CHAPTER 5

1.3K 31 1
                                    

Two days. Dalawang araw na ang nakaraan pero andito pa din ako sa cabin ng lalaking nakauna sa akin.

Napahawak ako sa ulo ko.

Ano ba kasing nasa isip ko at ako ang unang nagbigay ng motibo ng gabing iyon?

Umiling iling ako saka humiga ulit.

Mas mabuti na siguro iyon kaysa ibigay sa magiging asawa ko ang pinaka-iingatan ko. I didn't even know who is my soon-to-be husband. Paano kung matanda na ang mapapangasawa ko? Kulubot na ang mukha, mataba at malaki ang tiyan dahil workaholic tapos ano.

Napangiwi ako dahil sa pinag-iisip ko.

Infairness, gwapo ng nakauna sa'yo. Sabat ng isip ko.

Umiling na naman ako. Nakailang iling na ba ako? Hindi ko na mabilang dahil sa dami din ng pinag-iisip ko.

Pero ang pinaka-weird ay wala man lang akong naramdaman na pagsisisi. Hindi ako nagsisisi na binigay ko kay Kervy ang virginity ko.

And what even more confusing is he's always caring for me. Palagi ko siyang tinatanong pero ang tanging sagot niya lang ay siya daw ang may kasalanan dahil nagkasakit ako.

Siya palagi ang naghahanda ng pagkain and all I could say is he's a great cook. Para akong baldado dahil kahit pagligo ko ay siya ang gumagawa.

I didn't complain because everytime I see his eyes, nauumid ang dila ko kaya't hindi na ako nakakapagsalita. Sa huli, hinahayaan ko na lang siya. Besides he already see everything.

His eyes shows authority but with a gentleness stare.

Hiyang hiya man pero pinagsawalang bahala ko na lang iyon.

Besides, I love how he cares for me. Kung paano niya ako singhalan kung hindi ko sinusunod ang bilin nito. Kung paano niya akong gawing priority niya. He even cancelled all his work for me.

At nalaman kong Best man pala siya sa naganap na kasal dalawang araw na ang nakalipas. Uuwi na sana siya kinabukasan dahil sa work nito pero nagpaiwan siya just to take care of me.

"In Love ka na niyan?" sabad ng isip ko na nagpairap sa akin sa hangin.

"No." sambit ko at umiling na naman. Eksaktong iyon ang naabutan ng lalaking kanina lang ay iniisip ko.

"What happened?" dali-dali itong lumapit sa akin at sinalat ang noo ko.

Yumuko ako. "Ayos na ako. Salamat." sambit ko saka nilingon siya.

"Are you sure?" tanong ulit niya kaya tumango ako saka ngumiti sa kanya. He look stunned when he see me smile for him. At hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon.

Yumuko ako dahil naramdaman kong uminit ang buong mukha ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga reaksiyon ko. Nagmumukha kasi akong bata kapag nasa tabi ko siya.

Sa lahat ng ginawa nito para akong batang naghahanap ng kalinga sa piling niya. Siguro dahil bihira lang na ganito ang ginagawa sa akin ng magulang ko. Dahil mas inuuna nila ang kuya ko na magmamana sa kompanyang pinaghirapan nila.

Natawa siya. "You know what Laurayzia?" nakangisi ito ng sulyapan ko siya habang nakatingin sa akin ng diretso. Yung tingin na parang inaalam niya ang nasa isip ko.

"You're so cute." saka ito mahinang natawa sa naging reaksiyon ko dahil napanganga talaga ako.

Ako, Cute! Oh come on. Sa ganda kong 'to cute lang ako sa pangingin mo.

Yan sana ang sasabihin ko pero sa isip ko na lang nasabi dahil nahihiya pa rin talaga ako. Napaigtad ako ng lumapit siya sa akin saka hinawi ang comforter na nakatabing sa katawan ko. Mas lalo akong nataranta ng hawakan niya ang dalawang hita ko para ibuka iyon kaya't pilit ko naman tinikom 'yon.

Owned by Him (Night Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon