Chapter 69 (That Bastard!)

69 0 2
                                    

Aqi's POV

Wag na kayong magtaka kung bakit ko nagawa sa kanya yun..

Kulang pa nga yun eh..

Balak ko pa ngang sabuyan ng Gasolina ang mukha nya at silaban eh..

Pero naisip ko, sayang ang pogi nya..

"Wui Aqi ano ba kasi ang kasalanan ko sa'yo? bakit mo ako sinapak?"

Aish pigilan nyo ako..

Wala akong balak kausapin tong mokong na to..

Bahala sya sa buhay nya..

"Pag di mo ako kinausap hahalikan kita!!" aakma na syang lalapit sa mukha ko..

Pero dahil wagas na sa akin ang aking galing sa martial arts..

**PAAAAAAAAAAAAAAAK**

"Aray!! grabe ka talaga Aqi..!!"

"Hahahahaha, sabi sayo tol' tantanan mo muna si Aqi eh.." sabi ni Kurt..

Ayan kung ako sa kanya sinusunod ko nalang muna si Kurt.

"Maiba tayo ng usapan, kailan ka papasok?" tanong ni Kurt.

"Ngayon na gusto mo?" sagot ko sa kanya.

"TSk, nice talking." sabay irap ni Kurt.

Ang bading talaga nito.

"BOOOOOOOOOM!! basag ka no tol'? malamang dadatnan na tong babae na to. ahm' Aqi? meron ka ba?"

"Bakit?" sabay taas ko ng kilay kay Aero.

"Ayy hindi kaya banat yun. Tanung kaya yun." sagot ni Aero

"Tara na nga muna kila tito malamang nyan hinihintay ka na nya.." sabat ni Kurt.

At pumunta na kami kila bahay ni Ama.

"Hello honey, how's your trip?" bati ni daddy sa akin with hug.

I miss him..

"Okay naman po." sabi ko with slight smile.

Tumuloy kami sa loob ng bahay nila ama.

medyo weird pero hindi ko gusto yung atmosphere sa loob ng bahay na ito.

Ang sama kasi ng tingin ng asawa ng tatay ko..

"Anak, halika na sa magiging kwarto mo." yakag sa akin ng tatay ko..

sa pakiramdam ko naman talaga hindi ako welcome sa bahay na ito eh..

Di naman obvious kasi pati yung mga kapatid ko sa ama eh nakasimangot.

umiling ako.

Ayokong ipagpilitan ang sarili kong makisama sa mga taong to..

Okay lang sana kung si ama lang eh..

"pero anak saan ka titira?"

"Sa bahay po ni Kurt."

Mukha namang nabigla si Kurt sa sinabi ko.

Napatingin silang lahat sa akin.

Shit.

Makisama kayo..

"Sigurado ka ba dyan anak? baka naman hindi okay kay Kurt yan?"

tumingin ako kay Kurt..

Ginamitan ko sya ng tingin ni puss hahaha..

"OOOOO---Po, okay lang po sa akin yun."

Ayos!! kala ko di na eepekto eh..

Di naman na din kami nagtagal dun.

Umalis na din kami kaagad.

"WOi Aqi!! anong nakain mo at balak mong tumira sa bahay ni KUrt? may balak kang masama kay Kurt no?" pangangasar ni Aero.

"Siraulo, baka si Kurt pa ang may gawing masama sa akin.."

"Wow, so paano si Axl?"

biglang tahimik ko at si Kurt bumilis ang pagpapatakbo sa kotse..

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon