Chapter 9 (Mga Chismosang froglets)

153 3 0
                                    

Lexus------------------------------->

Chapter 9

“Ate, gusto ko si kuya Lexus. Mukha nanaman syang mabait eh.” Ahhh? Ano daw? Si Lexus? Mabait?

            Ay naku Shin kung alam mo lang. napangiti nalang ako sa kanya at ginulo ang buhok.

“Amp’ ate wag mong guluhin yung hair style ko.”

“Aba at may nalalaman ka ng ganyan ah. Bakit may pinupormahan ka na ba?”

“Sus, wala noh. Sige na ate punta na ako sa elementary dept.” at kiniss na nya ako.

            Yung batang yun talaga. Naglakad nalang din ako papunta sa highschool depertment. Wala pang masyadong students sa mga classroom pati sa corridor. Mangilan-ilan pa lang. dumiretso na ako sa classroom ko pero sarado pa ito.

Maya-maya ay dumating na ang isang nakakainis na tao. Sino pa ba? E’di si mr. Stone Hearted. Kahit di ko pa tinitignan. Naaamoy kasi sa pabango nya. sya lang naman may ganung pabango mukhang mamahalin.

“Bakit di mo ako hinintay sa bahay nyo?” cold nyang tanong. Humarap nanaman ako sa kanya.

“Bakit anong meron? Nagpasabi ka ba?”

“Hmn siguro kasi Girlfriend kita so responsibilidad ko bilang boyfriend mo ang sunduin at ihatid ka sa inyo. Sa pagkakaalam ko ganun yun. Tama ba?”

“At sino nanamang may sabi sayong boyfriend kita?”

“Ako dahil wala ka ng magagawa dun, ako ang batas.” Wooooooh! May bagyo ba dito? Kelan pa dineclare sa sya na ang batas dito sa Pinas?????

“Ang kapal din naman ng mukha mo nuh?”

“Ang aga-aga, ang ingay-ingay mo!” aba at sinisigawan nya na ako ah tapos sya pa may ganang magtakip ng tenga.

“Sino ka para sigawan mo?! At for your information dapat ingay lang kasi kapag ingay-ingay ambulansya na yun! At aga lang kasi kapag aga-aga madaling araw pa yun!”

“HAA!HAA!, grabe joke ba yun? Tatawa na ba ako? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yong ako ang BOYFRIEND mo?”

“BOYFRIEND?!?!” kailangan ba talagang CAPSLOCK to?

            Sabay kaming napatingin sa mga pinanggalingan ng mga boses na yun. Tatlong babae sila. Mga chismosang palaka! Huhuhuh’ nakakahiya nalaman na nila. I’m so dead!

“Wala ba kayong galang? Bakit kayo nakikinig sa usapan ng may usapan?” napalingon ako kay Lexus na ngayon ay sobrang seryoso ng mukha nya, wait galit ba sya? Nakakatakot yung itchura nya eh.

“So-so-sorrrrry Le-lexus.” Ayan buti nga sa kanila. Ngayon uutal-utal sila sa pagsosorry.

            Biglang bumunot ng kung ano si Lexus, akala ko naman kung ano yun susi lang pala tapos hinagis nya ba naman dun sa babaeng isa. Walangya, pwede nya nanaman ibigay ng maabot ng maayos di ba?!

            Pero parang wala lang dun sa babae ang ginawang kabastusan ni Lexus. Binuksan na nya yung pintuan at inabot kay Lexus yung susi.

            Unang pumasok si Lexus. Nakasilid ang mga kamay nya sa bulsa nya. pumasok na din yung tatlong babae. Lumabas din naman agad sila pagkalagay ng mga bag nila sa mga upuan nila. Ako naman ay tahimik na dumiretso sa upuan ko. Nilingon ko si Lexus, as usual nakarest nanaman ang head kaya malamang tulog nanaman sya.

Soul's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon