Axl Leano--------------------------------------------->
Axl's POV
Akalain nyo yun? sinong makapagsasabing bibigyan ako ng pagkakataong mag karoon ng POV dito sa Soul's Secret..
Weeet whiiiw..
Sabog Confetti..
So balik na tayo sa kasalukuyan..
Nandito kami ngayon sa St.Lukes Medical Center Global City..
Nasa emergency room pa rin si Soul..
At heck di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya..
at sa..
Sa buhay na nilalang..
Na nasa loob ng sinapupunan nya..
Galit ang nararamdaman ko ngayon..
Galit sa taong may gawa ng lahat ng ito sa kanya..
sa taong walang kwenta at iniwan ang pinsan ko..
Oo galit ako..
Kasi masyado pang mura ang edad nya..
nakakabanas..
"Babe?" Naramdaman ko ang mga kamay ni Aqi sa aking mga balikat mula sa likuran..
Nilingon ko sya..
Tinignan ko sya sa mga mata nya pero di pa rin ako nagsasalita..
"Pwede ba tayong mag-usap muna?"
"Ayokong umalis, gusto kong nandito ako paglabas ng doktor.."
"Si Alden na muna ang bahala sa kanya.. saglit lang ito..Hihintayin kita sa kotse mo okay?"
Naglakad na sya palayo..
Sumunod ako sa kanya..
Binuksan ko ang pinto ng kotse para makapasok sya..
Syempre gentleman ako sa Girlfriend ko..
Nung kapwa na kaming nasa loob ng kotse ay bumalot ang isang napaka awkward na katahimikan..
Nakayuko lang ako sa manibela..
Paano nalang kung may masamang mangyari kay Soul?
Natatakot ako, mahal ko yung pinsan kong yun..
Di man ako nakatingin kay Aqi..
Ramdam kong nakatingin sya sa akin..
Naramdaman ko nalang niyayakap na nya ako..
Binigyan nya ako ng Canned liquor..
At muli akong yumuko pagkakuha ko nun..
"Babe, alam kong nahihirapan ka ngayon para sa pinsan mo.. pero mas nahihirapan si Soul.. doble kesa dyan sa galit na yan.. wala na eh tapos na, nangyari na ang hindi dapat mangyari.. kahit na sisihin pa natin yung si Aero, eh di na maibabalik ang lahat.."
Hindi ko maintindihan..
Slow na ba ako?
"Ganito nalang what if yung nangyari sa atin e may mabuo and to think na mas bata ako kay Soul.. sa palagay mo ba di yun unfair para sa mga taong nasa paligid ko? or sayo?"
Napaangat ako ng ulo at napatingin sa kanya..
"Iba ang tungkol sa atin at tungkol kay Soul.."
"Oh come'on Axl.."
"Hindi kita tatakbuhan at haharapin ko silang lahat para sayo..paninindigan kita kahit na bugbugin pa nila ako.."
Napatahimik naman si Aqi..
Nabigla ata sya sa sinabi ko..
Totoo naman eh ang tunay na lalaki, hindi tumatakbo sa responsibilidad..
Niyakap ko sya..
Kailangan malaman to ng buong pamilya..
"Axl not now.. hindi pa handa si Soul.. yan ang kinatatakot nya.. alam nyang madidisappoint ang angkan nyo sa kanya.. hintayin mo nalang na siya mismo ang magsabi.."
"Handa akong protektahan sya.. at di nya naman maitatago yun eh.."
"Oo nga Axl alam ko yun.. Pero isipin mo ang pinsan mo.. mas mahirap kay Soul ang lahat.."
"Kaya nga sasabihin ko na sa kanila eh.."
"Bahala ka pero pag-isipan mo muna ng maige kung ito ba ang right time para dyan.."
Kumalas na si Aqi mula sa pagkakayakap ko sa kanya..
at lumabas na ng kotse..
Naiwan akong mag-isa..
Sasabihin ko na ba o hindi?
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???