AQI------------------------->
Chapter 31
Pangatlong araw ko na ngayon dito sa Pilipinas. At ang masasabi ko sulit naman kasi racer din pala itong si Harley. Kaya madalas dun ako naglalagi.
Anyway, 3 days na din ang lumipas mula nung pumunta ako dun sa ‘the barracks’. Kung bakit? Wala lang iwas lang. pero mukhang mali eh. Di pa din ako makamove on dun sa Soul na yun. Langya.
“Woi Aero, may lakad ka ngayon?” tanong ni Harley pagbaba ko.
“Wala bakit?”
“Sama ka sa akin, tambay sa bahay nila Soul.” naku ito na nga ba ang sinasabi ko. Teka pwede bang tumanggi? Kaya lang baka pag tumanggi ako palayasin ako nito sa bahay nila.
“Sige-sige. Teka anong oras ba?”
“Ngayon na magbihins ka na.” langya agad-agad na pala.
Bumalik na ako sa kwarto at nagprepare. Bakit naman sa dinamidami pa ng pagtatambayan e kailangan dun pa sa bahay nun.
Pagdating namin dun ay agad ako nagmasid. Ganun naman di ba pag bagong salta ka lang sa lugar na yun?
Simple lang yung bahay, di magara pero di din naman mukhang naghihirap kasi up and down yung bahay. Tapos kulay puti ang pintura.
Nagdoorbell na si Harley. At agad naman kaming pinagbuksan ni Soul na walangya, bakit ganun yung suot nya? naka short sya ng white na sobrang ikli. Di nya ba naisip na baka mabastos sya sa suot nya?
Tapos nakaboxer shirt syang green na loose. Haup, paano kung may makakita sa kanya ng ganun ang itchura?
Oo nga at nasa loob lang sya ng bahay pero hello? Kahit na. nakakasira tuloy ng mood.
“Hello, tuloy kayo.” Bati nya ng nakangiti. Nakasalamin din sya. Wait, Malabo na ba ang paningin nya?
Bakit nga ba ako nag-aalboroto? Di ko naman sya girlfriend di ba? Ano ba yan alam nyo yung pakiramdam ko na nag-iinit ako sa inis kasi bakit ganun yung suot nya.
Arrgh’ maging girlfriend lang kita sisiguraduhin kong di ka makakapag suot ng ganyan!! Amp!!
“Nandyan na ba sila Aqi?” tanong ni Harley.
“Oo kanina pa. kayo na nga lang ang hinihintay eh. Pasok kayo.” Sagot nya. aba at ngingitingiti ka pa dyan.
Naunang pumasok si Harley. At nagpahuli naman ako tapos hinintay ko syang maisara yung gate.
“Ano ba naman yang suot mo. Bastusin.” Bulong lang yun pero sinigurado kong maririnig nya. di ko na sya hinintay. Pumasok na din ako.
Soul’s POV
“Ano ba naman yang suot mo. Bastusin.” Napatingin naman ako sa kanya. anong problema nun? Close ba kami?
Okay naman itong suot ko ah? Nakapambahay lang naman ako. Grr’ akala mo kung sino. Pangbakla naman ang suot nya. makalait lang wagas.
Pumasok nalang ako sa loob. at ayun mukha namang nag-eenjoy sila. Buti nalang wala si Shin ayaw pa naman nun ng maingay. Hahaha’ pero ang totoo umiwas lang yun kay Aqi kaya umalis ng bahay nung sinabi kong pupunta sila dito.
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Документальная проза..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???