Kasalukuyan akong nasa barracks ngayon, may GiG e.. di naman sa kailangang kailangan ko ng pera kaya double kayod..Hindi lang talaga kaya ng loob kong igive up ang kung saan ako nagmula..
Parte na ng buhay namin ito e..dito nabuo ang maraming bagay..
At dahil syempre kumpleto na kaming muli..oh edi party party na..
"Hoy Ursula, bakit mukhang byernes santo yang mukha mo? takte ka kapag tayo minalas ngayong gabi ahh." Linagok ko ng straight ang iniinom kong alak..
"Wow bottom's up!! spill it!! ano reresbakan na ba namin si Alden dahil sa hindi ka nakascore sa kanya kagabi?" ang kulit pa din talaga ni Aqi..Lol akala mo lang!! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
"Hoy nasaan na mga anak ko?"
"Sisa ikaw ba yan?"
"Tae mo Aqi nasaan na nga?!"
"Chillax..nasa nursery room." ohh good..bale mula ng dumating ang kambal sa bees ay nagpasadya sila ng sound proof na room exclusively for babies..Para daw wala akong lusot..
Masaya kasi mahal na mahal ng lahat ang kambal..nakita nyo naman kay Aqi palang..Lol kung di nyo nga lang alam na sa akin sila galing ay malilito kayo kung sino talaga ang nanay at tatay nila e..
Imagine Mommy ang tawag nila sa akin, Daddy kay Alden, Mamsie kay Aqi, Umma ang tawag nila kila jhamie, Nam, Aigee at mommylet kay Harley at Daddy'yow naman kay Hiro and last but not the least Tito-Dada ang kay kuya Axl..
Ewan ko ba sa mga yun..bakit kaya di nalang din sila mag-anak..nililito nila yung mga anak ko e..One thing more..Parang manika na nga lang din yung mga bata e..kasi pinag-aagawan sila..kaya madalas wala sa bahay yung kambal..Gumawa ba naman sila nh schedule kung kanino magsstay yung dalawa every weekend..
Which is wala kaming magagawa ni Alden..ayaw naman naming ipagdamot sila noh..Ako lang ang nagluwal pero anak sila ng buong bees..
Tss namana na nga ni Rhee ang porma ng mga uncles nya e at tinuturuan na sya ngayon palang ng ibat't ibang musical instrument, tss hinahanda na daw nila ang kambal dahil sila ang next na mamamahala sa barracks pagdating ng panahon kasama ng mga future babies ng bees..Si Bree naman ayun may pagkarock star din..pero si Nam naman ginagawang geek ang dalawa..puro books ang trip ibigay..
"Hoy bipolar ka talaga..kanina byernes santo mukha mo ngayon naman ngingiti-ngiti ka..Schizophrenic!!"
"Schizophrenic agad? Ang kulit mo!!"
"E ano nga ba kasi?"
"Naiinis kasi ako sa boss ko.."
"Oh ang iyong Mortal Enemy..Go on.."
"Prinomote ako as his new consultant.."
"Naks lumilevel up..oh mabait naman pala si Nick ehh..sabi ko naman sayo may gusto sayo yun e.."
"Tss, Mabait?! sinira nya ang plano!!"
"Anong plano?"
"Kanina kasi kanina paghatid sa akin ni Alden, sinabi nya na 4days from now ay pupunta kami ng Hongkong dahil nagpromise kami sa mga bata na pupunta dun as birthday gift?"
"And anong kinalaman nyan kay Nick?"
"Alden also Proposed to me again for the Nth time..dahil after HK plano nyang dumiretso kami ng Paris para dun magpakasal.."
"Seriously?! ng hindi kasama ang Bees?"
"Lol adik di ba nga ang planong kasalan talaga is dito sa Pinas? pero laging di natutuloy so naiisip nya na bakit di nalang idiretso dun para wala ng kawala then saka ulit magpakasal dito.."
"Ahh ok gets ko na..Again, anong kinalaman ni Nick dito?"
"Si Nick lang naman ang sisira sa planong yun!! prinomote ako ng board members dahil sa special project ni Nick na kapag hindi nya nagawa ay talsik na sya sa position nya.."
"Go on.." humingi ako ulit ng alak kay Grell at nilagok uli iyon ng isang lagukan..
"Sabi ko magfifile ako ng leave pero di nya ako pinayagan kasi daw kailangan nya ako dahil kasama daw ako sa project na yun sa NY for 10 days..and After 4 days na din ang alis..B*llsh*t right? and he's begging for this..He also kneeled in front of me at magmakaawa sa akin.."
"Nice work vs. family..so anong sinagot mo?"
"Wala pa, nagwalkout ako.." Tinapik ako sa balikat ni Aqi..
"Alam mo piliin mo sa palagay mo kung ano ang tama.."
"Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko.."
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???