Chapter 4 (Sleepy Monster..)

228 4 0
                                    

Shin------------------------->

Chapter 4

            Dumating naman na ag time ng next subject namin na math, wala namang kakaibang naganap maliban sa naglecture ang teacher naming si Ms. Salacup about sa algebraic expressions. Medyo ok naman kasi di naman ako gaanong nahirapan since nakapag-advance study na ako kanina.

            Nakapagpasignature din ako sa seatwork namin kanina. Kasama kasi sa project by grading ang mga pirmang iyon kaya kailangan madami para mataas din ang grade.       

            Si Lexus naman ang unang-unang nakapagpapirma. Siya na magaling takteng yun! (Inggiterang pusa.).

            After ng pirmahan ng seatwork ay dinimissed  na kami ni Ms. Salacup. Dali-dali namang nagsilabasan ang mga kaklase ko masyadong excited lumabas paano P.E. ang next class namin at sa gym iyon gaganapin.

            Inayos ko pa ang mga gamit ko kaya nahuli ako. Nung naisuot ko na yung bag ko ay napalingon ako sa likod kung saan nakaupo si Lexus.

            Tulog na tulog sya, grabe naman wala man lang bang nakaalalang gumising sa kanya? Medyo nag-aalangan naman akong gisingin(Ang arte mo talaga!) tumahimik ka nga dyan Chichay syempre malay mo bigla akong karatehin nyan dumami pa ang kanto ng mukha ko. (Ay bakit ano ba sa palagay mo sa mukha mo ngayon walang mga kanto??) tse!

            Ay kaya lang baka pag hindi ko naman ginsing baka malate sya sa P.E. class. Konsyensya ko pa. (Bakit meron ka ba nun?) epal!

            Dahan-dahan ko syang nilapitan at tinapik sa balikat yung sapat lang para magising. Baka kasi may lahing kabayo ito sipain pa ako.

“Lexus Ahh-ehh pasyensya ka na sa abala pero kasi tapos na ang math class natin. Baka malate ka sa P.E. class natin.”

            Inangat nya ang ulo nya at tumingin sa mga mata ko. Uminit ata bigla yung mga pisngi ko.( ang sa bihin mo malandi ka lang talaga!) Chichay siguro insecure ka sa akin noh? Yung totoo? (Ako pa ba ang insecure sa ganda kong ito?) ay magbuhat daw ba ng sariling bangko?(Loser ka lang.)

            Wow! Bumilis ata ang pagtibok ng puso ko at parang doble na sa normal ang tibok nito. Naku nararamdaman ko ang pag-enlarged ng heart ko. Tae!(exagerated!)

            Bigla syang tumayo  at isinukbit ang bag nya sa shoulders nya tapos tumayo na sya at naglakad palabas ng room tapos hands inside pockets nanaman.

            Langya di man lang marunong magthank you yun? Buti nga giising ko pa sya e’. Grrrrrrr’ nakakainis naman yun.

            Lumabas nalang din ako at naglakad palabas ng room. Wala masyadong tao sa corridor kasi may mga klase pa. Lumiko ako papunta ng hagdanan.

“Whaaaaaaaaaaah! Araaaaaaaaaay!” napahawak ako sa may bandang pwet ko ang sakit grabe paano nadulas lang naman ako (Tatangatanga ka kasi bwhahaha’) amp’ walang hiya ka talaga chichay!

“Ayan di ka kasi nag-iingat.” Ako pa ba ang di nagiingat? Siya kaya ttong may kasalanan kung bakit ako nadulas. Ginulat nya kaya ako lintek!

            Nilahad nya an kamay nya para tulungan akong makatayo pero inirapan ko sya. “Kaya kong tumayo mag-isa.” Tumayo na ako.

            Hinawakan nya ako sa kamay at kinuha an hawak kong books.

“Tara na, ang bagal mong maglakad. Baka malate tayo nyan eh.”

“Yung kamay ko.”

            Bingi ba ‘to? So kailangan hawak nya kamay ko?marunong naman akong maglakad mag-isa. Nakakailang kaya.

            Patuloy pa rin kami sa paglalakad  habang hawak nya ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya wala akong mabasang emotion sa mukha nya langya yung totoo may diperensya sya sa mukha nuh?

            Medyo malapit na kami sa gym. Bigla syang huminto muntik tuloy akong mapasubsob. Imaginin nyo ba naman sobrang bilis ng lakad namin. Kahit na iniinda ko sakit ng pwet ko huhuhu’(Maarte ka lang talaga*pooooof*)

            Binitawan nya ang precious hand ko at banalik yung books ko at padabog pa yun ah. Brutal! Tapos tinakbuhan ba naman nya ako.

            Yung totoo anong mali sa taong yun? Ang labo nya talaga. Wala na akong nagawa kundi maglakad nalang din papasok ng gym.

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon