Chapter 43
Hanggang sa school ay dala-dala ko pa rin ang salitang binanggit ni Shin. Pero kasi imposible eh isang beses lang naman kami nag-ano ni…
Aish it can’t be…!
Pero delayed na ako ng ilang days…
Hmn natural lang naman madelayed di ba?
So siguro late lang talaga ang mens ko…
Nagchange cycle lang siguro ako…
Oh-kay…
Ako na ang inaatake ng extreme paranoia...
“Mukhang malalim ang iniisip mo ah?”
“Ayyy, palaka ka!...” langya kamuntikan pa akong malaglag sa inuupuan ko.
“Kelan pa ako naging palaka?”
“Sorry, di kita napansin. Kanina ka pa ba dyan?”
“Di naman. Bakit ka nga pala absent ng ilang days?”
“Ahh ehh kasi Alden… ano eh…” ano nga ba ang sasabihin ko? Wala akong mahapuhap na sasabihin sa kanya…
“Kasi???”
“Masama lang yung pakiramdam ko.”
“So okay ka na ngayon?”
“Siguro.” Pero di pa talaga, as in di ako okay. Gusto kong sabihin pero baka anong isipin ni Alden, mag-alala pa sya..
“Di ka pa okay, namumutla ka eh. Ay nga pala may dala akong pagkain, I’m sure magugustuhan mo… paborito mo ito eh.”
Paborito ko?
Don’t tell me fried chicken nanaman yan..
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???