Chapter 17
Ifastforward pa natin. Humahaba na masyado eh. Ilang araw nalang at gragraduate na kami ni Lexus. After that night ay nagbago ang lahat naging expressive na si Lexus at naging palakaibigan na.
Kami naman ay isa sa mga nanalo sa sci-fare namin nun kaya ayun hanggang 4th year ay scholar kaming dalawa. Pero dun sa boogie ay naku asa pa ako dun. Mababa ang grade namin dun pero ok lang di naman naapektuhan masyado yung grades naming dalawa eh.
Si Shin naman ay accelerated nagsumikap talaga sya. At gaya pa din ng dati habulin pa rin sya ng mga babae. Lalo kasing gumwapo. Ay magkaklase na nga din pala ng Crush nya, at sila na ngayon.
“Woi kimchi girl di ka pa ba tapos dyan? Malalate na tayo sa gradball.” Tawag sa akin ni Lexus na kanina pa excited.
“Oo, palabas na ako.”
Lumabas na ako at baka sumpungin nanaman ang mahal kong boyfriend humanap pa ng ibang kadate.
“Oooh! Bakit ganyan ka makatigin?” nakakailang naman. Ngumiti sya sa akin.
“Bagay pala sayo yang dress eh. Buti nalang magaling akong pumili.” Aba’t ang hangin may bagyo ba? Binatukan ko sya.
“Arrrrrrrray. Bakit ba?”
“Ehh inaatake ka nanaman ng sakit mo eh.”
“Oh ano tara na?”
“yep-yep tara na.”
Mga 7:00pm na kami dumating sa ASVU. Madami ng tao. Si Shin nakita ko ayun nakikipagsayaw sa girlfriend nyang si Aqi.
“Gusto mong sumayaw?”
“Mamaya na konti kain muna tayo.”
“Ang takaw mo talaga kimchi girl.”
“Nakikikimchi ka na ngayon ah pag ikaw narinig ni Shin patay ka dun.” Gusto kasi ni Shin sya lang ang tumatawag sa akin ng ganun.
“Hmn tara nalang muna sa mundo ko.” Ayan nanaman sya sa kakamundo nya. saan pa ba e’di sa tabing ilog.
“E ang dilim-dilim dun noh mamaya makakita pa tayo ng maligno dun atska di ako nagsuot ng ganito kaganda para lang tumambay sa tabing ilog. Mamaya mahuli nanaman tayo dun.” Resticted kasi talaga ang place na yun para sa mga studyante pasaway lang talaga si Lexus.
“Ayoko kasing makita ka ng ibang guy na ganyan kaganda. Gusto ko ako lang makakakita na maganda ka.”
“Wow, thanks sa compliment L kaya nga mahal na mahal kita eh.”
“Naru ka nanaman.”
“Ganun talaga.Sige na nga tara na.”
Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa tabing ilog. Di naman masyadong madilim dun kasi sa liwanag ng bwan.
Pagdating namin dun ay nagulat ako. Di ko namalayan napaiyak na pala ako. Iyak sa sobrang pagkasurpresa.
Dinner with candle lights. Inalalayan nya ako para makaupo. Tapos agad nya akong inabutan ng isang white rose.
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???