Chapter 3 (Instant Partner..Weird!)

256 4 0
                                    

LEXUS GUEVARRA ULIT----------------------------------->

Chapter 3

“Hmn hi? May partner ka na ba?” napatingin naman ako dun sa taong nasa harapan ko. Ako ba tinatanong nya? Baka naman yung taong nasa likod ko so lumingon ako sa taong nasa likod ko e wala namang tao dun. Napalingon ako sa kaliwa ko,wala din at sa kanan wala din so sinong kinakausap nito?

“ikaw ang tinatanong ko may partner ka na ba?”Hindi sya nakangiti pero di rin naman sya nakasimangot walangya emotionless ata itong kumag na ito eh?

            Teka sya yung guy na napakahyperactive mgtanong kanina sa teacher namin di ba?

            Yung nakaeyeglasses?tss bat naman ako ang napili nitong tanungin madami naman dyan I mean kasi di ba? anO?

“Hello?” sabay kaway nya ng kamay ng right hand nya sa mga mata ko.

            Mukhang effective namn kasi bumalik naman ang utak ko sa realidad.

“Ahh w-wala pa akong partner.” Nakakahiya naman kasing sumagot ikaw ba naman di ba kanina lang kinaiinisan ko sya dahil ang daming tanong sa teacher then ayun ngayon nakakastarstruck ang pogi nya pala sa malapitan. Ako na ang near sighted!

“So pwede ba kitang maging partner?” walang kaemoemosyon nyang sabi.

“Ohh-Okay lang.” Bakit ba mukha ng tanga ngayon?parang Budoy lang?nauutal?

“Okay then here’s my number. Itext mo nalang ako.” Pinatong nya ang papel sa desk ko at naglakad na pabalik sa upuan nya with matching hands inside his pockets.

            Ang weird naman ng lalaking yun. Tinignan ko naman yung papel na kaninang ibinigay nya. Actually di lang sya basta papel, calling card sya sosyaling bata.

LEXUS GUEVARRA(Christian)

1515 Harvard St.,Park Place Exec. Village, Alabang

Lexus_revenge@hotmail.com

Contact #: 09262854221

            Wow! Complete pa talaga ang details huh? As if naman trip kong pumunta sa bahay nya. Tss asa naman di ba? Pero dahil cute naman sya teka pwede mag-isip?

            Napalingon naman ako sa kinauupuan nya. Nakarest yung ulo nya sa arm chair. Dinadaan-daanan lang sya ng mga classmate namin. Tapos walang kumakausap sa kanya, ay malamang kasi mukha naman syang tulog.(Ang tanga-tanga talaga ng bruhang to.) Sorry naman kunsensya ayan ka nanaman. Teka mapangalanan ka nga. Ah ikaw nalang si Chichay! (Ano ba naman yan ang bantot ah.) tss, cute kaya! (Whatever loser!) Grr! Kaasar tong Chichay na to!

            Nilagay ko na sa bulsa ko yung calling card tapos nilabas ko na ang book ko sa mathematics, magbabasa nalang ako ng advance para mamaya hindi ako mangamote (Bobo ka kasi.) aish umeepal ka nanaman Chichay ah! (Bleeeeeeeh:P) Pero kunsabagay tama naman si Chichay, slow ako sa math pero di naman yung as in slow kasi nadadaan ko pa naman sa tyaga eh.

            After 30mins. Ay bumalik na ang aming guro sa science.

“Oh class, go back to your proper seats now. Lahat ba ay may mga kapartner na?” tanong ni Ms. Hendrix.

            Sabay-sabay namang ‘umOPO’ ang buong class. Nilingon ko ulit yung so called volunteer partner ko.

            Nakabend pa rin sa desk nya ang ulo nya. Ano ba namang klaseng estudyante to. Hindi mo mawari kung ano ang gusto kanina wagas kung makatanong tapos ngayon wagas din sa pagtulog. Yung totoo may sapi ba yun? Sagutin mo nga ako Chichay? (Ewan ko sa’yo talk to the moon!) amp’ ang sungit kala mo laging may period!

            Aish paano na ito ngayon? Paano ko sasabihin sa teacher na sya ang kapartner ko? Nakakahiya e. (huh? Eh? Ano daw? Nahihiya? Napakacocobrain mo talaga kahit kailan!) amp ang away talaga nito ni Chichay! Malay mo nga di ba binawi. Bad nito!

            Paunti na ng paunti ang mga kaklase ko sa harapan. Nilingon ko ulit yung Lexus. Waaaaaah! Wala atang balak gumising yung kumag huhuhu’ I’m dead!

“Class lahat ba ay nakapagpalista na?” patay anong isasagot ko? Kasi naman pahamak! Bahala na nga sya. Di pa rin ako pumunta sa harapan para makapagpalista.

            Maya-maya ay may dumaan sa gitna ng dalawang rows, napatingin ang lahat sa kanya. Maging ako ay napatingin kasi naman si Cool-Neat-Guy yung dumaan. Nakasabit na yung bag nya sa left shoulder nya habang ang right hand nya ay nakasoksok sa right pocket nya.

            Ano naman kayang saltik nito ngayon? Teka di pa naman nagdidismissed ang guro ah? Tska paano na yung ano. Yung pagpapalista? (Paranoid?)

            Lumapit sya sa table ni Ms. Hendrix sa harap at may ibinulong dito. Nacurious naman ang lahat dun sa ibunulong nya.

            Napatango naman si guro at ngingiti-ngiti pa ah. Ano kaya ang ibinulong nya sa teacher namin? Nakakacurious tuloy. (Chismosa!) tse! Manahimik ka Chichay.

            Lumabas na si Lexus ng classroom after nyang bumulong kay teacher. Ano kayang maeron sa taong yun? Ang weird nya talaga. Napakamysterious!

“Ok class, dismissed.” Sabay tayo at kuha ng bag nya na nakapatong sa table. Nagsisunuran na din ang mga kaklase ko. Ako nalang ang naiwan sa class room.

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon