CHAPTER 78 (The Result)

49 0 0
                                    

One line.. Meaning, negative.. Tumingin ako kay Alden.. Ngumiti lang sya at niyakap ako.. Wala akong makitang kahit ano sa mukha nya.. Hindi ko mabasa kung anong tinatakbo ng utak nya ngayon..

Pero ako, syempre disappointed sa result.. Hindi naman sa gusto ko ng sundan sila Bree at Rhee.. Iba pa din kasi kapag may bagong anghel sa bahay.. Masyadong malaki ang bahay na ito para sa aming apat lang..hahaha'

"Babe, hindi ako nagmamadali.. Okay lang yan tsaka maliliit pa yung mga bata para sundan..gusto kong sa kanila muna yung attention natin.." Tumingin ako sa mga mata nya, ngumiti sya and kissed my lips..

--------

Hanggang ngayon ay yamot na yamot pa din ako sa boss ko dahil sa hindi ako makakasama ng pamilya ko sa out of the country trip..

Kasalukuyan ko silang kasama habang naghihintay ng flight..medyo maaga kaming nakarating dito sa NAIA.. Mas mauuna yung flight nila Alden at ng mga bata..

"Mommy, i will miss you.." Ang sweet talaga ng baby boy ko..

"Mommy will miss you more mylove.. Wag kayong masyadong magpasaway kay daddy ok?"

"Always my queen..mommy when are we going to have another angel?" Napakunot naman ako sa sinabi nya..

"What do you mean sweetie?"

"Ate Bree told me na daddy and you are making an experiment to create another angel.." Tumingin ako kay Bree ng parang humihingi ng further explanations..

"Shut up kiddo!" Pagsasaway ni Bree sa kapatid nya..

"Bree? What was that?"

"Wala mommy.." Sabay tingin sa kaliwa ko..

"Tito Shin!.." Sabay na bumaba sa kinauupuan nila ang mga bata at nagpakarga sa kanya..

"Hello angels.." Pinupok sya ng halik sa mukha ng dalawa..

"Bat nandito ka?" Tanong ko sa kanya..

"Sabi ni kuya Alden sama daw ako e.." Sakto namang pagdating ni Alden..

"Oh bro' nandyan ka na pala..honey, di ko nasabi sayo.. sinama ko na si Shin emo eh, nainggit!" Si Shin, para pa rin talagang bata.. Pero buti nga ngayon e ok na sila ni Alden.. I mean mas close na sila kumpara dati..

"So you ready guys?" Tanong ni Alden sa kanila.. Para ngang sila lang yung masaya eh..

"YES!!!" sabay-sabay na sagot ng tatlo..

Maya maya ay dumating na din si Nick.. Nagshake hands sila ni Alden..

Tapos nagpaalam na ako sa kanila.. Trying to hide my sadness.. Alam nyo yung feeling na magkikitakita din naman kayo pero yung nararamdaman ko ngayon ay parang ang bigat..yung tipong di ko na sila makikita ulit.. Or siguro ganun talaga yung tinatawag na mother instinct.. Tsaka first time kasi na mahihiwalay ako ng matagal sa kanila..

"Babe, are you okay?" No! Gusto ko kayong makasama..

"Oh ye-yeah, im okay.. You take care of our kids.. Ikaw din mag- iingat ka.. Okay? Tsaka bantayan mo si Shin dun baka mangchiks lang dun di na bumalik ng Pilipinas.."

"I will Babe, hmn but for now lemme kiss you my queen.." And there, he kissed me like there will be no more next time..  It seems like this will be the last time i can kiss and hold my man..

Why I am feeling like this? Parang may ibang aura.. Hmn anyway, ano ba naman itong pinag-iisip ko..as if naman.. 2014 na kaya.. Tsaka as long as matapos ko ang letseng project ni Nick susunod ako sa kanila..

"Babe, see you after that project okay?" Sa pagkakasabi nyang yun ay napukol ang tingin nya kay Nick na para bang sinasabing 'Isoli mo ng magaling ang soon to be officially wife ko at ina ng mga anak at magiging mga anak namin..'

"Kuya, we're gonna be late.. Let's go.." Ito namang si sushi boy masyadong excited..

"Uh uh..! Sushi boy di ka pa nagpapaalam sa akin.." Sabi ko kay shin na hanggang ngayon ay buhat ang dalawa..

Kung di mo nga lang alam na single na martir sya ay aakalain mong tatay sya ng mga batang buhat nya..

"Why would I ate? Magkikita din naman tayo after a couple of days.."

"But atleast may goodbye kiss man lang di ba..?"

Nagsigh sya at lumapit sa akin..

"Ate talaga oh.. Paano ako magkakachiks nyan.." Kiniss nya ako sa chiks, ginulo ko ang buhok nya pagkatapos.. Nakakaloko ehh.. Then there i kissed my kids.. The center of my universe.. Na syang nagbuong muli ng pagkatao ko.. Ni minsan sa buhay ko kahit nung nasa sinapupunan ko sila never akong nagregret na dinala ko sila..

Sila yung nagsilbing eye opener ko.. Kumbaga nagstop ng pumintig yung puso ko at pinilit nilang buhayin ako.. I love them both.. Yung tipong sila yung isang pinakamagandang regalong natanggap ko sa tanang buhay ko..

Oh well hindi lang ako ang nakaramdam nun..kundi sa buong bees.. Dahil sa kanila naging lalong makulay ang bawat buhay nila.. Sila ang aming 'angels'

"Mommy, see you soon okay? Im gonna miss you so bad.." And Bree kissed me on my lips..

"I will honey." Napakamatured ni Bree mag-isip.. Katangian na manang mana nya sa tatay nya..

Parang sya nga yung girl version ni Aero.. At si Rhee naman ay namana sa akin ang ugali..

At doon ay tuluyan na silang nagpaalam..

Si Nick naman ay nakatingin lang sa akin.. Saktan ko bangs nito e..bwisit kasi!

So kami ay nagprepare na din papasok sa eroplano.. Hindi ko sya kinikibo..

"Sab, im sorry.."

"Your sorry doesn't change anything, Nick lets just talk kung kailangan talaga.. But for now hindi magandang idea na kausapin mo ako.."

"Look, after this project pwede ka ng sumunod sa kanila.. Can we just atleast itry na magkasundo at subukang maging masaya din sa trip na to kahit na alam kong impossible?"

Tumingin ako sa kanya and rolled my eyes.. Kinuha ko ang music player ko at kinabit ang headset sa tenga ko..

Talk to the hand Nick..Asa!

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon