Chapter 14
15 mins. After nyang tulugan ako at gawing unan ay nagpasya na kaming bumalik sa room. Hawak nya pa rin ang kamay ko. At eto nanaman po tayo mga kapuso ako nanaman po ay kinakaladkad ni Lexus.
Ang hilig nya talagang mangaladkad hayup hobby nya ba to? Makakarating din naman siguro kami ng di nangangaladkad di ba?
Sa wakas nakarating na din kami sa field. Bigla nyang binitawan ang kamay ko. Kasabay nun ay ang pagtakbo nya palayo. Hayup na yun’ iniwan nya ako. Pagkatapos nya akong kaladkarin. Lagi nalang arrrrrrrrgh’ ang labo talaga ng kumag na yun.
Naglakad nalang din ako papunta sa room. Wala pa ang english teacher namin pagdating ko dun. Umupo na ako sa upuan ko, wala pa din yung nakaupo sa tabi ko. Saan kaya pumunta yung kumag na yun? Nauna sa sa akin di ba? E teka nga bakit ko ba sya hinahanap? Wala naman dapat akong pakialam dun di ba? Labo!
Dumating na ang English Teacher namin na si Ms. Rebong. Nagdiscussed lang sya about sa Phrases. Grabe nga feeling ko naubos lahat ang dugo ko sa utak. Haha’ dehydrated daw. Mas okay pa sa akin ang Math e kaysa English. Anyway, di nga pala umattend si Lexus, wala lang baka kasi hinahanap nyo ( sus kunwari ka pa ikaw lang naman naghahanap*chiiiiiing*)
Lunch break na kaya ito ako ngayon papuntang canteen. Sabay kami ni Shin maglulunch. Ang daming tao. Hinanap ko si Shin at presto ayun sya malapit sa may bitana. Ano kayang problema nun? Mukhang biyernes santo ang mukha eh.
“Oh anong problema ng Sushi boy ko?” umiling lang sya, as if naman di ko kabisado ang kilos nito. Kunwari lang yan na wala e napaka obvious naman di ba?
Umupo ako sa tabi nya at kahit anong ingay ng paligid ay panalo pa din ang katahimikan nya.
“Psh, dali na sabihin mo na sa akin yan, sige ka baka saan pa lumabas yan ikaw din.” Pero di nya pa rin ako kinikibo nakakaparanoid na ah?
Tumayo nalang ako para umorder ng makakain namin. siguro naman pagbalik ko mapagsasalita ko na sya.
Pagbalik ko ay nakasimangot pa din sya. Naku nahawaan na ata sya ni Lexus. Ipinagpray ko na ang pagkain namin, hinayaan ko na muna sya. Nagsimula na muna akong kumain pero si Shin hindi pa rin ginagalaw ang pagkain nya.
“Shin, ano ba kasing nangyari sa’yo?” di na ako makatiis di kasi ako sanay na ganyan sya.
“Ayaw mo talagang sabihin Sushi boy? Kikilitiin kita sige ka.” Kiniliti ko sya at nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga.
“Haist, paano kasi ate pagbukas ko ng locker ko kanina ang daming ‘Love Letters’ tapos kapag dumadaan ako sa corridor papunta sa classroom pinagtitinginan nila ako. Kapag nagrerecite ako as in natutulala sila sa mga pinagsasabi ko. At ang nakakainis pa dun ate, kapag may mga activities na by partners ang damig nagvovolunteer na maging kapartner ko hanggang sa nag-aaway na sila kaya ayun wala nalang akong pinipiling partner” bwhahahaha’ napahagalpak talaga ako sa tawa nyan.
Laugh trip talaga! akala ko naman kung ano na yung malaking problema ng kapatid ko. Hahahahha’ sya na maappeal. Napahinto ako sa pag tawa kasi tinignan na ako ni Shin ng masama.
“Anong nakakatawa dun.”
“Wala.” Pigil pa rin ang tawa ko dyan.
“E bakit ka natatawa?” wow ang serious na ng itsura nya feeling ko anytime pag di ko pa tinigil ang pag tawa ay babangasan na nya ako.
“Wala nga.”
“Nababaliw ka na ba ate?”
“Hindi noh.” Umayos na ako baka sapakin na ako nito.
“May mali ba sa akin ate?”
“Wala. Pogi ka daw kasi kaya ganon, ayieeee! Di na maliligo yan.”
“Ehh? Ang weird naman nila. Ang bata-bata pa nila noh. Atska ayoko sa kanila ang papangit nila eh.”
“Psst’ ano ka ba mamaya may makarinig sa’yo bad yan ah.”
“Errrr’ nakakainis kasi talaga ate. Ang dami nilang alam bata-bata pa nila.”
“Ayy? Anong tingin mo sya sarili mo thunders na?”
“Hindi. Ayoko lang sa kanila, di ko tipo ang mga babaeng naghahabol sa lalaki.”
“Eh sino bang type mo?”
“W-wa-wala ate.”
“Weh? Di nga? Ba’t nagblublush ka?”
“Ay sige na nga meron na kunwari.”
“Sure ka kunwari lang talaga?”
“Ehhhhhhh! Ang kulit mo naman ate oo na meron na ay di ako sure, yata? Ay ang labo basta!”
“ Ay positive nga meron. Sino naman?”
“Second year high school ate. Section Fortitude.”
“Oh? You mean Section 2? Section 1 ang Charity so katabi lang ng room namin?”
“Obviously.”
“Teka paano mo naman nakilala yun or nakita yun? At paano mo naman nalaman ang section nya? stalker ka nuh?”
“Woi hindi noh ang stalker ay para sa mga pervert lang yun. Ang tawag dapat sa akin ay Admirer.” Binatukan ko sya ang daming alam eh.
“Aray naman ate.”
“Ang dami mo kasing alam, oh dali na sagutin mo na yung tanong ko.”
“Hmn, naging subtitute teacher namin sya kanina sa english. Ang galing nya ngang magturo kahit second year palang sya ate tapos ang ganda ganda ganda nya.”
“You mean mas maganda pa sa akin? Amp.”
“Oo ate e pasensya na nagsasabi lang ako ng katotohanan.”
“Ewan ko sayo Shin ano bang pangalan nyan?”
“Hmn, wait iisipin ko muna nakalimutan ko eh.”
“Ay? Crush mo pero nakalimutan mo pangalan.”
“Ahh, Aqi… Aqi Medrano ang name nya ate.”
“Hay naku Shin ah, ang bata-bata mo pa wag muna yan ang atupagin mo. Crush-crush ka pang nalalaman kumain ka na nga dyan.”
“OvO???”
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???