Chapter 48
After kong maligo ay ito kami ngayon ni Alden at tinatahak ang papunta sa aming tahanan. Tahimik lang syang nagdridrive habang ako naman ay nakatanaw lang sa kawalan.
At ilang mga minute lang naman at narrating na naming ang bahay naming. Malapit lang naman kasi ang bahay nya sa bahay naming kaya di masyadong hassle.
Nadatnan ko si Shin na inaayos ang pinakamamahal nyang motor. Sus pinagbawalan ko na yan dati magdrive ng motor kasi nga bata pa sya. Okay OA ako, binata sya pero para sa akin baby pa rin sya. Haha’
“Shin.”
Lumingon sya sa akin at sa kasama ko.
Ano bang meron ditto at ang sama nanaman ng tingin nya kay Alden?
PMS?
Lagi nalang kada si Alden ang kasama ko nagsasalubong ang kilay nya.
Tss ang bading nya talaga.
Lumapit nalang ako kay Shin at kiniss sya sa cheeks.
“Bakit di ka umuwi kagabi ate? At bakit kasama mo yan?”
Pinoint ko yung kilay nya ng hintuturo ko para iayos ang kilay nyang nakasalubong.
“Wag ka ngang kumunot sushi boy ang pangit mo kapag nakasalubong ang kilay mo eh, nagiging kamukha mo si kuya Lexus mo.”
“Psh’ sagutin mo nalang ang tanong ko ate.”
“Haaaaaaaist’ oo na po… si Alden po kaya kasama ko sya kasi boyfriend ko sya.”
“Pero---.”
“Hmn, opo boyfriend ko po sya, tapos dun ako natulog sa kanila kagabi.”
“Y-you mean si…Ahh ehh..Aish!.” Di na sya nagsalita. Padabog syang pumasok sa loob ng bahay.
Anong meron sa lalaki nay un?
Bakit ganun yun?
Nilingon ko si Alden…
“Okay lang yun. Ganyan talaga pag sa una.”
“Bakit ba ang init ng dugo nun sayo?”
“Aba eh malay ko ba?”
“Haaist’ umuwi ka nalang muna Alden, kakausapin ko muna ang kapatid ko. Text-text nalang ah?”
“Okay sige, oh take care huh?”
“Opo itay.”
Tapos kiniss ko na sya sa cheek nya at hinatid ko na din sya sa kotse nya.
Pagkahatid k okay Alden ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ni Shin. Naririnig kong nagmumusic nanaman sya ng mga hard core metal na music. At super lakas ah, hmn well alam na..
“Shin?”
“Di nya ata ako naririnig.”
Trinay kong buksan ang pinto nya pero nakalock ito.
Hmn, pumasok nalang muna ako sa kwarto ko. Hihintayin ko nalang na patayin nya yung music. Mukhang ayaw din naman ng kausap nun ngayon eh.
Pero nakakapagtaka talaga bakit ganun, mula ng mamatay ang kuya Lexus sya nagging super protective nya sa akin.
Haaaaaaist ang hirap naman tuloy paano nalang kapag sinabi kong dun na ako titira sa bahay ni Alden? E’di lalong nag-alboroto yun?
Makaligo nalang nga muna ng makapag-isip ako ng plan kung paano lalambingin si kapatid.
Aero’s POV
Kamusta na kaya si Soul? Haaaaist ang hirap naman ng ganito.. nagkamalay na si Mommy at kasalukuyan syang nag-uundergo sa iba’t ibang uri ng therapy para sa pag-improve ng katawan nya.
Aware na din syang patay na si Daddy, pero mukhang nadepress talaga sya sa pagkawala ni daddy. Haaaaaist’ may mga changes sa ugali ni Mom kung dati sobrang bait nya ngayon naman sobrang kabaliktaran nun. Tapos ang gusto nya lahat ng gusto nya ay nasusunod.
“Aero, ano naayos mo na ba ang mga documents na pinapaayos ko?”
“Prinoprocess pa mom.”
“Naku kailangan maayos yan sa lalong medaling panahon.”
Haaaaaaist kung nagtataka kayo kung para saan yun ay yun pinapabago nya lahat ang mga papeles ko, gusto nyang ibalik ang dati kong apelyido at pakasalan si Aera.
Kaya ito ako ngayon walang magawa. Gustuhin ko mang tumutol maging si Aera eh wala kaming magawa. Di rin sang-ayon si Aera sa gusting iyon ni Mommy pero baka kasi kapag di kami sumang-ayon lalo lang lumala ang kalagayan nya.
Nakakabanas di ba? Ako na din ang nag-aasikaso ng hospital na pagmamay-ari ng mga Montero. Kung pwede lang tumakas. Pero kung iisipin ko naman na kung di dahil sa kanila di ako makakapagbagong buhay. Kaya deserving naman siguro silang isakripisyo ko ang buhay ko.
Si Aera naman ay laging wala sa bahay. Mula nung sinabi ni Mom yun parang lagi nalang syang wala kasama ng mga barkada nya. Tapos iniiwasan nya naman ako kapag nandun sa bahay. Nung minsan naming nagkasalubong kami sa bahay trinay ko syang kausapin tungkol dun. Sabi nya ayaw nya man wala naman syang magawa kasi mahal nya si Mommy, mahal naming pareho si Mommy di naming maintindihan bakit umabot sa ganito. Ang gulo di ba?
Kaya ito ako ngayon nangungulila kay Soul. Haaaaaaist’ di ko man lang magawang ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko sya alam nyo bay un? At ang gabing nangyari sa aminay sariwa pa rin sa ala-ala ko. Nag-aalala ako sa kanya pero mas nakabubuti ang din a ako magkaroon ng contact sa kanya kasi lalo lang magiging mahirap para sa akin ang kalimutan sya.
“Oo nga pala nasaan na nga ba si Aera? Bakit di ka nya kasamang pumunta dito?”
“May pasok po kasi sya ngayon mom.”
“Ah okay. Kamusta ang Hospital napapalakad nyo ba naman ng maayos?”
“Okay naman Mom, medyo nasasanay na din naman ako sa pagpapalakad nito salamat sa tulong ni Tito.”
“Maige kung ganun. Siguro dapat ka na ding kumuha ng Medical course.”
“But mom? Kaya ko naman kahit di na ako magdoctor tsaka mas gusto ko ang course ko. Kuntento na ako dun.”
“Alam ko kung ano ang makakabuti para sa iyo hijo.” Haaaaaist ito nanaman po kami.
Lumabas nalang ako ng kwarto ni mom alam ko nanaman kasi kung san papatungo ang usapang yun. Wala nanamang mangyayaring maganda. Oo nalang.
BINABASA MO ANG
Soul's Secrets
Não Ficção..Soul Fontanilla, bass guitarist ng bandang Bees.. prinsesa ng pitong lalaking importante sa buhay nya.. laging sinasalo ng taong nakapaligid sa kanya.. ganon nila sya kamahal, ngunit paano kung sa isang iglap bigla itong magbago???