Sino po ang nagbigay?”

“Alden daw iha. Tapos meron pang babae na pumunta dito mga kasing age ng mommy mo iha, hinahanap ka nya.”

“Ay sige po manang salamat po.” Dumiretso na ako ng kwarto at nagbihis tinignan ko yung papel.

            Ang nakasulat ay ganito ‘St. Claire Medical Hospital 5th flr., Rm407’ sino naman kaya ito. Di kaya si Alden nahospital?

            Agad akong nagpaalam na aalis ako ng bahay. Sumakay na ako ng taxi, habang papalapit ng papalapit ako sa hospital na iyon ay paweirdo ng paweirdo naman ang nararamdaman ko.

            Kinakabahan na ewan di ko maexplain kung ano. Hanggang sa pagsakay ko ng elevator. Medyo nakakatakot pa kasi first time ko lang pumasok ng hospital grabe nakakatayo ng balahibo yung mga nakakasalubong kong pasyente.

            Pagdating ko sa 5th flr ay nakita ko si Tita Ann ang mommy ni Lexus.

“Nakuuuuuuuu Soul anak! Matagal na kitang hinihintay.” agad akong niyakap ni tita Ann weird anong meron.

“tita---bakit po?” utal kong sabi ewan ko pero parang Automatic na tumulo ang luha sa aking mga mata.

            Giniya ako ni tita para silipin yung window ng Rm.407 nakita ko si Lexus. Nagwawala sya. At halos igapos na sya ng mga nurse at doctor.

            Ang Lexus na dati’y malakas, ngayon ay ang payat-payat na. Ang dating malago nyang buhok, ngayon ay wala na. Di ako makapagreact. Ang kamay na dati kaholding hands ko lang, ngayon ay tadtad na ng suero. Ang mga labi nyang dati kinikiss ko ngayon halos wala ng dugo. Ang balat nya na makinis, ngayon ay puro pasa na.

            Parang alam mo yun yung galit ko sa kanya biglang naglaho. Bigla akong nanlumo.

“Anak ikaw nalang ang pag-asa namin. ayaw na nyang mabuhay Soul, ayaw na nyang magtake ng mga medicines nya. May 4th stage Luekemia sya iha.”

“Tita, bakit ngayon ko lang ito nalaman?” napahagulgol na ako ng iyak.

“Ayaw nyang ipaalam sayo iha. Ayaw ka nyang masaktan. Matagal na nyang alam pero ayaw nya ding ipaalam sa amin. Kung di pa namin sya dinala sa hospital nun di namin malalaman na malala na ang kalagayan nya.”

            Bumitaw ako sa pagkakayakap ni tita, halos wala akong lakas na pihitin ang door knob ng pintuan nya. pag bukas ko ay agad napahinto si Lexus sa pagpupumiglas sa mga doctor at nurses.

            Napaiyak lang ako lalo. Nanginginig ang mga tuhod ko di ako makalapit sa kanya. Pagkakataon ng mga doctor na maiturok yung gamot sa suero ni Lexus.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” sigaw ni Lexus ramdam mo sa sigaw na yun ang Sakit nanararamdaman nya na cause ng gamot na itinurok. Agad na lumabas ang mga doctor at nurses.

            Bakas pa din sa mga mata nya ang luha. Luha na puno ng sakit. Pinilit kong lumapit sa kanya.

“Bakit nandito ka? Ngayong nakita mo na ako umalis ka na di kita kailangan.”

“L—Lexus, ba---kit di mo s—inabi sa a—kin ito?” halos di ko mailabas ang mga sasabihin ko.

“Para ano? Para kaawaan mo?”

“L---lexus a---alam mong h---indi totoo yan. Mahal kita.”

“Tsk mahal? Soul naririnig mo ba yang sinasabi mo? Paano ka magmamahal ng isang may taning na ang buhay?!? Sabihin mo!?!” pasigaw na nyang sabi yan.

“Le---xus, wag mo na----man ako---ng ita----boy.” Napahagulgol ako lalo. Ang sakit eh ang sakit ng mga pinagsasabi nya.

            Di ko na napigilan lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Dun bumuhos lalo ang luha ko. Namiss ko sya sobra. Matagal bago sya napayakap din sa akin. Di ko alam ang sasabihin ko. Mali sya di ako naaawa sa kanya. Mahal ko sya yun lang ang alam ko.

“So---rry Soul.” napaiyak na din sya.

            Matagal din ang hug na iyon, ayaw na nya akong bitawan. Okay lang alam kong namiss nya din ako.

“1 week nalang daw ang itatagal ko Soul. sorry kung naging selfish ko. Napakawalang kwentang boyfriend ko talaga kahit kailan.”

“Shhhhh! No need to explain. Naiintindihan ko ang lahat. Di na ako mawawala ulit sa tabi mo.”

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon