"Ohh ano bang meron at kailangan talagang dito sa school nagmemeeting..?"
Nagsilingunan kaming lahat sa taong dumating malamang..
Ang laging late sa meeting..
Anyway, bago ang lahat ipaaalam ko muna sa inyong ang meeting na ito ay exclusively sa bees members lang meaning wala si Alden..
Di ko alam kung saan sya tumambay ngayon..
"Hay naku di na nagbago..hindi na talaga nahiya sa amin.." sabay irap ni Harley kay Hiro na kadarating lang..
"Ano ba yan ang sungit.." At umirap din si Hiro..
Inferness mas wagi ang irap ni Hiro kaysa kay Harley ah?..
Hmn minsan talaga naiisip kong bading si Hiro..
"Ano ba yung sasabihin mo Aqi? sandali lang ako dahil may class pa ako.." tanong ni Nam..
Ito talagang si Nam kahit kailan napakaNerd..
Bumuntong hininga ng malalim si Aqi..
Hmn ano kayang meron?
Parang hinugot nya pa yun sa pinakakailailaliman ng kanyang something eh..
Whuuuuut!!
"Okay guys aalis na ako ng bansa bukas ng umaga..pupunta na ako ng State hindi ko alam kung kailan ako babalik or kung babalik pa nga ba ako.. at ang gusto ko ay si Axl ang ipalit nyo sa akin para maging Lead Guitarist.."
Halos lahat kami ay nalaglag ang panga sa sinabi nya..
Di kami agad nakareact sa sinabi nya..
"Bakit ka pupunta dun?" Tanong ni Hiro..
"Wala lang trip ko lang magpakalayo-layo.."
Ang weird ng sagot nya..
Nararamdaman kong umiinit na ang gilid ng mga mata ko..
Feeling ko may tutulo anytime..
Tumayo ako at saka naglakad palabas..
"Soul!!" narinig kong tawag sa akin ni Aqi..
Di ko sya nilingon..
Ewan ko ba..
Siguro ako yung unang taong maaapektuhan kapag alis nya..
Malamang kasi bestfriend ko sya?
Teka bestfriend nga ba?
Di ba kapag best friend walang iwanan?
Pero bakit sya aalis?
May ginawa ba kaming masama para umalis sya ng bansa para lang sa trip nyang magpakalayo-layo?
Ang labo nya nakakainis..
Ngayon pang malapit na akong maglakad..
Naramdaman kong sumunod sa akin ang bees..
Di ko nga lang alam kung sumunod sila sa akin para alalayan ako or dahil nafefeel din nila ang nararamdaman ko ngayon kaya nagwalk out din sila?
Ano sa palagay nyo?
Inakbayan ako ni Hiro..
"Hiro iwan nyo muna ako.."
"Intindihin nalang natin si Aqi.. Kilala mo naman yung tao na yun eh di basta-basta nagdedesisyon kung walang napakahalagang dahilan.."
Tss, oo nga yun na nga yun eh..
Masyado nyang sinasarili tapos sasabihin nya ganun?
Heck sya! di pa sya nauna..
"Wag mong istress ang sarili mo Soul alalahanin mo buntis ka.."
"Paano si kuya Axl?" tanong ko sa kanila..
Panigurado masasaktan yun..
Di ko nga alam eh..
HAaaaaaaaist.. Nakakainis lang talaga..
Dinaial ko ang number ni Alden..
Tama sya ang dapat kong lapitan ngayon..
Wala lang trip lang din..
Namiss ko eh bakit ba kayo?
***Hello? nasaan ka?***
***Nandito ako sa kotse mo tara skip tayo sa next subject natin***
At kapag ganun na alam na nya yun..
Gusto kong tumambay sa bahay ng bahay nila I mean dun sa main na bahay nila kung saan may sariling Game station kagaya ng sa WOF hahaha..
Mga after 5 mins. nakita ko na ang anino ni Alden sa harap ko na halos kapusin ng hininga sa hingal..
Sino ba naman kasi ang tanga't kalahati na tumakbo daw ba papunta sa akin?
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Non-Fiction..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???