Chapter 28 (Meet the Bees and Bangs)

134 2 0
                                    

Soul's Dress--------------------------> 

Chapter 28

Soul’s POV

“Soul, halika sama ka sa akin.” Arrrrrrgh’ sino ba yun? Ang sarap sarap ng tulog ko nanggigising amp’

“Hoy, Soul. dali na magdadate tayo.” Ahh? Eehhh? Date tsk, nagdadate na kami ng bed ko. Tuloy pa rin ang pang uuyog ng kung sino mang ponsyo pilato yun.

“Waaaaaaaaah’ ano bang problema mo Hiro? Sabi ko naman sayo wag mo ako uuyugin pag mangigising eh.”

“Date tayo, sama ka opening na ng Bar namin na ‘the barracks’ dali na tama na ang pagkukulong mo dito sa madilim mong kwarto. It’s time for you to move on.”

            Move on? Ganun nalang ba kadali ang pag momove on ngayon?

“And so??”

“Sama ka na sa akin. Dali na di kita titigilan hangga’t di ka sumasama sa akin.”

“Si Shin nalang ang yayain mo, wala ako sa mood lumabas.”

“Wala si Shin nasa bahay ng daddy mo. Emo din yun. Nakipagbreak na daw si girlfriend nya sa kanya.”

“Huh? Kailan pa? bakit di nya sinabi sa akin yun?”

“Eh nung pagbalik daw natin dito. Di nya sinabi sayo kasi ayaw nyang dumagdag pa sa mga problema mo.”

            Ganun na ba ako katagal nalugmok sa pagluluksa? Pati kapatid ko di ko na madamayan? Naging selfish nanaman ba ako? Tama si Hiro. Hindi pwedeng ganito nalang ako. Kailangan kong magpatuloy sa buhay.

“Oo na sasama na ako. Labas ka na magpreprepare na ako.”

“Yosh!.”

(The Barracks)

            7:30pm na kami nakarating sa ‘The Barracks’ daw sabi nya sa akin. Ang daming tao, malamang kasi ayon kay Hiro opening daw nila, so meaning isa sya sa mga may-ari nito? E’di sya na. ang weird kasi kelan pa nahilig sa music bar  ang kumag na ito? Ang alam lang kasi namin ay sa cosplay lang sya mahilig.

            Ano ba namang lugar ito? Tsk’ mga trip din nito ni Hiro e nuh? Idadamay pa ako. Di naman ako nagpupupunta sa mga ganitong lugar. Arrrrrgh sana man lang di ba binabalaan nya ako kung saan nya ako dadalhin para nakapaghanda ako. Di naman kasi bagay dito ang suot ko.

            Ang ingay-ingay, tapos ang daming mga nag-iinuman. Bad influence tong pinsan na ito. Ang sabi sa akin date. Ang ineexpect ko something romantic naman.( Soul asa ka pa kasi alam mong pinsan mo yan eh.)

“Halika Soul, dun tayo sa exclusive spot namin ng mga kabandmate ko.”

“Kabandmate? Maybanda ka? Kailan pa?”

“Mula pa nung pumunta ako dito sa Pinas. Ayan kasi ngayon ka lang lumabas sa lungga mo kaya ang dami mong di alam.”

            Ganun na ba talaga ako katagal nawala sa mundo? Naku malala na ito. Binatukan ko sya.

“Aray Soul ah mas matanda ako sayo di mo na ao nirerespeto nyan eh.” Sabay pout nya. ang bading talaga nitong pinsan ko eh nuh? Ok lang pogi naman yaan na natin.

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon