Chapter 46
Maaga akong nagising kinabukasan..ewan ko ba an gaga-aga naduduwal ako, di na nagsawa. Haaaaist’
Tumawag nanaman ako ng UWAK...
“Baby wag mo namang pahirapan si mommy…”
Naiiyak na ako, ang sakit kaya sa lalamunan…
“Okay ka lang?”
“Ay palaka…!” napatalon ako sa gulat, langya para talagang kabute itong tao na ito.. di man lang nagbababala..
“Sorry, nagulat ba kita?” aba at nagtanong pa e nuh? Tamang trip?
“Hindi obvious.” Naghilamos na ulit ako at pumunta sa bed ko then balik sa pagkakahiga. Nakakaramdam ako ng pagkahilo.
“Kumain ka na muna.”
“SIge pero ako ako ang pipili ng kakainin ko.”
“Sige ano yun?”
“Gusto ko ng lansones at santol then extralarge fries ng MCdo yung as in bagong luto ah? Tapos gusto ko ng white tobleron yung pinakamalaki.” Sabi ko with matching pakindat-kindat pa hahaha’ ewan ko ba basta gusto ko yung mga yan.
“Walangya ang demanding naman ng buntis na ito.” Nagmadali naman na syang lumabas ng kwarto ewan ko baka dumiretso na para bumili ng mga pinapahanap ko.
Buti naman at di siya nagreklamo.hahaha’ mabait na bata. Haaaaaist makatulog na nga lang muna bago pa dumating ang mga pinabili ko.
Alden’s POV
Takte naman nito ni Soul oh dapat pala di ko nalang sya pinayagang pumili ng gusto nyang kainin. Hahaha’ pero inferness napasunod nya naman ako agad. Tae e san naman daw ako maghahanap ng mga pinapahanap nya?
Di pa buwan ng lansones ngayon at ng santol.
Ang weirdo talaga ng mga buntis..
Anong oras palang kaya..
Wala pag bukas sa mall.. saan naman ako bibili ng white tobleron ngayon?
At medyo malayo pa naman ang MCdo dito sa village namin..
Naku bahala na nga..
Bunilisan kong magdrive papunta sa bagsakan ng mga gulay at prutas sa Baklaran baka sakaling may mahanap ako..
Siguro nagtataka ako bakit ko sinakripisyo para kay Soul. Ganito kasi yan, unang- una nangako ako kay Lexus na proprotektahan ko an girlfriend nya. Hanggang sa huling hininga nito kapakanan pa rin ni Soul ang iniisip nya. kaya naman instead na sa ibang bansa ako mag-aral ay mas pinili ko pa rin ang mag-aral sa ASVU kung saan dun din nag-aaral si Soul.
Mas okay nga daw kung ako na yung papalit na BF ni Soul ayon kay Lexus, langya di ba? Syempre di ako payag na ganun ang mangyari but look si Soul ay hindi mahirap mahalin pero wala lang mas gusto ko syang alagaan as sister. Syempre kahit papaano girlfriend pa rin sya ni Lexus na bestfriend ko at ayon sa prinsipyo ko hindi magandang igirlfriend mo ang girlfriend ng bestfriend mo. Ang pangit nun eh parang respeto nalang di ba? Pero ayon lang yun sa akin ah? Depende naman na sa inyo yun.
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???