Chapter 6 (B-bo-boyfriend nya whaaaaat?!?!?)

163 3 1
                                    

Soul--------------------------------------->

Chapter 6

            Narating na namin yung elementary library tama nga si Mr.Emotional guy sarado na yun tapos medyo madilim na sa may hallway. Si Shin ay nakita kong nasa labas na ng library. Nakaupo lang sya dun at nagbabasa ng ewan kung anong book yun, ang tapang di ba?  Kung ako yun takot na ako, takot kaya akong maiwang mag-isa.(Sows, duwag ka lang talaga *poof*)

            Bumagal naman na ang paglalakad namin ni Lexus at ewan ko ba bakit hanggang ngayon ay hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko. Teka naka mighty bond na ba kamay nya sa kamay ko?

            Atlast naramdaman na din ni Shin ang paglapit namin. Bakas sa mukha ni Shin ang pagtataka kasi nakakunot yung noo nya tapos nakatingin pa sa kamay naming magkahawak. Nakakailang tuloy.

            Agad kong binawi ang kamay ko pero di ko maagaw kasi humigpit lalo ang hawak nya sa akin. Amp’ tinignan ko sya ng masama as in yung literal na masamang tingin kulang nalang magyelo sya pero di effective nakakaasar.

            Binalik ko nalang ang tingin ko sa kapatid ko na talagang nakatingin pa rin sa amin ng nagtataka.

“Hello, I’m Lexus Guevarra.” Sabay lahad nya ng kamay kay Shin. Tinignan lang ito ng kapatid ko then lumapit sa akin tapos kiniss ako sa cheeks. Bleeeeeeeeh:p buti nga sa kanya. Feeling close kasi.

            Napangiti nalang si Lexus aba akalain mo yun marunong din pala syang ngumiti.

“Ate, ano mo sya?” nakayakap na tanong sa akin ni Shin at nakahalata siguro yung isa kaya binitawan na nya yung kamay ko. Hahahaha’

“Kak-------------.” Di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi biglang sumabat ang kumag at alam mo ba kung ano ang sinabi nya??(ay malamang hindi pa bobo?*poof*') tae umaatake nanaman si Chichay!

“Boyfriend nya…” sabay ngiting wagas. At kasabay din nun ang pagtingin namin ni Shin sa kanya.

            Anong pinagsasabi nitong kumag na to? Teka nabingi ata akong bigla. Ahh ehh anong sabi nya?? Boyfriend? At kelan pa sya naging ambisyoso? Isang Soul Fontanilla girlfriend nya? Ayos lang ba sya??

“Anong pinagsa----.”

“Tara na gumagabi na masyado. Ihahatid ko na kayong dalawa.”

            Hindi pa rin kami makaget over sa pasabog ng walanghiyang kumag na to. Nakatingin pa rin kami sa kanya ni Shin.

            Biglang napayuko si Shin at kinuha ang bag nya sa sahig. Naku patay ako sa kanya mamaya panigurado. Naglakad na si Shin nakahawak sa strap ng bag then nakayuko. Sumunod naman na ako nun sa kanya tapos biglang hinawakan nanaman ni Lexus ang precious hand ko. Di pa nakuntento.

“Hmn ok lang yan naninbago lang siguro kapatid mo.”

“Anong ok ka dyan di mo kilala ang kapatid ko.”

            Halos bulong lang ang pag-uusap namin ni Lexus. Medyo malayo-layo na din ang distance namin kay Shin nun kaya siguradong di nya naririnig.

“Hmn ako ang bahala sa kanya.”

“Sino ka ba kasi para sabihin yun?”

“Boyfriend mo.”

“Aaaaaaaaaarrrrrgh.” Medyo napalakas ang sabi ko nyan na syang ikinahinto ni Shin at lumingon sa amin.

“Saan ba ang bahay nyo?” nakangiting tanong ni Lexus.

“15 mins. Lang ang lalakarin from here.” Sagot ni Shin wow buti naman at nagsalita na ang kapatid ko.

            Sumabay na sa paglalakad sa amin si Shin habang si Lexus naman ay hawak pa rin ang kamay ko. HHWW. Bale ako yung nasa gitna nilang dalawa.

“Ahh malapit lang naman pala ehh.” Balik sagot ni Lexus. Napatahimik naman na ako. Di nalang ako nagsalita kasi parang ang awkward masyado.

“Kuya Lexus marunong ka bang maglaro ng DOTA?” napatingin kami ni Lexus kay Shin na nakayuko pa rin at nakatingin sa dinadaanan nya.

“Oo, pero di ko na masyadong nilalaro yun ngayon mas may thrill ang Bandmaster.”

“Wow, bagong game ba yun?”

“Hindi ko alam kung bago lang yun.” Inferness ahh nakakaOP din pala ang usapang lalaki eh nuh?

“Paano ba laruin yun? Pwede mo ba akong turuan?”

“Hay naku, wag na mamaya maadik pa ang kapatid ko lalo.” Sa wakas nagsalita din ako. Alangan naman hayaan ko yun noh. Di pwede yun bad influence din to e nuh?

“Awww, ayaw ng ate mo Shin.”

“Paano mo nalaman ang Name nya.” Tanong ko sa kanya kasi di ko pa naman pinapakilala si mr. Emotionless sa kapatid ko e.

“Sa name plate nya.” Ay sorry naman ang tanga ko hahaha’

            Medyo madilim na. tanging mga ilaw nalang sa poste ang nagsisilbing liwanag. Ramdam ko na din ang pagpapawis ng mga palad namin ni lexus. Bwisit na yan kanina nya pa hawak ang kamay ko.(ay sows kunwari ka pa dyan gustong gusto mo naman.*chiiiiiiiing*) wow nag-iimprove chiiiiiing na ngayon di na poooof.

“Ate sige na payagan mo na ako maglaro nun, promise hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko.” Sabay punta nya sa harap ko at puppy eyes.

“Aish, Promise?” waaaaaaaaah di ko matanggihan ang brother ko.

“Promise!” sabay kiss nya sa ilong ko. Hayup na yan alam talaga nya kung paano ako mapapayagan.

“Oo na, pero kapag napabayaan ng kapatid ko ang pag-aaral nya patay ka sa akin.” Sabay tingin ko ng masama kay Lexus. Nagpeace sign naman with matching killer smile naman sya. Ay nakow sya na!

            After 15mins ng paglalakad ay narating na namin ang bahay namin.Nauna na si Shin sa loob ng bahay habang ako naman ay hawak pa rin ni Lexus ang kamay.(Yung totoo kelan nya bibitawan ang kamay mo?*chiiiiiing*) aba e malay ko.

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon