Chapter 51 (TRIPER! haha')

111 2 2
                                    

Chapter 51

            Sa pagstay namin ditto ni Alden sa resort nila ay sobrang saya. Para akong bumalik sa pagkabata. Tapos idagdag mo pang ang daming activities na pwedeng gawin, saying nga lang kasi di ako pwedeng mastress syempre buntis ako. (--.”)

“Oh bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo?”

            Umiling lang ako habang nakatanaw pa rin sa dagat. Ang ganda kaya ng view ngayon lang ako nakapanuod ng paglubog ng araw.

“Weirdo mo talaga, tara na sa loob malamig na masyado baka magkasakit ka.”

“Dito muna tayo, last day na natin ito kaya sulitin na natin.”

“HAHAHAHA!”

Napalinong ako sa kanya at tinignan sya ng taas kilay.

“Anong nakakatawa sa sinabi ko?”

“E pano kasi nung una tututol-tutol ka pang magstay dito ng mga ilang days tapos ngayon parang ayaw mo pang umuwi.”

“Kasi naman malay ko bang ganito kaganda dito? Woi, balik tayo dito kapag din a ako buntis ah? Ang daya mo kasi eh ayaw mo akong payagang magscuba diving, magsurfing, tapos… aish nakakainis!” at binalik ko ang tingin sa dagat.

“Wag mo ngang ikunot yang noo mo, gusto mo every weekend dito tayo magstay?”

“Baliw hindi pwede yun noh alam mo naming may GIG kami e.. At speaking of GIG naku patay ako kila Harley, panigurado sesermonan nanaman ako ng mga yun ikaw kasi eh!”

“Bakit ako? Ikaw kaya itong paextend ng paextend.”

“Hissssssst! Basta ah babalik tayo ulit dito?”

“Ay ang labo mo talagang kausap kahit kalian. Oo na, anytime basta ikaw.”

Napatingin ulit ako kay Alden..

Lagi nalang syang nagsasakripisyo para sa akin..

Feeling ko ang selfish ko..

Paano nalang kaya kung walang isang Alden?

“Hoy, wag mo nga akong titigan ng ganyan, alam kong pogi ako pero di mo ako kailangang titigan. Mamaya matunaw ako eh.”

Binatukan ko sya..

Ang kapal ng tinga eh..

Biro lang..

“Aray naman Soul, ang sakit nun ah..” sabi nya sabay himas part ng binatukan ko.

“Exage ka naman, mahina lang naman yun eh.”

“Aaray ba ako kung di ako nasaktan?”

“Baliw, akin na nga..hihipan ko..”

“Wow, at kelan ka pa nagkaroon ng healing power?”

“Ngayon lang, ayaw mo? Sige wag na..”

“Joke lang oh ito na hipan mo na.”

At ganun nga ang ginawa ko..

“Hahahahahahaha!”

Ano nanaman kayang nakakatawa dun?

“Ano nanamang tinatawa-tawa mo dyan?”

“Wala lang para kakasing manggagamot yung doctor quack-quack”

Tinigilan ko na nakakainis naman kasi eh..

Tumayo na ako at akmang maglalakad na papunta sa loob ng rest house..

Hinigit nya ang kamay ko..

Tinignan ko sya ng masama syempre..

Banas kaya yun..

At pagtingin ko sa mukha nya, bumalik nanaman sa pagkaseryoso..

Awwwwwwww..

“Sorry na.”

Sabay yuko nya..

Ang aneng naman nito..

Aha!

Mapagtripan nga bwhahahahaha!

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon