Chapter 53.1 (My Weak Prince..)

138 2 8
                                    

Chapter 53.1

Agad ko syang nilapitan, nanginginig kasi sya..

Tapos ballot na balot  ng kumot langya mukha pang di man lang naglinis ng katawan bago natulog itong kumag na ito..

Puro buhangin eh..

Nakunsenya naman daw akobigla..

“Alden,  grabe ang init mo tara dalhin na kita sa hospital..”

“Wag na, wag kang lumapit sa akin baka mahawaan kita.”

“Gaya mo naman ako sayo.. weak! Di ka manlang naligo bago ka natulog.”

“Wag mo na ako pagalitan may sakit na nga ang tao eh.”

Dadakdakan ko pa sana sya eh kaya lang wag nalang ulit kawawa naman eh..

Tsaka kasalanan ko din naman bakit sya nagkasakit.

Agad akong tumayo at dumiretso sa closet nya tapos kumuhang bimpo tapos binasa ko malamang at pinunasan ko sya..

Pero dahil nakakatamad na ang pabalikbalik para banlawan yung bimpo ay pinilit ko syang tumayo at inalalayan papunta sa banyo..

Nanghihina nga talaga sya, halos walang lakas ang kumag eh..

Feeling nya ang gaan-gaan nya..

Tss..

“Wag kang magpabigat, mapapaaga ang panganganak ko sayo eh.”

Di na sya nagsalita pero pinilit nya talagang wag akong mahirapan sa pag-alalay sa kanya..

Binuksan ko ang shower at..

“Woi Soul ang brutal mo talaga..”

“Adik iligo mo yan para mawala..”

“Ang ginaw eh..”

Halata naman nanginginig na eh..

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon