Hiro------------------------------>
Chapter 32
Aero’s POV
Natatawa talaga ako sa itsura nya kanina. Bakit kaya ganun yung reaction nya? para syang takot eh nung nakaraan sya pa nga itong may gustong halikan ko sya di ba?
Tss, makapagluto na nga lang. well, kung di nyo na naitatanong guys magaling akong magluto. Syempre dagdag pogi points din kapag magaling magluto.
“Oh Aero nandito ka pala akala ko nilamon ka na ng kusina eh. Teka bakit ikaw ang nagluluto?” napalingon ako dun sa pinanggalingan ng boses na yun.
Ay si Aqi pala. Si Aqi my love. Wait crush lang naman hahaha’ mamaya isipin nyo namamangka ako sa dalawang ilog.
“Ay nagvolunteer na ako, para naman may gagawin ako.”
“Gusto mo tulungan na kita?” wow, sure para makasama kita ng matagal.
Akala ko snabera sya, di naman pala. Mabait naman pala sya. Atsaka guys mas lalong maganda si Aqi kapag nakangiti.
“Sure ka okay lang?”
“Oo naman, ay naku kapag may mga ganitong tambayan ako ang tagaluto nila. Lamon lang kasi ang alam ng mga yan eh.”
“Wow, nice.”
“Ano ba yang niluluto mo?”
“Ahh sinigang.”
“Ay sige mangingialam na ako ah? Oo nga pala maiba ako bakit di ka na nagpunta sa the barracks?”
Naku ito na nga ba ang kinatatakutan kong tanong eh. Wait sasagutin ko ba? E alangan naman sabihin ko dahil iniiwasan ko si Soul?
Pero kanina naman nung nakita ko sya parang gusto ko syang Makita araw araw? Ay ang labo ko talaga.
“Ahh lagi kasi akong pagod sa race.”
“Race? Nagkakarera ka din? Ano namang kinakarera mo?”
“Ahmn motor bike pero minsan racer din ako ng kotse. Habit na eh.”
“Wow ah ang galing.” Naghihiwa na sya ng mga ibang isasahog nun. Ang ganda nya talaga. di ko mapigilang titigan sya.
“Oh baka matunaw ako nyan sa kakatingin mo ano may itatanong ka ba?” paano nya naman nalaman yun? mind reader ba sya?
“Hmn may itatanong ako sayo pero secreto lang ah?”
“Sure, ano yun?”
“Hmn, nagkaboyfriend ka na ba?” napatingin sya bigla sa akin.
“Ano ba namang klaseng tanong yan? Syempre naman noh hello. Anong tingin mo sa akin pusong bato?” hahaha’ natawa naman kamig pareho dun tama nga naman kasi sya.
“Ay sorry, akala ko kasi wala pang nagkakamali. E si Soul nagkaroon na ba sya ng boyfriend?” Napatingin nanaman sya sa akin and this time di lang basta tingin, Kundi tingin ng naghihinala.
“Bakit mo tinatanong? Don’t tell me type mo si Soul?” hala type daw hindi kaya! Never! Yun? sus!
Wait bakit ba napakadefensive naman ata ng utak ko.
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???