Chapter 38
Soul’s POV
Nakakastress, bakit kailangan nya pang halikan yung babae na yun sa harap ko? Psh’ kunsabagay di nya naman ako girlfriend. Aaminin kong may tama na ako ng alak pero nung nakita kong maghalikan sila sa harap ko ay parang nawala yung kalasingan ko.
Teka bakit parang tinusok ng palakol ang dibdib ko? Aish’ pero syempre di naman ako pwedeng magpakita ng kahit anong emotion lalo pa at di ko naman sya… ay ano na nga bay un?
Pero kasi di ba nung isang gabi lang tinanong nya ako kung pwede nya ba akong maging girlfriend? Sabi ni Harley bestfriend sya ng kuya nyang si Kurt na nag-aaral ngayon sa America na syang First love ni Aqi. Ok di uso sa America ang ligawan. Eh kaya lang Pilipina ako mas gusto ko ang nililigawan.(**POOF** old school???? Di nga????)
Ang chickboy nya. kunsabagay wala naman ng matinong lalaki ngayon meron si Lexus yun nga lang wala na haaaaaaaaist namimiss ko na si Lexus.
After naming tumugtog ay bumalik kami sa spot namin and ayun wala si Alden, kinuha ko ang cellphone ko tapos may nagtext 2. Una kong binuksan ang text galing kay Alden.
From: Alden
- Soul, sorry tumawag na kasi si paps pinapauwi na nya ako. Di na ako nakapagpaalam sayo. See you tom nalang:) thank you for today.
Reply to: Alden
- Okay thank you din. Sige take care:)
From: Sushi boy
- Hello Kimchi girl, kamusta ka na? I missed u so much. Ang daya mo di na kita nakakabonding. Uwi ka na after ng GIG mo ah?
Reply to: Sushi boy
- I miss u 2. Sige pauwi na ako.
“Woi guys I have to go. Hinahanap na ako ni Sushi boy.” Napatingin naman sila sa akin.
“Maaga pa ah? Alas-dyes palang oh.” Sabi ni Harley.
“Oo nga naman Soul, mamaya na.”
“Sorry guys kailangan ko na talagang umuwi. Hiro akin na yung susi ng kotse.”
“Sigurado ka kaya mong magdrive? Lasing ka na kaya.”
“Hoy hiro umuwi ka na din.”sabi ni nam
“Ayoko pa.”sagot ni Hiro. Tss pinagpapalit mo na ako sa alak. Amp!
“Akin na yung susi.” Iaabot na sana ni Hiro sa akin yung susi ng biglang kunin iyon ni Aero
Bwisit talagang Aero yan walang magawa sa buhay.
“Ako na maghahatid sa kanya, Harley si Hiro nalang muna ang pagamitin mo sa motor na gamit ko pag-uwi.” Sabi nya ng seryoso ang itsura. Ano ba talagang problema nito?
“Ehh, di ka na ba babalik dito?”
“Di na didiretso na ako sa bahay.”
“Daanan mo nalang bukas ng umaga ayokong ipagamit yank ay Hiro mamaya ibangga nya pa yan eh.”
“Sweetie naman wala ka bang tiwala sa akin.” Sabi ni Hiro sabay puppy eyes.
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???