Chapter 41 (Till they take my heart away..)

151 2 0
                                    

Chapter 41

            Haaaaaist’ badtrip naman oh kung kelan naman ako pagod saka naman byabyahe ng malayo-layo. Amp’ naman, ang sakit ng buong katawan ko takte.

“Ate aalis ka?” tanong ni Shin sa akin na kasalukuyang nagmomovie marathon ng harry potter.

“Oo, may GiG kami sa Lyceum dun sa School ni Axl. Si Hiro nakaalis na ba?”

“Oo kanina pa umalis yun. ay ate may condo na daw syang lilipatan. Tapos yung kotse hinatid na ni Harley kanina.” Huh? Bakit si Harley ang naghatid ng kotse?

            Well, basta naihatid okay na yun. himala nga di na ako kinukulit sa Cellphone ngayon ng kumag na si Aero.

“Ay sige alis na ako ah?” kiniss ko na sya sa cheeks at hug.

“Ate bakit parang may mali sayo ngayon? Parang ang haggard mo, may sakit ka ba?”

“W-wala noh pagod lang siguro ako.”

“Pagod? Ano naman ang ginawa mo at napagod ka?”

“Dami kasing pinagawa kanina sa school kaya ganun, sige na aalis na ako.” Langya nuh? Ang daming tanong ng kapatid ko. Daig pa ang inspector sa detective conan.

            Sa lyceum na kami nagkitakita. Grabe ang daming tao, dumiretso ako sa spot ng bees and bangs. Kumpleto na sila at si Aqi ay nakita kong naglabas ng sigarilyo. Takte nakakairita talaga ang babaeng nagyoyosi.

“Woi Aqi itigil mo nga yang pagyoyosi mo para kang di babae.”

“Ano bang problema mo?”

“Ikaw itigil mo nga yan.” Inagaw ko ang  sigarilyo nya. at tinaasan nya ako ng kilay. Amp’ nakakainis naman concern lang naman ako sa kanya eh. Nagwalk-out ako.

“Woi Soul saan ka pupunta?” tanong ni Harley.

“Pupunta ako ng washroom.”

“Wait sama ako sayo Soul.” sabi ni Nam.

“Ako din hintay.” Sabi ni Jhaimie.

“Oh ikaw Hiro baka gusto mo ring sumama?” tanong ko kay Hiro with sarcastic smile.

“Lul!” sabay talikod nya.

            Sa wakas, moment na namin. Pag-akyat namin ng stage ay nagsitilian ang mga audience. Well, di pa kami nag-sisimula nyan huh?

            Sa pogi ba naman ng lead-vocalist namin eh. Di pa kami agad nag-start kasi inaayos pa namin yung mga instruments namin although may mga nakaprepared na dun, mas trip pa rin namin gamitin ang sariling amin.

            Nagsimula ng magstrum si Aqi. Nagsalita na din si Hiro.

“Gud Evening everybody… this song is dedicated to all of you…” sabi ni Hiro in sexy tone. Nagsitilian ang lahat. Mas maingay kumpara sa mga naunang nagperform.

            Nagstart na kaming tumugtog, pero after 5mins ay bigla kaming huminto lahat sa pagtugtog na akala mo may technical problem. Kasabay din nun ang pagpatay ng mga lights.

“Awwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww!.” Sigaw ng audience na batid ang pagkadisappoint.

            Muli ay nagsalita si Hiro.

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon