Chapter 20 (Graduation day--,")

140 3 0
                                    

Chapter 20

            Lumipas ang isang linggo at walang Lexus na nagpakita. Di din sya nagparamdam sa text or kahit sa tawag. Nakatulong naman ang pag-aasikaso ko ng mga requirements para grumaduate.

            At ngayon nga ay araw na ng aming graduation. Hindi ko alam kung aattend si Lexus. Siguro naman oo kasi sya ang Valedictorian. Pero nagtatampo ako sa kanya. After ignoring me for how many days ganun?

“Ate di ka pa ba tapos? Malalate na tayo.” Sus ang Salututorian namin excited.

“Excited ka lang eh. Anyway, congratulation Shin.”

“Congratulation din Ate. Sa wakas gragraduate na tayo. Alam mo ate ang saya-saya ko kasi kumpleto ang Family natin.”

“Syempre naman mapapalagpas ba naman nila ang Speech ng prince namin?” napangiti lang si Shin.

“E ikaw dapat maging happy ka din kasi Gragraduate na tayo.”

            Paano naman ako magiging masaya kung parang ang labo ng situation namin ni Lexu ngayon.

“Tara na nga.”

             Pumunta na kami sa ASVU. Nagstart na din ang program. Di ko maiwasang tumingin sa chair na  reserved for Lexus.

            Nasaan ka na ba? Bakit iniwan mo akong nag-iisa? Okay, inaamin ko na umaasa pa din akong makikita sya kahit nagtatampo ako sa kanya.

Di ko namalayang umaagos na pala ang mga luha sa aking mga mata. You’re so mean Lexus. Sabi mo ako lang ang buhay mo pero bakit wala ka ngayon?

 Ang sabi mo sa akin babawi ka?

 Bakit di mo magawang magtext or tumawag man lang para ipaalam na ok ka? Sana naman nagpapasabi ka di ba? Kasi namimis na talaga kita.

 “Now may I Call on stage our batch 2011 valedictorian mr.Lexus Guevarra.” Sabi ng emcee.

            Napatingin akong bigla sa stage at nakaramdam ng excitement na makita siya.

            Pero laking gulat ko ng si Alden ang pumunta sa stage at may ibinulong sa Emcee. Napatangutango lang yung emcee at nagsalita na pagkababa ni Alden.

“Ok our Valedictorian is in Hong kong right now so let’s proceed to our salututorian address.”

            Gusto kong lumabas na ng Gym. Pero di naman pwede dahil si Shin na ang Speaker. Gusto kong lapitan si Alden dahil alam kong alam nya kung nasaan si Lexus kaya lang ang layo ng upuan nya sa akin. Mamaya, tama mamaya lalapitan ko sya agad.

----------------------------------------

            Natapos ang seremonyas ay may isang kaklase ko ang nag-abot sa akin ng isang gift.

“Congratulation Soul, may nagpapabigay nga pala nito sa’yo.”

“Congratulation din, sinong nagpapabigay?”

“Hmn galing kay Alden, pinapabigay nya. nagmamadali na nga syang umalis nun eh flight nya na daw kasi mamayang 10pm.”

“Huh? Bakit di sya nagpasabi? Tska saan naman sya pupunta?”

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon